Part 1 - The Break-up

8 2 0
                                    

CHAPTER 2

UNIVERSITY. Naghihintay si Jake sa labas ng room ng kanyang nobyang si Stephanie Gomez Smith na Nursing Student. Marami ang naiingit at nagtataka kay Steph kung bakit nya naging Boyfriend  si Jake dahil napakaraming magaganda sa mga nursing student. Si steph ay napakasimpleng Babae lang. Wala Sya masyadong mga kolorete sa mukha, Natural beauty kumbaga. She doesnt even exist bago nya naging Nobyo si Jake dahil hindi sya masyadong napapansin ng mga kalalakihan kaya naman marami talaga ang hindi makapaniwala sa kanya ng maging sila ni Jake. 

Isang babae at isang bakla ang paparating, nagkunyaring nagpe-facebook si Jake sa kanyang cellphone.

BAKLA: "Hi Jake, kung ako ang girlfriend mo hindi kita paghihintayin, I'll be always right beside you, anytime...anyday...anywhere...anyhow."

Pinalo ng babae ang kasama nyang bakla na parang hiyang-hiya sya sa ginawa ng kanyang kaibigan. Ngumiti lang si Jake sabay balik sa kanyang cellphone at hinayaan lang nyang lumampas ang mga ito. Ilang saglit pa ay tumunog na rin ang bell sa wakas. Nang matanaw ang kanyang Nobya ay agad itong tumayo.

STEPHANIE: "Oh? Wala naman tayong usapan ngayon ah? Anong meron?"

Tanong ni Steph kay Jake habang pinupunasan nito ng kanyang panyo ang muka ni Jake na pinawisan sa paghihintay sa kanya.

JAKE: "Pwede ba tayong lumabas sandali para makapag-usap?"

STEPHANIE: "Babe, alam mo namang hindi pwede yun di ba? I'm sure nandyan na yung sundo kong tricycle ni Kuya. Sabado lang ako pinapayagan lumabas, at hindi para makipag date. At saka kailangan daw naming daanan si Ate sa Uspital  ngayon."

Hinila ni Jake si Stephanie sa may corner na medyo malayo sa dinadaanan ng mga istudyante.

JAKE: "Look, kelangan ko ng sabihin ngayon to. Steph, you know from the start that I am very sincere and serious sa relasyon na to di ba? I have been very honest at naging tapat na Nobyo para sayo at alam kong alam mo yan."

STEPHANIE: "Wait. Stop. What's going on? Why you look so weird? What are you trying to say ba? Para ka kasing makikipag break-up dyan sa itsura mo eh."

Pabirong sabi ni Steph habang tuloy parin sa pagpunas ng mukha ni Jake. Hindi nakasagot kaagad si Jake. Nakatitig sa mga mata ni Stephanie. Napa-atras ng bahagya si Steph dahil judging sa itsura at reaksyon ni Jake ay mukhang totoo ngang makikipag-break yata sa kanya. Napahawak ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bibig.

STEPHANIE: "Oh my God...Are you really trying to..."

Medyo teary eyed na tanong ni Steph. Hindi alam ni Jake kung paano magpatuloy. Lalong hindi napigilang tumulo ang luha sa mga mata ni  Steph sa pagtahimik ni Jake. Pinipilit nyang wag gumawa ng scene dahil sobrang mahiyain si Steph at ayaw nyang maging tampulan ng usapan. Patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha habang nakatitig lang kay Jake. Alam nyang darating ang araw na ito dahil alam nyang napakaraming mga kababaihan ang nahuhumaling kay Jake pero hindi nya inaasahan na ngayon na pala ang araw na kanyang kinatatakutan. 

JAKE: "Steph please. Listen to me. Totoo lahat ang mga nararamdaman ko para sayo okay?It's just that... Akala ko kasi ready na akong magmahal ng totoo. Ginawa ko naman ang lahat para maging karapat-dapat na Nobyo para sayo di ba? Sobrang mahalaga ka sa akin Steph kaya ko gagawin to. Ayaw kong masaktan ka sa bandang huli dahil pakiramdam ko hindi sapat sayo ang pagmamahal na ibinibigay ko. I feel guilty everytime because i feel like you deserve more."

Nag-pause bahagya si Jake at saka nagpatuloy.

"Our friendship means a lot to me. I dont wanna lose you. Kaya habang maaga pa kailangan kong gawin to. Bestfriends pa rin naman tayo eh, yung title lang na mag boyfriend ang mawawala. Bigyan mo lang ako ng konting panahon pa para maging handa at karapat dapat sayo. . Kailangan ko muna kasing ayusin ang buhay ko na masyadong masalimuot sa ngayon. Alam ko hindi ako masyadong naging open sayo tungkol sa pamilya ko pero sa tamang panahon ay malalaman mo at alam kong maiintindiahan mo rin ako."

Hindi na kinaya ni Stephanie. Tahimik itong tumakbo papalabas ng School habang umiiyak. Pipigilan pa sana sya ni Jake pero hinayaan na lang nya ito.  

Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon