Chapter 14 - It's a NO

382 9 2
                                    

Chapter 14 - It's a NO

"Wow! Ang cute naman!"

"Mas cute to!"

"Eto kaya!"

"Haaay. Ang swerte naman talaga ni Miss Ada."

"Ako kaya kelan may magbibigay sakin ng mga ganito?"

"Asa ka pa 'day. Bente syete ka na may gana ka pa mainggit ng ganyan."

"Tse! Ang swerte talaga ni Miss Ada no?"

"Sinabi mo pa! Balita ko nga e.. gwapings din yung manliligaw niya."

"Korek ka dyan bakla! Fafa!"

"Pero alam niyo? Pamilyar talaga yung mukha ni sir eh."

"Naku. Ayan ka na naman sa pamilyar pamilyar na yan!"

"Hindi. Totoo! Parang nakita ko na siya dati pa."

"Saan? Baka sa tv? So artista?"

"Yata?"

"Baka naman model? Model ng bench?"

"Baka?"

*Yawn

"Di pa kayo tapos?" tanong ko tapos kong maghikab. Kung hihintayin ko kasi sila matapos baka dito na ko makatulog sa labas ng kwarto ko. Ayoko nga. Lamig lamig ng sahig eh. Tsaka di ako sanay ng walang unan.

"Miss Ada?! Naku! Pasensya na po. Natuwa lang kami masyado!"

"Halata nga." Napatingin ako sa mga stuffed toys na malapit sa kanila na nakalagay lahat sa sulok, "Bakit dyan niyo nilagay yang mga yan?"

"Ahh. Eh. Osge ho. Ilalabas na nami--"

"Ipatong niyo sa kama ko. Ako nang bahala mag ayos." Pumasok na ko sa loob at pumunta sa closet ko.

"Ho?" - Jennah

"Sigurado po ba.." - Jinnah

"Kayo?" - Jonnah

Nilingon ko sila at tinitigan.

"Ahh ehh.." - Jinnah

"O-opo." - Jennah

"Ito na ho." - Jonnah

Buti na lang talaga malaki kama ko. -_-

Pag alis nila. Napatingin ako sa sandamakmak na stuffed toys sa kama ko.

Lahat sila nakatingin sakin. -__-

*Beep

From: Unregistered number

Nomu bogoshipo. Nal kidaryeo.

Wow. Pati pala scam ngayon gumagamit na ng alien language?

Dnelete ko na yung message.

Makatulog na nga.

***

Kinabukasan..

"Wooooow! Ang dami dami dami dami nila!"

"Oo ngaaaa! Ang cuuuutte!"

"Hindi ka na naiinggit Jillieyen?"

"Hahahaha! Hindi na noh!"

Ano ba yan? Bakit hanggang sa panaginip eh naririnig ko ang boses ni Yen at Jean?

"Saan ba kayo pumunta kagabi? Bigla na lang din kasi kayong nawala tulad nila Addie at Jed. Iniwan niyo ko." :(

"Ang sabihin mo.. thank you! Kasi kahit ayoko si Dom para sayo, hinayaan namin kayo!"

Talaga bang ganun? Kahit sa panaginip.. maingay pa din sila mag usap kapag lovelife ang topic? -__-

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon