Chapter 35 - Confirmed

192 7 0
                                    

Chapter 35 – Confirmed

Yen's POV

"Sembreak nga di naman natin nakakasama si Addie."

"Kailan lang si Yen ang weird, tapos ngayon si Ada. Baka naman bukas honey ikaw na! Waaah!"

"Hehehe. Malay mo honey."

"WAG GANYAN HONEY!"

"Ang ingay mo liit. Tumahimik ka nga." Suway ni moo kay Dom

Bumuntong hininga si moo at napapikit na lang. Nandito kami ngayon kina Ada. It's been 1 week since nung nagmall kami, sembreak na. 1 week na rin ang nakalipas nang nagdinner kami sa resto nila Jed kung saan bigla na lang umalis si Ada.

Umalis ng walang paalam.

Ang alam kasi namin magccr lang siya pero nang halos 15 minutes na siyang wala, nagpanic na kami. Pumunta si Jed sa cr pero wala dun si Ada. Tinanong rin namin yung mga waiter kung napansin ba nila yung kasama namin, pero hindi daw dahil sa dami ng customers kanina. Nang tanungin ni Jed yung guard, mas lalo kaming nagpanic dahil sa naging sagot nito..

"Yung mistisang maganda na hindi katangkaran at medyo kulot ang buhok ho ba? Ahh.. Opo. Kanina pa po siya lumabas, mangiyakngiyak pa nga po yung mga mata niya sir."

Magsasara na yung mall nun, pero hinanap pa din siya ni Jed. Napatigil lang kami nang tumawag kami kay yaya at sinabi nitong, "Umalis ba kamo ng walang pasabi? Naku, eh kadarating lang nila dito ni Joe. Pagsasabihan ko na lang, wag na kayong magalala.."

Sinabi din ni yaya na hayaan na lang muna namin si Ada. Pero hahayaan ba naman ni Jed? Kaya siya na lang ang pumunta, yun nga lang, dumating siya na tulog na daw si Ada.

But that was 1 week ago.

Within that 1 week, she'd been so distant to us. Hindi niya kami nirereplyan at hindi niya rin sinasagot ang mga tawag namin.. syempre pagdating kay Jed sinasagot niya. Pero wala pang 5 minutes, nagpapaalam na ito kaagad.

"Halika't kumain muna kayo. Parating na naman siguro sina Ada at Joe." Tawag sa amin ni yaya.

Kanina pa kami naghihintay at buti naman pauwi na rin siya.

Habang kumakain kami, halatang halata kay moo na hindi siya mapakali kaya naman ipinatong ko yung kamay ko sa balikat niya para macomfort sya kahit papano.

"Ngayon ko lang nakita yung tatlong ito ha. Aba't ang ggwapo. Mga kaibigan ba kayo ng alaga ko?" nakangiting sambit ni yaya habang nakatingin kina Dom, Pao at moo.

"Opo. Hehe. Ayun po si Pao, tapos si Dom po boyfriend ni Jean, tapos ito naman po si Andrew, boyfriend ko." Nakangiti kong sabi pero nang mapansin kong nag iba yung expression ni yaya, napakunot na lang yung noo ko, "Yaya? May prublema po ba?"

"W-wala naman." Sagot ni yaya habang nakatingin kay moo at para bang naluluha siya, "Naku pasensya na kayo ha, masaya lang ako at nagkaroon ng mga kaibigang tulad niyo si Ada." Pinunasan nya yung gilid ng mata nya, "osya, dun muna ako sa garden ha."

Pagkalabas ni yaya, nagkatinginan kaming lahat at mas lalong nagtaka sa mga nangyayari. Hanggang sa nakarinig kami ng boses galing sa living area na mukhang papunta dito..

"You punched him in the face tapos hindi ka manlang nag apologize?"

"Okay. Sorry--"

"Hindi ako ang sinuntok mo---" napatigil siya nang makita kami, "Ohhhh.. what brought you here? Anong meron?"

Para kaming biglang napanganga sa sumulpot na Ada sa harap namin ngayon. Ada na parang hindi si Ada. Ang putla putla niya tapos diretso na ulit yung buhok niya at yung mga mata niya na kasalukuyang nakatitig kay moo.. tila malamig na ulit tulad ng dati.

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon