Part 1 - Jake meets Mestisa

7 2 0
                                    

CHAPTER 3

ALVAREZ RESIDENCE. Nag-aalmusal ang mag-asawang Alvarez. Papaupo na rin si Jake para mag-almusal. 

LUZ: "Oh Jake Anak, medyo late kana yata?"

JAKE: "Wala akong pasok sa unang klase ko Nay. Dadaan na lang muna ako sa Clinic, sabi kasi ni Doc balik daw ako after a week at ipakita sa kanya ang result ng  urinalysis ko. Saka idadaan ko na rin sa Shop yung kotse ko, medyo mababa na kasi ang break eh."

LUZ: "Ah ganun ba Jake."

RUDY: "Sumasablay na kamo ang break ng kotse mo Jake? Aba eh palitan na natin ng bago yan, baka malagay ka pa sa alanganin dyan."

JAKE: "Wag na Tay ganun din naman eh. Mumurahing kotse pa din naman ang bibilhin mo, buti sana kung sports car."

Pabirong sagot ni Jake.

RUDY: "Tamo tong batang to. Kaya naman talaga nating bilhin kahit limang sports car eh. Kaya lang alam mo namang hindi pwede di ba? Mag-uusisa ang mga tao, baka malaman pa nila na isa kang Villanueva. Kapag nangyari yun, siguradong malalagay sa panganib ang buhay nyong magkapatid dahil sa dami ng death threats na natanggap ng Ama mong Congressman."

JAKE: "Haha. Alam ko naman yun Tay, nagbibiro lang ako. Okay pa talaga yung kotse ko. Mababa lang yung break pero malakas pa naman."

RUDY: "Oh sige Jake. Ingat sa pagmamaneho ha? Masyado ka pa namang kaskasero kaya hindi pwede sa yo ang palyadong preno." 

JAKE: "Sige po Tay. Salamat po."

MEDICAL CLINIC. Tatlo lang ang nakapila ngayon dito sa Clinic. Nasa huli si Jake. Tinawag na ang Ginang na nasa unahan. Pumasok ang Ginang sa unang kwarto na may pintong kurtina. May lumabas na isang lalake sa dulong kwarto.

RECEPTIONIST: "Mr. Jake Torres?"

JAKE: "Ako nga po."

RECEPTIONIST: "Sir pasok po kayo sa dulong kwarto...Ma'am pasensya na po, inuna ko po si Sir dahil Duktor nya po yung nasa dulo."

BABAE: "Okay lang po."

Pagpasok ni Jake sa kwarto ay binati nya ang kanyang duktor na si DR. RAMIREZ, early 40's. Sinenyasan ng duktor si Jake na pumasok habang tinatapos nya ang kanyang sinusulat.

DR. RAMIREZ: "I'm sorry about that. How you've been? It's been a week already? Parang kagagaling mo lang dito 2-days ago ah? Haha."

JAKE: "Haha. oo nga Doc eh."

DR. RAMIREZ: "So nakapag urinalysis ka na ulit? "

JAKE: "Yes Doc. Here is the result."

DR. RAMIREZ: "Great. You look good today ah, I'm assuming nawala na ang impeksyon mo sa ihi." 

Di pa man nababasa ni Dr. Ramirez ang result na papel na hawak nito ay biglang nag ring ang kanyang phone.

DR. RAMIREZ: " I'm so sorry. I have to take this call."

JAKE: " It's okay Doc."

Tumayo si Dok at bahagyang tumalikod kay Jake. Ilang saglit pa ay naging seryoso ang kaninang nakagniting muka ni Dr. Ramirez habang nakikipag-usap ng pabulong sa kanyang telepono.

DR. RAMIREZ: "Mr. Torres I am really sorry. I really need to talk to this Guy. I'll get back to you as soon as I can."

JAKE: "No worries Doc. I'm not in a hurry. Take all the time that you need."

Ang Mestisang MisteryosaWhere stories live. Discover now