Chapter 22 - Stating the obvious

244 6 0
                                    

Chapter 22 – Stating the obvious

"Hey." Sabay pitik sa tapat ng mata niya.

Buti naman at napakurap siya. "Tinatanong kita."

Kumunot na naman yung noo niya na para bang 'hindi makapaniwala'.

"You're askin' me.. what's that for?" tanong niya with a tone of 'hindi makapaniwala'.

Napabuntong hininga ako ng wala sa oras. Hindi naman siguro niya inuubos ang pasensya ko diba? Kaya naman sinagot ko siya ng buong "YES."

"What?" sagot niya ng halos wala nang boses na lumabas, but still with a tone of 'hindi makapaniwala'.

Imbis na sagutin ko pa siya. Inialis ko na ang tingin ko sa kanya at umupo na ng maayos sabay kuha ng phone ko.

Calling Yen..

Ring..

Ring...

Ring....

Nakalimang tawag ako sa kanya pero hindi niya sinasagot. Nakalima ako. NAKALIMANG TAWAG AKO. Sa limang tawag na yun ay hindi manlang kumibo ang lalaking kasama ko. Hindi ko na rin siya sinubukan pang sulyapan dahil baka bumungad lang sa akin ang itsura niyang 'hindi makapaniwala'.

Biglang nag ring ang phone niya at sinagot niya rin naman kaagad ito. Pagksabi niya ng "I'm on my way." Binaba niya na rin kaagad at ipinaandar muli ang sasakyan.

Habang nasa daan kami pabalik ng university, aaminin kong hinihintay kong hawakan niya ang kaliwang kamay ko tulad ng palagi niyang ginagawa habang nagdridrive siya. Or let's say, nageexpect ako ng kahit simpleng approach man lang mula sa kanya. Pero sabi nga nila..

Expectation leads to disappointment.

Oo, hindi niya ako kinibo hanggang sa makarating kami sa university at.. hindi rin niya hinawakan miski dulo ng daliri ko. Pagkababa niya, hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako kaya naman bumaba na ako kaagad. Nang papunta kami sa office.. nauuna siyang maglakad. At dahil doble ng hakbang ko ang isang hakbang niya, para akong shunge na humahabol sa kanya.

Hindi naman siguro niya inuubos ang pasensya ko diba?

Nasa tapat pa lang kami ng office, nakarinig na kami ng ingay sa loob. Kaya naman agad na pumasok si Jed. At dahil nasa likod niya ako, muntik na akong masarhan ng mabigat na pintuan. Buti na lang at may tao pala sa likod ko na masasabi kong 'savior' ko ngayong oras na 'to.

"Okay ka lang Ada?" tanong niya pagkalingon ko sa kanya. Nasa likod ko siya at yung isa niyang kamay ay nakahawak sa pintuan.

"O-oo. Salamat." Tumango naman siya sa akin pagkarinig ng sagot ko. Titingin pa lang sana ako sa harap ko para makapasok sa loob nang mauntog ako sa kung sino mang posteng nakaharang sa daan ko.

"Sht. I'm sorry. Okay ka lang?" Tanong ng poste habang hawak niya ako sa magkabilang pisngi ko.

"Di nga sa pintuan, sayo naman. Tsk tsk." Sabi ni Mackie na nasa likuran ko pa rin. "Oh. Bakit nanahimik?"

Napansin ko rin na nanahimik bigla sa office. Mabuti na lang at may biglang nagsalita, "Ms. Alcantara please come in. and Mr. Sanchez, you can claim your request in Mr. Delgado's office."

"Yes maam!" Masiglang sagot ni Mackie. "Bye Ada! Long time no see nga pala! Ingat ka ha?"

Nilingon ko siya at nginitian ng tipid. Inilipat naman niya ang tingin niya kay Jed.. "Wala ako palagi sa likod ng girlfriend mo para alalayan siya. Kaya sa susunod wag mo siya basta basta iniiwanan." Sabay tapik sa balikat ni Jed at talikod.

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon