Chapter 38 - When everything's starting to get fine

186 4 0
                                    

Chapter 38 – When everything's starting to get fine

Andrew's POV

"My baby.." sambit ni mommy habang nakaupo sa kama na hinihigaan ni Ada at nakahalik sa isang kamay nito.

Nakatingin lang si dad pero kita sa mga mga nya ang pag aalala at awa sa sinapit ng kapatid ko. Nakatingin lang rin si Daichi na para nang zombie ang itsura dahil sa pagbabantay kay Ada. Lahat man kami ay may oras ng pagbabantay kay Ada, di maitatanggi na sya yung pinaka pagod dahil kahit hindi nya oras, nandito pa rin sya.

"Mom.. I think it's better if you'll.." naibaling ang tingin nila mommy kay Daichi nang magsalita ito. "go home and take a rest first."

Umiling iling si mommy, "N-no."

"Elyse.." tawag ni dad, kaya napatingin si mommy. Bumuntong hininga lang si daddy, habang si mommy, tumingin ulit kay Ada at hinalikan ang noo nito. "Mommy will be back baby.."

Gustuhin man nilang magstay para bantayan si Ada, di naman sang ayon ang katawan nila dahil may jetlag pa sila. Napaaga ang uwi nila na supposed to be ay next month pa. Dito kaagad sila dumiretso sa ospital. Kinwento namin ang lahat sa kanila, iyak lang ng iyak si mommy, si daddy naman nakakunot ang noo. Nang mga oras na yun, pagsisisi ang bakas sa mukha nila.

Pagsisisi sa mga desisyon na hindi na kayang itama ng panahon.

Yen's POV

"Jillieyen.."

"Uyy.. Jillieyen.." *alog

Napatingin ako sa katabi ko nang bigla kong naramdaman ang pagalog nya, "H-ha?"

"Okay ka lang ba? Kanina pa kasi ako dito. Tulaley ka lang." Sa totoo lang, ngayon ko lang napansin na nandito pala sya sa tabi ko.

Iniiwas ko ang tingin ko, "O-oo naman."

"Iniisip mo pa rin ba si Addie? Magiging okay rin sya." Hinawakan nya ang kamay ko.

Ngumiti ako ng mapait sa kanya at tumingin sa pintuan kung saan may nakalagay na 503, ang kwarto ni Ada.

Oo kwarto ni Ada. Okay na sya. Pero..

"Magigising din si Addie. Inaabot man ng weeks, months, at years yung iba.. diba nagigising pa rin naman sila?" Biglang sabi ni Jean. "Isipin na lang natin, naextend ng apat araw ang pagbabakasyon ni Addie sa dreamland."

Napabuntong hininga ako.

Pag hindi pa rin sya nagising ngayong araw, panglimang araw na nya ito.

Apat na araw na ang nakalipas mula nang araw na yun. Naging maayos ang kalagayan ni Ada, pero wala pa rin syang malay hanggang ngayon.

"Ano kayang pinaguusapan nila sa loob?" Tumingin uli ako kay Jean pero muli rin namang bumalik ang tingin ko sa pintuan ng kwarto ni Ada kung saan sya nakatingin.

Saktong lumabas sina tito Adrian, moo at tita Elyse, ang mommy ni Ada na ngayon ko lang nameet.

Tumayo kami ni Jean. Nginitian nila kami, nagulat pa nga kami nang bigla kaming yakapin ng mommy ni Ada.

"Thank you.." bulong nya sa amin. "I knew it. You've always been the best bestfriends to my baby."

Napatingin ako kay moo, ngumiti sya sa akin ng mapait. Habang ako, nangingilid na naman ang luha.

Best?

Do I really deserve to be called her best bestfriend? L

Nagpaalam si moo na ihahatid nya muna sina tito at tita sa bahay nila. Kaya kami nina Jean at Jed ang nandito sa kwarto ni Ada.

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon