Chapter 13 - I wish..

335 8 3
                                    

Chapter 13 - I wish..

Ada's POV

"Two sicilian chicken and spaghetti vongole, and two four seasons." ulit ng waiter sa sinabi ni Jed.

"Yes."

Umalis na yung waiter.

"Corny ka na, gaya gaya ka pa." -__-

Tumawa lang siya. Gaya gaya. Kung ano kasi yung inorder ko, ayun din yung inorder niya.

Tumingin ako sa dako kung saan nakaupo sila Jean at Yen, kasama ang mga kaibigan nitong kidnaper na 'to. Bigla niya lang naman kasi akong hinila kanina at dinala dito sa may mas magandang table setting. "Bakit ba kasi kailangan pa nating humiwalay?"

"Alam ko kasing hindi mo ko kakausapin ng ganito pag kasama natin sila."

Tiningnan ko siya ng okay-ka-lang? look.

Ngumiti lang siya.

=__=

Kanina pa niya ako tinatagalog, as in pure tagalog. Walang halong English.

Tapos ang nakakainis pa.. banat siya ng banat. -__-

Don't tell me sinunod niya yung suggestion ko na magpatutor siya ng tagalog?

Imposible.

Joke lang yung suggestion na yun kaya imposibleng sundin niya. -__-

Maya maya dumating na yung inorder namin.

"Alam ba nilang nandito tayo?" tanong ko, habang kumakain kami.

"Hindi ko alam." Sagot niya ng nakangiti.

"Teka nga.. ano bang nakain mo?" supposed to be, ang sagot na inaasahan ko 'I don't think so'. Nakakain ba siya ng tagalog dictionary?

Tumingin siya sakin at tumitig. Tapos..

"Kumain ka na muna okay?" sabi niya matapos punasan yung gilid ng labi ko.

*dugdug dugdug

Napahawak ako sa puso ko.

Kwek kwek naman oh. Bakit sinusumpong na naman ako nito?!

"Adrienne." Tumingin ako sa kanya, halatang nagtataka yung mga mata niya. "Okay ka lang?"

"Ahh. O-oo."

"Sigurado ka?"

"O-oo naman. Bilisan mo na. Para mapuntahan na natin sila."

Tumawa siya ng mahina, "Hindi na natin sila mapupuntahan."

"Hindi pwede."

Biglang nagbago yung reaksyon ng mukha niya, "Bakit?"

"K-kasi ano.. ano.. ako. Ako ang magbabayad sa kinain nila." Diretso kong sabi.

Ngumiti siya ulit, "Adrienne.. naalala mo ba yung tinext ko sayo kanina?"

FLASHBACK

*Beep

From: Jed

Adrienne. Dinner tayo? Please?

Si Jed ba talaga 'to? Tiningnan ko ulit. Si Jed nga.

Reply.

Sure, as long as we are with our friends.

And oh, your treat right? : )

Send.

Hohoho. Siguradong di 'to papayag na libre niya. Ako, si Jean at Yen tapos lima sila. Oh diba ang dami.

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon