Chapter 2 - Siya

524 12 3
                                    

Chapter 2 - Siya

"So what can you say about him?" Buena manong tanong sa akin ni Yen pagkapasok ko pa lang ng room.

"Him?" Patay malisya kong sagot.

"Papa Jed! Ada talaga kinakalimutan ang ganon kagwapo." Kinikilig na sambit ni Jean. Seriously?

Napairap ako sa kawalan, "Wala."

"WALA?!!" Laking gulat ko nang sumigaw silang dalawa. Kailangan ba meron? Eh sa wala talaga akong masabi. Tsaka bakit ba nila ako pinagtutulukan na lang bigla? At don pa talaga sa lalaking iyon?

Simula nung nagmovie marathon, lagi na nilang tinatanong sakin yan. Oo na, mapanakit na kung mapanakit, dalawang beses ko ba naman siyang nasampulan. Malay ko ba kasing siya pala yung balasubas na driver nung gabing yun?

Sabi ni Yen magsorry ako.. nung una syempre ayoko. Sa huli, wala din akong nagawa dahil ikinulong nila ako sa CR. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pagkalabas ko sa CR, palagi na lang nakangiti sa akin yung mukhang panda na lalaking 'yon.

Okay, nagsorry ako, pero hindi ba niya alam na magkaiba yung sincere sa napilitan?

"Una na ako. May practice pa kami eh. Bye." Nagpaalam na ako sa kanila after ng first subject namin.

Pumunta ako sa fifth floor. Dun kasi yung mga rooms for dance purposes. Pagpasok ko wala pa yung choreographer kaya umupo muna ako. Buti na lang naituro na samin lahat ng steps. Polishing na lang.

"Woooow! Ikaw ngaaaa! Oh my golly."

Tinakpan ko yung kanan kong tenga at napatingin kung saan nanggaling yung sumigaw. She's like 12 or 13? She looks young, she's also pretty. Straight ang kanyang itim na buhok at kita ang pagkapula ng kanyang pisngi dahil sa kutis niya.

"Adrienne Drew Alcantara? Miss Ada? Tama po hindi ba?" Nakangiti niyang tanong sa akin gamit ang nagniningning na mga mata.

Tumango ako at nginitian ko na lang sya kahit medyo naweirduhan ako sa inaasta niya.

"Waaaah! Miss Ada! Matagal na kita hinahanap! Mas maganda ka pala talaga sa personal kesa sa picture! Waaaah! Papicture please! OMG! Kanina pa kita hinihintay." Hindi ko na napigilang mapangiti sa kanya.

"Sure." Tapos ayun kinuha nya 'yung camera na dala nya, pero umalis nadin naman siya kaagad. Di ko manlang naitanong ang pangalan niya.

"Everyone! I have an announcement! We'll not be having our practice for today! You may go now. And oh, except for Miss Alcantara, stay here." Dirediretsong sabi ng organizer pagkapasok niya.

Napakagat ako sa labi ko. Gusto ko na rin umalis pero mukhang may kailangan pa ang organizer na ito sa akin.

Umalis na yung ibang mga tuwang tuwa. Habang ako walang nagawa kundi ang magstay. Nang nawala na ang lahat at kami na lang ng organizer ang natira dito, nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya.

"Miss Alcantara. Mr. Sanchez won't be joining this dance number anymore for some reasons. You'll be having a new partner and you need to teach him everything.. NOW."

"W-what?! Are you kidding me sir?! I mean.. everything? NOW?!" Nagjojoke ba siya? Tatawa na ba ako? Is this even some kind of a joke?

"Yes. Oh. He's here." Tumingin siya sa likod ko which is yung pinto.

Paglingon ko ay automatic na nanliit ang mga mata ko. Anak ng pitumpu't pitong puting tupa...

The heck?!

Yes! It is him.

Siyang siya.

"Miss Alcantara, this is Mr. Aiderson." Nilipat naman niya yung tingin niya kay sira ulo, "Mr. Aiderson, this is Miss Alcantara."

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon