Chapter 26 - Issues

234 8 1
                                    

Chapter 26 – Issues

Ada's POV

*Bag bag bag

"Iinom inom kayo tapos gaganyan ganyan kayo?! Aba! 'di lang kayo ang tao dito!"

*Bag bag bag

"Jillieyen, hayaan na lang natin sila. Baba na tayo."

"Hindi tayo bababa hangga't hindi bumabangon 'tong mga 'to! Hooooy! Buksan niyo ang pinto!"

*Bag bag bag

"Tara Jean." Tawag ko kay Jean sabay lakad pababa.

"Teka lang Addie, iiwan natin si Jillieyen?" tanong ni Jean habang nasa gilid ko.

"O-oo nga Ada. Iiwan niyo ako?!" tanong ni Yen kaya naman napatigil kami ni Jean at nilingon siya.

"Hindi. Ayaw mo kasi silang hayaan, so.. ikaw na lang muna ang hahayaan namin." sabi ko sa kanya sabay talikod.

"Ada naman eeehhhh!" angal ni Yen pero patuloy pa rin sa pag-galabog ng tatlong pintuan na magkakatabi.

Naglakad na kami ni Jean pababa. Pagkapunta namin sa dining room..

"Goodmorning!" bati ni Pao sa amin na nag aayos ng mesa.

"Napasarap ata tulog ng honey ko ah. 'lika kain na tayo honey." Sabi naman ni Dom sabay lapit kay Jean at hila paupo sa mesa.

"T-teka. Kanina pa kayo.." sabi ni Jean na bigla rin namang napatigil, "Bumaba kami kanina pero wala kayong lahat. Hala.. ang daya niyo naman eh!"

"B-bakit honey? Baka nandun kaming lahat nun sa labas? Nag iihaw?"

"Goodmorning Adrienne." Bati sa akin ni Jed mula sa likod ko sabay halik sa pisngi ko.

"Goodmorning Moo—teka." napatingin kami kay Andrew na may dalang mga inihaw. inilapag niya na rin naman kaagad sa mesa. "Nasaan si Moo?"

"Nandun. Sunduin mo. Lagot kaaaa!" sabi ni Jean with matching hand gesture pa na 'lagot ka'.

"Ha? Bakit?" painosenteng tanong ni Andrew.

"Akala niya tulog pa kayong lahat kaya nandun siya ginagalabog yung mga pintuan niyo." Diretsong sabi ko.

"Ahh." Sabi nila pwera kay Andrew na ang nasabi eh, "Sh!t." sabay takbo paakyat sa itaas.

Umupo na kami sa mesa. Pero hindi muna kumain dahil hinihintay pa namin yung dalawa.

"Ang daming pagkain. Kayong lahat nagprepare?" tanong ni Jean habang tinitingnan lahat ng pagkain.

"Yup." Sagot ni Pao.

"Teka.. eh anong oras ba kayo nagising?" tanong ko kay Jed.

"Uhh. 6? Yeah. 6." Sagot niya habang inaayos yung mga nakahain sa mesa.

"6? Eh diba naginuman kayo? Anong oras na ba kayo natulog?" tanong ko ulit. 10:30 kami naghiwahiwalay kagabi, pero sabi nila magiinuman pa daw sila.

"1:00" sagot niya habang nagaayos pa rin ng mga nakahain sa mesa.

"1? 5 hours lang kayo natulog?"

Narinig kong tumawa sila, pwera kay Jean na nakatingin pa rin sa mga pagkain.

"Sanayan lang Ada." Sabi ni Pao.

Napatango na lang ako at napatingin sa mga pagkain na nakahain. May inihaw na isda, baked tahong, pusit, tempura at malaking alimango. Masyadong marami pero sa tingin ko, tama lang para sa aming lahat, lalo pa't limang lalaki yung kasama namin.

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon