PART 1 - Re-united

3 2 0
                                    

CHAPTER 10

ALVAREZ RESIDENCE. Tahimik na nakaupo sina Felix at Grace sa sala. Si Luz naman ay may hawak na rosaryo at tahimik na nagdadasal. Si Rudy naman ay palakad-lakad na may hawak na tasa ng kape.  

RUDY: "Bakit mo naman kasi sila pinayagan na ganun ang gawin nila. Masyadong delikado yung gagawin nila. Handa na sana yung pera eh. kailangan na lang sana nating hintayin ang tawag nila. Mas safe sana kapag ganun. "

LUZ:" Yun nga ang sabi ko mahal eh. Pero sabi ni Jake magtiwala daw tayo kay Vincent dahil sya ang mas nakaka-alam kung ano talaga ang sitwasyon doon."

WALA nang nagawa si Rudy kungdi maghintay. Wala ng kibo at imik ang lahat. Mga ilang saglit pa ay may tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay. Biglang nabasag ang kanilang katahimikan ng marinig nila ang boses ni Vincent na sumisigaw sa labas. Halos magkandarapa si Luz na nagmadaling pumunta sa pinto para matiyak kung si Vincent nga ba ang narinig nyang tumatawag sa kanya.

LUZ: "Vincent?." 

RUDY: "Si Vincent na ba yun?"

Nagmamadaling lumabas ng kwarto si Lili papunta sa kanyang Lola.

LILI: "Nanay, nandyan na po si Kuya Vincent."

RUDY: "Halika anak dali salubungin natin."

Sa labas ng gate. Halos tumatakbong pumasok si Vincent sa kanilang gate at halos tumatakbo din si luz papalapit kay Vincent at humagulgol sa iyak. Nang makalapit na si Luz sa kanyang Inaanak ay niyakap Nya ito ng maghigpit at di pa rin tumitigil sa pag-iyak sa sobrang kasiyahan. Di mawari ang kasiyahan ng bawat isa. Niyakap nilang lahat si Vincent. Nagpasalamat ulit si Jake sa mga Litle Soldiers at ilang mga sandali pa ay nagpaalam na ang mga ito.


FEW DAYS LATER. Sa Canteen ng School ni Jake. Katatapos lang mag lunch ni Jake at Buboy. Tumayo na sila para lumabas ng Canteen. Di pa man nakakalabas ay nakita nila si Steph malapit sa exit na katatayo pa lang din sa kanilang table at papalabas na rin kasama si Cherry at Razel. Nagpang-abot ang mga mata ni Jake at Stephanie. Sandaling katahimikan.

JAKE: "Hi Steph, Kumusta ka na?"

Dama pa rin ni Steph ang kalungkutan sa boses ni Jake. 

STEPHANIE: "Okay  lang naman. Eto, medyo nakakabawi na. Ikaw?"

Medyo awkward pa rin si Steph na makipag-usap kay Jake.  

JAKE: " Okay lang naman. I'm happy to see you getting better."

STEPHANIE: "Kumusta naman mga exams mo?." 

Tila walang maisip maitanong si Steph.

JAKE: "Katatapos ko lang i-take yung last exam ko actually. Feeling ko naipasa ko naman lahat. Ikaw? "

RAZEL: "Ehem. Steph mauna na kami ha."

Di pa man nakakapagpaalam si Cherry kay Steph ay hinila na ito ni Razel palayo. Ni hindi nito  pinansin si Jake.

JAKE: "Razel?"

Tumigil si Razel nang marinig nyang tinawag sya ni Jake.

RAZEL: "Yes?, may kailangan ka?"

JAKE: " I know you have all the rights to hate me. Dahil sinaktan ko ang kaibigan mo, at higit sa lahat ay humihingi ako ng paumanhin kung napahiya man kita sa harap ng maraming tao. I wasnt my intention. Gusto ko lang maging masaya ang lahat ng mga oras na yon.  Gusto ko lang malaman mo na sobrang pinag-sisihan ko yon. "

Ang Mestisang MisteryosaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang