Chapter 11 - *sighs*

397 11 2
                                    

Chapter 11 - *sighs*

Ada's POV

"Ano ba kasing nangyari?" - Yen

"Wala."

"Meron eh. Nakikita ko sa mga mata mo!" - Jean

"Walang nangyari. Okay?"

"Umamin ka na Adrienne Drew!" - Yen

"Oo nga! Dahil kung hindi--" - Jean

"Ano?"

"Wala. Hehe. Ano ba kasing nangyari?" - Jean

Ano ba yan.. naka pitong tanong na sila sakin ng 'ano ba kasing nangyari."Wala nga. Tigilan niyo na nga ako."

"Eto naman.. ang init agad ng ulo. Nagtatanong lang kami eh." -Yen

"At naghihintay lang din kami ng sagot." - Jean

"Look. Kasasabi niyo lang.. nagtatanong kayo diba? At naghihintay kayo ng sagot.. Sinasagot ko naman diba? Eh naniniwala naman ba kayo? Hindi. So pwede ba?"

"Okay.. Haaaaayyyy." malakas na buntong hininga nilang dalawa.

Mabuti na lang at tumigil na sila sa kakatanong.Ano nga ba kasing nangyari?

"Ada! May nagpapabigay." Kaye yata pangalan niya, blockmate namin.

Napatingin ako sa iniabot niya sa aking bear na may kasamang rose.

"One, two, three.. Addie. Pang lima na yan ah." Nakangusong komento ni Jean.

Nanliliit lalo ang mga mata ni Yen, "Ada naman eh. Talaga bang wala?!"

I sighed. "Wala."

Nagtinginan sila at sabay na umubob sa desk nila.

*Beep

Dahan dahan kong kinuha sa bag ang phone kong nagvibrate.

One message received

From: Jed

I'm glad you liked it. : )

Titingin sana ako sa pinto para tingnan kung nandyan ba siya. Kaya lang biglang nagsalita ang dalawang katabi ko na kanina lang ay nakayuko pa.

"So ayan pala ang walang nangyari Jillyen?"

"Kung nakangiti siya sa walang nangyari. Paano pa kaya yung meron?"

"A-anong.." Ngumiti ba ako? Huminga ako ng malalim. Sasabihin ko rin naman sa kanila pero bakit kasi hindi makapaghintay itong dalawang 'to, "Tsk. Okay. Suko na 'ko."

Nagkatinginan sila, at kasabay ng pag ngiti ay ang pag high five. "Wooooohhhh! Pinahirapan mo pa kami Ada! Kwento na! Kwento! Kwento!"

"*sigh* ..."

FLASHBACK

Linggo at hindi ako mapakali dito sa kwarto. Kadalasan ay masaya na akong nakahiga lang dahil sino ba namang may ayaw ng pahinga?

Kanina pa ako pa-tayo tayo at palakad lakad at kahit ako ay naiirita na sa ginagawa ko.

Umupo ako sa kama at sumandal. Siguro naman ay okay na 'to.

1..

2...

3....

Arggghhhh. Hindi talaga ako mapakali. Humiga ako na para bang ang bigat ng katawan ko, malambot naman ang kama ko pero hindi pa rin ako mapakali. Ano na naman bang iniisip ko?

Wala. Wala naman akong iniisip.

Tumingin ako sa kisame at after 5 seconds, para akong naginhawahan sa pagiging komportable.

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon