Chapter 28 - Dare & Consequences

265 8 2
                                    

Chapter 28 – Dare & Consequences

"But I really want to stay with them! Okay lang naman sa kanila eh!"

"No, Steff. You stay here."

"James! Ayokong mag isa! Ayaw mo naman akong samahan kaya sige naaaa! Let me stay with them!" sabay alog sa braso ni James.

Napahawak si James sa ulo niya na para bang sobrang sakit na nito. Kanina pa namin siya tinitingnan. Kakaibang James kasi yung nasa harapan namin ngayon, James na hindi isip bata at walang halong kakulitan yung galaw.

"Please please please? Pretty please?" pagmamakaawa ni Steff kay James. Gusto niya kasing magstay kasama namin sa kwarto. Nang tanungin niya naman kami kung okay lang daw ba, umoo lang kami nina Yen. Mukha lang siguro talaga siyang mataray pero base sa mga galaw niya, hindi naman siya yung tipong maarte.

"Jillieyen, Addie, Jeanie! Okay lang naman 'di ba?" dagdag niya pa.

Did she just called me Addie?

Walang ni isa sa amin ang nakapagreact kaagad. Only Jean can call us those names. Nakita ko na halos magkapareha kami ng reaksyon ni Yen, habang si Jean, nakatingin lang sa gilid.

"Steff!" Agad na sabi ni James, "Don't call them names."

"I'm not! I just want to call them those because I like them!"

"Ada. Yen. Jean." James. Emphasizing each of our names, "Dun sila sanay. So please.. 'wag kang pauso."

"Whatever." Sabi niya sabay tingin ulit sa amin, "Okay lang naman na magstay ako together with you diba?"

Wala pa rin sumagot sa amin, dahil sa totoo lang, nag aalangan kami. Sinesenyasan kasi kami ni James na 'wag daw kaya hindi namin alam kung ano ba ang isasagot.

Kung hinahanap niyo pala yung apat na lalaki, nandito din sila sa tapat ng kwarto ni Steff pero tahimik sa isang tabi. Nang tanungin ko si Jed kanina, sabi niya wala daw silang alam na may girlfriend na si James. Ni hindi nga daw marunong mag approach ng babae 'yan tapos magkakagirlfriend pa.

"James, hayaan mo na lang siya kung saan niya gusto." Biglang sabi ni Jean kay James, "Dalawang gabi na lang naman."

Napatingin kami kay Jean, nakatingin lang siya ng diretso kay James, habang si James, nakatingin lang din ng diretso sa kanya.

"See? Jeanie wants me to stay with them!" sabay lapit kay Jean at kapit sa braso nito, "So let's go to your room? Tabi tayo ha?"

Bigla niya na rin namang hinila si Jean kaya wala nang nagawa si James na napahilamos na lang yung dalawang kamay sa mukha.

Lumapit sina Andrew, Pao at Dom kay James.

"Kung hindi pa magpapakita yung girlfriend mo, di pa namin malalaman." Dom sabay akbay kay James

"Kelan pa kayo?" tanong ni Andrew, "Kaya mo ba kami inimbitahan dito para ipakilala siya sa amin?"

"Siya ba yung pinagkakaabalahan mo nitong mga nakaraang araw?" Pao

"So siya pala yung iniisip mo nung mga panahong tulala ka?" Dom sabay sundot sa tagiliran ni James.

Tanong lang sila ng tanong kay James na may halong pang aasar. Si James naman kung sumagot, parang bata na ulit.

"Hey." Jed na nasa gilid ko lang, "Magpahinga ka na. Okay? Pagod ka."

"At pano mo naman nasabing pagod ako?" sagot ko.

"Ramdam ko." Sabi niya, sabay ngiti.

"Tse." Sagot ko pero biro lang naman. Actually, nakangiti pa nga ako nang sinabi ko yun eh. >_>

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon