Chapter 16.2 - First?

332 9 1
                                    

Chapter 16.2 – First?

Dom's POV

"Ha?" sabay na tanong namin ni Andrew.

"Kung si Ada may Ichi, si Jean may Nico." Ulit ni Yen habang nakatingin pa rin sa ibaba.

"A-anong---" Hindi niya na ako pinatapos.

"Ayy ang slow." nagtatanong lang eh.

"Moo ang akala ko ba wala pang nagiging boyfriend si Jean?" tanong ni Andrew. Ang alam ko din.. wala pa.

"Well. Yes. Di naman naging sila eh. Muntik lang. Loko kasi eh.. kapal ng pes, sarap ikayod para numipes."

Hindi naman siya masyadong bitter niyan?

"Bitter na kung bitter oy." Dagdag ni Yen.

Paano niya nalaman yung naisip ko?

Tsk. Seryoso na nga.

"Eh.. Yen.. ano ba talagang nangyari sa kanila?"

"Sabing hindi naging sila eh. Edi malamang walang nangyari sa kanila." Mataray na sabi ni Yen, "Kulit ng lahi. Tsk." Bulong pa niya, bakit parang ang init ng dugo sakin neto?

Tsaka.. ano bang iniisip niya?! Tss. Hindi naman ganun yung ibig kong sabihin eh.

"Moo.. ano ba yang naiisip mo?! Hindi yun yung ibig sabihin ni Dom. Ang ibig niya sabihin.. ano daw nangyari kung bakit sila nagkahiwalay."

"Ayy. Sorry moo. Hehe." Sagot niya kay Andrew, tapos bigla akong tiningnan ng masama, "Pake mo?"

Boom.

Yun yun eh.

Tsk.

"*SIGH* Una na ko." Tumayo na ako.

"K." Yen

So ayun na talaga yun?

"Pre." Sabay hagis ni Andrew ng susi ng kotse ni Jed.

Lumabas ako sa bahay ni Yen nang di manlang nila ako pinigilan o sinabihan ng ingat manlang. Tsk. Oo na.. kasalanan ko na lahat.

**Dom's house

Time check: 9:30 pm

Nagising na kaya siya?

Ano na kayang nangyari sa kanya?

Okay lang kaya siya?

Sana hindi niya na maalala lahat ng nangyari kanina.

Dapat talaga hindi ko na siya dinala dun eh. Tsk.

Kamusta na kaya siya?

Puntahan ko kaya?

Tama. Pupuntahan ko na lang.

*Tayo

*Lakad palabas

*Hinto

Sht. Di ko alam bahay.

*Balik

*Upo

Maitanong na nga lang kay Yen--- ayy asa pa akong sasabihin niya.

Kay Ada na lang nga.

*Kuha phone

Text.

Ada. Pwede ko ba malaman address ng bahay ni Jean?

Nung isesend ko na.

Ampoooo--- tsk. Wala akong number ni Ada.

*Tayo

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon