Chapter 32 - Loving him more..

213 7 4
                                    

Chapter 32 – Loving him more..

**December28

"Si Addie! Excited! Ayieeeee!"

"Mamaya lang makikita mo na siya ulit kaya wag kang magalala."

"Oo nga oo ngaaaa!"

Hindi ko sila pinansin at ipinagpatuloy lang ang pagtingin ko sa mga lumalabas.

Nandito kami ngayon sa airport. Susunduin namin si Jed at Andrew. Pagkatapos kasi ng huling date namin ni Jed, sabi niya may mahalaga daw siyang dapat ayusin kaya kailangan niyang pumunta ng States. Ganun din si Andrew.

"Si Andrew ba yun?" napatingin kami kaagad sa dako kung saan nakatingin si Dom, "Si Andrew nga!"

Si Andrew nga. Lumapit siya sa amin at agad na sinalubong ni Yen ng yakap, "Moo! I missed you!"

"Wooow! Amoy states ka Andrew! Pero teka.." sabi ni Jean na biglang tumingin tingin sa likod ni Andrew, "Bakit ikaw lang? Nasaan si Jed?"

"A-ahh. Si Jed? Nadelay kasi yung flight niya." Sagot nito habang hinihimas yung gilid ng leeg niya.

"Hindi kayo sabay?" tanong ko. Alam ko naman na hindi sila sabay, ayan nga oh, nandyan siya sa harap namin tapos si Jed wala.

"H-hindi e. Mas nauna kasi akong umalis ng ba--este mas nauna akong bumili ng ticket."

Napalunok ako, napabuntong hininga at ibinalik na lang ang tingin sa mga lumalabas.

Eh ano naman kung excited ako? Try niyong ipakidnap yung boyfriend niyo ng sampung araw, tingnan natin kung hindi kayo magkaganito.

"P-pasensya na Ada ha?" narinig kong sabi ni Andrew, nilingon ko siya at nginitian na parang ikinagulat niya pa. Narealize ko lang kasi nung pasko na si Andrew pala yung pinaka hindi ko nakakausap at madalas kong nasusungitan sa kaibigan ni Jed, siguro naman hindi na magseselos sa akin si Yen tulad ng dati hindi ba?

Imbis na mauna na si Andrew para makapagpahinga, nagstay pa siya kasama namin. Hihintayin na din daw niya si Jed. Nang malapit na mag11:30, bumili sina Pao, Dom at Andrew ng lunch namin, habang kaming tatlo, nakaupo lang at naghihintay pa din.

"Ang cute mo pala kapag naghihintay Addie. Hihi." Buntong hininga lang ang isinagot ko sa kanya.

"Pang walo na 'yan mula nang dumating tayo dito Ada. Wag mo nang dagdagan." Natatawang sabi ni Yen, "Ano ka ba, parating na 'yun. Relax. Okay? Isang smile nga diyan?"

I smiled at her sarcastically.

Saktong 12 dumating yung dalawa na may dalang mga pagkain.

"Oh. Saan si moo?" tanong ni Yen nang mapansin na sila Pao at Dom lang yung dumating.

"Andyan na 'yun. May kinausap lang saglit." Sagot ni Pao

"Sino?" Yen

Nagtinginan silang dalawa tapos biglang naming ngumuso si Dom na parang nagsasabing 'ikaw na'.

"Y-yung s-stewardess na tumawag sa kanya." Pao. Nang mapansin niyang nakataas yung kilay ni Yen, binawi niya na rin naman dinagdagan yung sinabi niya, "Mas maganda ka Yen. Mas matangkad nga lang sa'yo."

Umirap na lang si Yen at hindi na nagsalita pa. 'Yan lang naman ang ayoko 'pag nagseselos si Yen.. akala mo inaagaw sa kanya.

Pagkadating ni Andrew, tiningnan lang siya ni Yen ng masama. Tumingin si Andrew kina Pao, at nagmouth, "Ano na namang sinabi niyo?"

Natawa na lang ako at hindi na sila tiningnan. Tiningnan ko yung mga lumalabas.. wala pa rin si Jed.

Nakakainis. Pag nakita ko 'yun.. babatukan ko talaga 'yun. Tatlong araw niya na nga akong hindi tinawagan tapos may padelay-delay pa siyang nalalaman?

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon