Chapter 9.1 - Foundation week

347 9 2
                                    

Chapter 9.1 - Foundation week

Yen's POV

After my date with Jean and Ada. Babalik na sana ako sa school nang biglang sinabi ni Trish, our president, na canceled ang meeting. Buti na lang at hindi busy si Moo, humiling ako na kumain sa labas kasama siya. Agad naman siyang pumayag.

Ang akala ko ay makikita ko na masaya rin siya tulad ko, pero nang sumakay ako sa kotse niya, napansin ko na kaagad ang pagkawala ng gana niya. Akala ko kagabi lang siya walang kibo. Bakit hanggang ngayon? Bumangon ang kaba sa dibdib ko.

"Moo, yung totoo." Tanong ko nang hindi siya tinitingnan.

"Ano yun?" Hindi ba pwedeng... ano yun Moo?

"Do you still love me?" labas sa ilong na sabi ko.

"Ha?" Tiningnan niya ako sandali at ibinalik na rin naman kaagad ang tingin niya sa daan.

Mas nilakasan ko ang boses ko, "May iba ka na bang gusto?"

"Iba? Hindi kita maintindihan." Nakatingin na ako sa kanya, nakakunot ang kanyang noo at unti-unti niyang ginigilid ang sasakyan niya.

"Ayaw mo na ba sakin? Iniiwasan mo ang mga tanong ko. Bakit hindi mo manlang—" hindi ko na naipagpatuloy ang sinasabi ko nang bigla niyang ihinto ang kotse.

"ANO?! ANONG SABI MO?!" Sigaw niya matapos ipreno yung kotse.

Napalunok ako, "Ayoko na ulitin."

Bumuntong hininga siya at nagkamot ng ulo, "Bakit mo nasabi yun Moo? Ikaw lang ang mahal ko. Hindi mo na dapat 'yan tinatanong pa sa akin."

" Alam mo bang kagabi ka pa ganyan? Of course! Alam mo yun, ikaw lang naman ang nakakaalam ng iniisip mo hindi ba?" nakataas kilay kong tanong.

Tinitigan niya ako habang pinagdidikit ng mariin ang mga labi niya, "I'm sorry. I'm just... worried."

Worried? How would I understand kung hindi niya sinasabi sa akin? "Worried? Saan?" Pasigaw na tanong ko.

"It's about—"

Hindi ko narinig ang kasunod ng sinabi niya dahil malakas na tumunog ang phone niya. Nabunutan ako ng tinik nang marinig ang theme song naming dalawa.

"Hello?" Pagkasabi niya non ay sumenyas siya ng wait gamit ang hand gesture. Tapos lumabas na sa kotse. Mabilis din naman siyang natapos sa pakikipag usap sa kung sino man yon.

Pero pagpasok niya.. iba na aura niya.

"Babawi ako, Moo. I'm really sorry." Bakit nakangiti na siya ngayon? Tiningnan ko lang siya gamit ang nakakunot kong mga kilay, "Moo, Bakit?"

"You're smiling." Tumingin ako sa labas, "Ganun ba kaimportante yung nakausap mo at nagawa ka niyang pangitiin?"

Tumawa lang siya, "Moo. Si Pao yung nakausap ko. Kaya wag nang magselos."

"Hindi ako nagseselos. Pero... patingin ng phone, pwede?" Pinakita niya naman sakin kaagad yung call log niya. Si Pao nga, "Kasi ikaw ngiting ngiti ka dyan! Ano bang pinagusapan niyo't nagbago bigla mood mo?"

Nag isip siya sandali bago sabihin sa akin. Don ko lang naintindihan ang kilos niya mula kagabi... hanggang kaninang bago tumawag si Pao.

Ada's POV

Monday pero namumrublema na naman ako kung papasok ba ako o hindi. Bukas pa naman yung mga special number ko, so pwedeng hindi muna ako pumasok. Kinagat ko ang apple na hawak ko at napagisipang bukas na lang talaga ako papasok.

Jean calling..

Sinagot ko ito kaagad at bumungad ang malakas niyang boses.

"Addie! Wer na you? Here na kami sa school!"

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon