PART 5 - The Sleep Walker

4 2 0
                                    

CHAPTER 5

ALVAREZ RESIDENCE. Saturday. Walang pasok. Tapos ng mag-almusal ang mag-asawang Alvarez. Nagbabasa ng dyaryo sa sofa si Rudy habang si Luz naman ay nagwawalis at nagpupunas ng mga display at mga picture frames.

Katatapos lang maligo ni Jake. Nakatapis ito ng twalya. Binuksan ang pinto ng para lumabas pero bigla Syang bumalik dahil nakalimutan Nyang mag-toothbrush.

Habang nagto-toothbrush si Jake na nakaraharap sa salamin sa ay nakita nya si Kim sa salamin na papasok ng banyo. Nagulat si Jake. Napatingin ito kay Kim na naka T-Shirt at undearwear lang at tila pikit pa ang kanyang mga mata. Dumiretso lang si Kim sa loob na tila walang nakitang tao, pagtapat nito sa toilet bowl ay ibinaba nito ang kanyang undearwear na kulay pink at saka umupo. Wala namang nakita si Jake dahil naka Side view ang toilet bowl mula sa kanyang kinatatayuan at sapat na rin ang manipis at medyo loose na t-shirt ni Kim para matakpan ang mga hindi dapat makita.

Nang makita ni Jake ang pink na underwear ni Kim ay nalunok nito ang mga bula ng toothpaste sa kanyang bibig at nanlaki ang kanyang mga mata. Di alam ang gagawin. Nakita nya na ubos na ang tissue sa may toilet bowl kaya kinuha nya ang tissue sa may lavatory at walang imik at nag-aalangan na iniabot ito kay Kim.

Tila walang nakikita si Kim. Tumayo ito at itinaas ang kanyang undearwear at naglakad palabas ng parang walang nangyari. Sinusundan lang sya ng tingin ng tulalang Jake. Dumiretso si Kim sa sala kung saan nagbabasa si Rudy. Di sya napansin ni Rudy dahil nakataas ang dyaryo na kanyang binabasa. Sinit-sitan sya ni Luz dahil napansin nya si Kim na tila zombie na naglalakad.Tumingin si Rudy kay Luz at ininguso naman ni Luz si Kim. Umupo si Kim sa mahabang sofa na opposite sa pwesto ni Rudy. Napamulagat si Rudy sa pag-upo ni kim sa harap nya. Tumingin sya kay Luz na nalilisik ang mata sa kanya at sumisenyas na kay Rudy na wag tumingin. Agad itinaas pabalik ni Rudy ang dyaryo na kanyang binabasa. Lumapit si Luz kay Rudy at hinila nito si Rudy paalis sa sala. Maya maya pa ay tuluyan nang humiga si Kim sa mahabang sofa at nagpatuloy sa pagtulog. 

Umupo si Rudy sa Dining table at napailing na ipinagpatuloy ang pagbabasa. Pinuntahan ni Luz si Jake sa kanyang kwarto. Naka pantalon na at nagmamadaling isinusuot ang kanyang t-shirt.

LUZ: "Jake anak. Paki ayos mo nga yung kaibigan mo sa sala. Aba eh naglalakad pala ng tulog yang Batang yan."

JAKE: "Oo nga Nay eh. kanina ko lang din po nalaman. Puntahan ko na po."

Inayos muna ni Jake ang T-shirt ni Kim at saka binuhat ito pabalik sa kanyang kwarto. Nagkatinginan ang magasawang Alvarez pagdaan ni Jake malapit sa kanila.

LUZ: "Uhmmm.Rudolfo  ang mga mata."

Sabay balik sa kanyang binabasa si Rudy.

Dahan-dahang inilapag ni Jake si Kim sa kanyang kama. Inayos ang kanyang damit at kinumutan. Pinagmasdang sandali ni Jake ang muka ni Kim na himbing na himbing sa pagkakatulog. Ilang saglit pa ay lumabas na ng kwarto si Jake.

UNIVERSITY. Lumabas sina Jake at Buboy ng campus para mag lunch. At dito nga sila napadpad sa pinaka malapit na fastfood ng university. Ikwinento ni Jake kay Buboy ang nangyari kaninang umaga. 

BUBOY: "Grabe pala yang kaibigan mo na yan Bro. Ingatan mo yang mabuti baka mamaya nyan makalabas ng bahay yan na ganyan siguradong pagpepyestahan yan ng mga manyak dyan sa subdivision nyo. O baka naman nagawa na nya ito ng di mo namamalayan at tuluyan na nga syang pinagpyestahan ng mga tambay."

JAKE: "Yan na. Yan na yun." 

BUBOY: "Ang alin?"

JAKE: " Yan na yung epekto ng sobra mong pagke-crave sa mga fastfood. Ang bilis mong mag-isip ng kung ano-ano."

BUBOY: " Grabe ka naman. Joke lang yun. Pero posibleng mangyari di ba?"

JAKE: " Bro tantanan mo na si Kim please?"

BUBOY: "Pero last na lang. Ganun ba talaga sya kahimbing matulog? I mean hindi man lang sya nagising nang buhatin mo sya pabalik ng kanyang kwarto?"

JAKE: "Yan na rin ang iniisip ko eh. May napansin kasi akong mga gamot sa kanyang maliit na bag na medyo nakabukas nung ibalik ko sya sa kanyang kama."

BUBOY: "Oh my God Bro. Baka naman adik yang kaibigan mo na yan?"

JAKE: " I dont think so. Mabilis makilala ang mga adik sa kanilang pananalita at sa kanilang pagkilos. Hindi sya ganun. Baka may dinaramdam lang sya kaya nagte-take sya ng medicine at medyo naninibago siguro ang kanyang katawan sa mga gamot kaya naha-high sya dito kaya siguro minsan nakakapaglakad sya ng tulog na di nya namamalayan."

BUBOY: " Hmmm. Certified Misteryosa talaga yang kaibigan mo na yan. Oo nga pala naalala ko lang. Magpaparticipate ka parin ba sa Sabado kasama sina Narda para mag protesta sa Baywalk Park?"

JAKE: "Oo Bro kailangan kong supportahan yung mga tropa natin dun."

BUBOY: " Pasensya ka na Bro ha. Kilala mo naman ang Mom and Dad ko. Malalabo talaga na payagan nila ko dun eh. Ilang beses na kong nag try pero ayaw talaga eh. Sobrang delikado daw."

JAKE: "Okay lang yun Bro. Naiintindihan ko. Ako man di rin talaga kita yayayain dun kasi nga alm kong delikado talaga. "

Nang matapos na silang mag lunch ay agad na silang bumalik sa School na walking distance lang mula dito kaya di na sila nagdala ng kotse.



Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon