Chapter 24 - Thanks to 'Spongebob'

254 8 2
                                    

Chapter 24 – Thanks to 'Spongebob'

Ada's POV

Kinabukasan, maaga akong nag-ayos at pumasok. Hindi ako maihahatid ni Jed dahil mas maaga ang pasok niya kaysa sa akin. Midterm week parin kaya tama lang naman siguro na pumasok ako ng maaga.

At dahil bitin ako sa tulog, nakatulog ako sa kotse. Matawa tawa pa nga si Mr. Joe nang gisingin niya ako, first time ko daw kasi matulog sa biyahe papasok.

Pagkapasok ko ng university.. kahit ramdam ko ang pagkabangag, naririnig ko ang mga usapan tungkol kay Yuki. Kesyo kulang pa daw na ipinakick out siya, kulang pa daw yung sabunot ni Yen, at kung anu-ano pa.

"Goodmorning Ada!" bati sa akin ni Kate at Stacey na nakasalubong ko. Nginitian ko naman sila.

"Annica! Wait!" Habol nung lalaking tumatakbo palapit sa kanila, yung sumaway nun kay Kate. Siya yata si Drei?

"For the 99th time.. hindi Annica ang pangalan ko. Okay?!"

Hindi ko na narinig ang mga susunod dahil napalayo na ako. Sorry 'di kasi ako tsismosa.

Hindi nga pala sila nakick out tulad ng nangyari kay Yuki, pero dahil gumawa pa rin sila ng offense, suspended sila for 1 week. Pati na rin sina Mico, Drei at Mark.

Papasok na ako ng room nang biglang nagvibrate ang phone ko.

2 messages received. Parehang galing sa kanya.

From: My Love <3

Okay. Siya ang naglagay niyan, hindi ako.

Goodluck Adrienne. I love you. =)

From: My Love <3

PS. Yung usapan natin. Okay? Mahal kita. =)

Minsan talaga 'di ko maiwasang mapangitan sa tagalog niya. Ang korny.

Pero okay na sakin yun. Kesa yung english ng english. Psh.

"Goodmorning!" bati ni Yen na biglang ngumiti ng nakakaloko, "What's with that smile?"

"Oo nga Addie! Bakit ka nakasmile pagkapasok? Anyari? Kwentoooo!"

"Hindi---"

"Hephep! Huling huli na idedeny pa. Okay lang naman aminin na kinikilig ka kahit minsan eh." Pagputol ni Yen sa sasabihin ko.

Edi.. sige na..

Kinikilig na.

Dumating na rin naman kaagad yung prof namin kaya hindi na nila ako nagawang asarin. Pagtulungan naman daw ba kasi ako.

Oo na, masaya ako ngayong araw. Maliban sa mga kaibigan ko at kay Jed, pakiramdam ko lahat ng worries ko mula sa vandals ay nawala na. Aaminin kong may part sa akin na nagbubunyi dahil wala na si Yuki, pero meron pa rin naman part na nag aalala ako sa kanya. Sana lang ay madali pa siyang makahanap ng university na tatanggap sa kanya. Sobrang bihira kasi na mangyari ang ganitong case dito, pangatlo pa lang yata si Yuki. Yung dalawang nauna, wala nang tumanggap na schools sa kanila dahil na rin siguro sa power na meron ang university na 'to.

Dirediretso ang exams namin ngayon kaya madali rin kaming natapos. Nandito kami ngayon sa tambayan ni Jed.

Ang ganda pa rin at ang linis. Walang pinagbago. Pwera sa mga bagong paintings at sketch na ikinagulat naming tatlo.

"Woooow. Ang ganda!"

"Ang galing naman talaga ni Jed. Swerte ng girlfriend!" pang aasar na naman ni Yen.

Napangiti na lang ako-- sabi nga ni Yen okay lang na aminin ang kilig paminsan.

As I was saying, napangiti ako sa mga sketch na nakadisplay. Hindi maipagkakaila na magaling talaga si Jed sa mga ganitong bagay.

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon