Chapter 5.1 - All about US

450 12 2
                                    

Chapter 5.1 - All about US

Yen's POV

"Love of my life! Ano na? Nahuli ba kayo?" mabilis ang tibok ng puso ko nang ipambungad ko ito sa kanya nang sinagot ko ang tawag niya.

Rinig ko ang paghingal ni Moo sa kabilang linya, "Ni Ada hindi. Pero nung mga guard muntik na."

Nanlaki ang mga mata ko, "MOO! Ano ka ba! Kung nagkataon... Oh my gosh!"

"Don't worry Moo, di nila ako pwedeng hulihin. Remember what I've told you?" halatang nakangiti siya habang sinasabi ang mga ito.

Napangiti ako sa pinaalala niya sa akin, "Oh basta wag na magbabar, okay? 143224! (I love you so so much)"

"143244 (I love you so much more)" sagot naman ni Moo sa akin na mas lalong nakapagpangiti sa akin. Hindi ako kaagad nakasagot nang narinig ang iba't ibang boses na nangangantyaw kay Moo.

"Pre, ang korni!"

"Tama na yan! Di bagay sayo!"

"Shut up you two."

"Oh. Tahimik na. Kitang seryoso si Jed!"

"Seryoso naman talaga yan!"

"Anong seryoso? Magkaiba ang masungit sa Pero pag kay Ada—"

Nagulat ako sa pagsigaw ni Moo, inilayo ko ng kaunti ang phone ko sa tainga ko, "Nak ng! Ang iingay nyo! Di na kami nakapag usap ng Moo ko!"

Natawa na lamang ako sa salitang binitawan ni Moo, "Haha. Osge na Moo, sila na intndihin mo."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, "Tatawagan kita ulit mamaya."

Ibinaba ko na rin kaagad ang phone at nanghinayang ng kaunti. Gusto ko pang makausap si Moo para tanungin sa ginawa nilang pagpunta sa bahay ni Ada.

Tumunog ang phone ko hudyat na may bagong message.

JillieJillieYenYen! Goodnight. :)

Agad akong nagreply sa message ni Jean.

Ilang beses ko bang uulitin na wag mo ko tawagin ng ganyan?

Ilang beses ko nang sinasabi sa kanya na ang childish masyado sa tuwing naririnig ko siyang tinatawag ako ng ganyan. I want her to be mature, lalo na sa actions niya.

Osige hindi na. Ahihi. Goodnight JillieJillieYenYen!

What am I gonna do with her? Hanapan ng boyfriend? Tsaka na siguro, at sisiguraduhin kong maayos ang magiging relationship nila. She's one of my bestfriends at hindi ko hahayaang kahit sinong lalaki lang iyon.

Speaking of bestfriend, may dalawa akong bestfriend na hindi ko kayang mawalay sa akin.

Si Ada, if you're not friends with her, I think sasagi sa isip mo na bipolar siya. Or it's just me. Hehehe. Peace. She's the type na kapag nakasalubong mo, mapapatingin ka talaga sa kanya. Yeah, she has that charisma na nakakamagnet. How I wish I have that, too. Suplada and mataray in some ways. That's her.

Although when we three are together, lumalabas naman yung kulit niya at pagkaisip bata. Kaya kapag napapatawa namin sya... malaking achievement na sa amin ni Jean.

I also don't know how she ended up so talented, eh magkasabay naman kaming lumaki. Hindi manlang nya ako hinagisan kahit kaunti, huhuhu!

There's so many things I wanted to tell about her, one is there's this guy na malakas ang dating sa amin ni Jean. I mean.. malakas ang dating para kay Ada.

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon