Chapter 9.2 - Her song

386 9 3
                                    

Chapter 9.2 - Her song

Andrew's POV

"Kamusta?" pagkasabi ko non ay agad rin naman siyang tumingin sa dako ko.

"Nagulat ba kita? Sorry." Agad kong sinabi na may peace sign pa. Hindi ko alam kung nairita ba siya nong narinig niya pa lang ang boses ko o sadyang ganyan na talaga siya kalamig makitungo sa lahat.

"Slight." Ang tipid niya talagang magsalita.

"Kamusta?" nakangiti ko pa ring tanong sa kanya kahit wala akong nakukuhang expression sa mukha niya.

"I'm fine."

Nagtanong ako uli sa kanya kahit na sa tingin ko ay nawiwirduhin na siya, "Ready ka na mamaya?"

"What do you think? Dumating ka, eh." Diretso niyang sagot na nagpabigla sa akin, anong ibig niyang sabihin? "Kung wala ka nang sasabihin, pwede bang hayaan mo na ko magpractice magisa?"

Kailan ba magiging maayos ang pag uusap naming dalawa?

"Tsaka pwede bang wag ka masyado lalapit sakin? Baka magselos na naman si Yen." Dagdag niya pa. Wag masyadong lalapit? Hindi ko alam kung natural na bang ganyan ka kasakit magsalita. Pero sana dumating ang araw na hindi niya na ako pagsalitaan ng mga ganyang bagay.

Dahil simula't sapul, hindi ko iyon magagawa. Ang hindi lumapit sa kanya.

"She won't." Halata sa itsura niyang hindi siya naniniwala, o baka nga hindi niya iyon pinakinggan, tumayo na ako, "I'll go ahead. Goodluck!"

Sana ay maging maayos na ang pag uusap namin sa susunod. Hindi na siya sumagot kaya umalis na ako at tumulak na papuntang Music Room.

Ada's POV

Time check: 2:45

Wala pa rin akong naiisip na kanta at dahil don ay bumabangon na ang kaba sa dibdib ko. Hindi naman ako ganito pero may parte sa akin na nawawalan na ng pag asang makapag isip ng tamang kanta.

Tumayo na ako at pumunta sa University Theatre. Kaya pala minove 'to ngayon kasi kung bukas pa ay alanganin na. Nauna daw kasi yung dance troupe sa reservation para bukas.

Nagstart na yung program. Si Ella ang host at isang lalaki na hindi ko kilala. Walang suot na salamin si Ella, light lang din yung make up niya. Mas okay kung ganito palagi ayos niya. Maganda siya. Lokaret nga lang kumilos.

"Thank you finalist number 3!" Masiglang sabi ni Ella sa audiences tapos ang performance ng isang finalist sa singing contest.

"Partner, do you know that we have a very special guest for this afternoon?" masiglang sabi rin ng lalaking host.

"Of course partner! And I think they're ready."

Nagtilian ang audiences.

"So we really have two special guests today, huh? Sounds exciting!"

"Yes! And i'm sure we're gonna love their special numbers!"

"ADAAAAAA!!!"

"ADA! ADA! ADA!"

Halos lumabas ang dibdib ko sa tili ng mga nasa audiences. Nakaramdam ako ng kunsensya. What am I gonna do now?

"Ladies and gentlemen, let us all welcome! Ada!" Tawag sakin ni Ella. Binalewala ko ang kabang nararamdaman. Pagtuntong ko sa stage.. malakas na hiyawan ang bumungad sakin.

Bahala na. 'yon na lang ang tanging nasabi ko sa sarili ko.

Tumayo na ako sa gitna at sinabit ang strap ng gitara ko sa balikat ko. Magsisimula na akong magstrum nang biglang nahagip ng mata ko si Jean at Yen.

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon