Part 3 - The beginning of good friendship.

9 2 0
                                    

ALVAREZ RESIDENCE. Nagluluto na ng hapunan si Luz. Nag-uusap naman sa dining table si Rudy at Jake habang umiinom ng juice.

RUDY: "Hindi naman sa wala akong tiwala kaagad sa kanya. Mabuti na kasi yung nag-iingat. Maraming mga sindikato ngayon na gumagamit ng magagandang babae dahil mas madali nilang makuha ang tiwala ng mga lalake, alam mo na."

JAKE: "Tay, pag nakita mo sya, she's so harmless. Kailangan nya lang talaga ng tulong for now. Tay ako bahala. Hindi pa ako sumasablay sa pag -kikilatis ng mga tao. Hindi S'ya kagaya ng iniisip mo."

LUZ: "Basta tandaan mo Jake ha, hindi kami nagkulang sa paalala sayo."

Lumabas na si Mestisa sa kwarto na medyo inaantok pa. tumayo si Jake at sinalubong sya.

MESTISA: "Pasensya na Jake napasarap ang tulog ko. Magandang gabi po sa inyo."

JAKE: "Okay lang. Buti nga nakapahinga ka mabuti eh. Tatay ko nga pala."

RUDY: "Rudy iha."

MESTISA: "Hello po."

JAKE: "Nanay ko naman."

LUZ: "Luz pangalan ko. Feel at home iha. Welcome ka dito. ano nga pala pangalan mo?"

Tila nagulat at natigilan si Tisay napatingin ito kay Jake. Di pa nga pala nya sinasabi kay Jake ang kanyang pangalan. Magsasalita na sana si Mestisa pero nag-interupt si Jake.

JAKE: "Sorry, oo nga pala. S'ya po si Kimi, You can call her Kim for short." 

Ngumiti lang si Tisay sa mag-asawa at bumalik ang tingin kay Jake na parang nagtatanong.

JAKE: "Usap lang po muna kami sandali ni Kim."

Pumasok ang dalawa sa kwarto ni Tisay.

MESTISA: "Where did you get that name?"

Pabulong na tanong ni Tisay kay Jake.

JAKE: "Kimi means a mysterious person. It was my GF's name. Not exactly GF as in GF. It's just an online game GF, we never met." 

KIM: "Oh isee. It's okay.  I'm so sorry nalagay ka pa tuloy sa alanganin dahil sakin." 

JAKE: "Dont worry about it. It's all good. "

KIM: "I mean, Sorry  talaga about the name thing."  

JAKE: "It's fine really. Just tell me your real name if you feel like you trust me enough already...So you wanna go out and buy some stuff?"

KIM: "That would be a great idea." 

MALL/BOUTIQUE. Naka-upo si Jake sa isang upuan malapit sa fitting room kung saan nagsusukat si Kim ng mga damit. Ilang saglit pa ay binuksan ni Kim ang pinto ng fitting room at kinawayan si Jake para lumapit sa Kanya.

JAKE: "You need help?"

KIM: "What do you think?"

Umi-ikot si Kim sa harap ni Jake. Halos di makapag salita si Jake sa sobrang pagkabighani sa kanyang suot na Back Zipper Strapless Dress na kulay blue. Kitang-kita ang balikat at ang bahagyang likod ni Kim na napa-kinis at bakas na bakas din ang kanyang kaseksihan dahil sa damit na ito na lapat na lapat sa kanyang katawan. 

KIM: "Ano panget ba? Di ka na kasi nakapag-salita dyan eh."

JAKE: "No,no. It's perfect."

KIM: "Really? Gustong-gusto ko nga rin sya eh."

JAKE: "May party ka ba na pupuntahan? Akala ko kasi mga casual na damit lang ang bibilhin mo eh."

KIM: "Wala naman. Nagustuhan ko lang talaga kaya kinuha ko na bago pa sila maubusan ng stock."

JAKE: "I see."

KIM: "Can you unzip it please."

Umikot patalikod si kim para maibaba ni Jake ang zipper. Isinagad ni Jake ang zipper hanggang baba at medyo bumaksak ang damit. Di sinasadyang nakita ni Jake ang kulay pink na under-wear ni Kim. Kitang-kita ni Jake ang magandang bewang at makinis na likod ni Kim. Napalunok si Jake.

JAKE: "Sorry medyo napasagad yata yung bukas ko." 

Halos nabubulol-bulol na sabi ni Jake.

KIM: "Dont worry, It's okay."

JAKE: "Teka bat tatlong piraso lang yang dala mo?" 

KIM: "Okay na to. Konti lang kasi ang dala kong pera eh."

Medyo nahihiyang sagot ni Kim.

JAKE: "Don't worry about it. Just get anything you want and everything you need."

Nakangiting ipinakita ni Jake ang kanyang Credit Card. Nang aktong tatanggalin na ni Kim ang kanyang naka-unzip na damit ay nagmadaling bumalik si Jake sa kanyang upuan. Excited na bumalik at namili ulit ng mga damit si Kim. Kinailangan N'ya pa talaga ng push cart nang bumalik ito sa fitting room. Pagkasuot ng una N'yang napili ay lumabas ito ng fitting room at exaggerated na naglakad na parang model papunta sa kina-uupuan ni Jake. Pagdating sa harap ni Jake ay umikot-ikot ito na seryoso ang mukha with matching eye to eye contact kay Jake. Sinadya pa nitong matapilok kunyari para mapatawa si Jake dahil hindi N'ya ito napatawa sa kanyang exaggerated catwalk moves dahil sa sobrang pagkabighani nito kay Kim kaya tameme lang ito.  Tumawa nga si Jake sa kanyang pagkatapilok. Pinipigilan N'yang tumawa ng malakas dahil may mga ilan tao rin doon bukod sa kanila.  Tuloy lang ang fashion show ni Kim na parang walang nangyari kaya naman lalong napapatawa si Jake at this time hawak-hawak na nya ang kanyang tiyan sa kakapigil sa kanyang pagtawa dahil seryoso pa rin ang muka ni Kim habang ginagawa ang lava walk ni Miss Universe Catriona Gray pagkatapos nitong matapilok. Mga ilang ulit-ulit nagpabalik-balik si Kim sa fitting room pagkatapos ay nag pa-fashion show kay Jake. Hanggang sa maubos na ang mga damit na sinusukat nito.

JAKE: "That's it?"

KIM: "Yeah. Okay ba lahat sayo ang napili ko?"

JAKE: "Oo naman. Ang ganda nga lahat eh."

KIM: "Now tell me, alin dun ang kukunin ko."

JAKE: "All of it."

KIM: "What? Are you serious? I didnt mean to... I was just-- "

Wala talagang balak bilhin lahat yun. Kumuha lang sya ng medyo marami para mag fashion show sa harap ni Jake at para patawanin ito.

JAKE: "Tara ako na ang bahala."

Hinila ni Jake si Kim sa counter. Pagka-total ng Cashier lahat ay ibinigay ni Jake ang kanyang card. Napa-ngiti at napa-iling na lang si Kim sa kanya.

KIM: "Sorry ha. Felling ko tuloy masyado kong sinasamantala ang kabaitan mo." 

JAKE: "Ano ka ba. It's nothing. Tara dito na rin tayo sa Mall mag-dinner."

Moments later. Naghihintay na lang ang dalawa na iserve ang kanilang order sa isang fine dinning restaurant  sa loob ng Mall. 

KIM: "Balak mo ba talaga akong patirahin ng matagal sa inyo? Ang dami mo kasing biniling damit para sa akin eh. Nakakahiya tuloy masyado. Feeling ko naubos ko na yung allowance mo for the whole SEM."

Isinerve na ng service crew ang kanilang pagkain.

JAKE: "Haha. Hindi naman medyo sobra-sobra kasi yung allowance na binibigay sa akin, tsaka hindi ko kasi nagagamit kasi nga di naman ako madalas lumabas. DOTA lang naman kasi ang bisyo namin ng mga friend ko. It's nothing really. Don't worry about it."

Ang Mestisang MisteryosaWhere stories live. Discover now