Part 5 - The Baywalk Park

8 2 0
                                    

CHAPTER 1

BAYWALK PARK. May mga ilang pamilya ang nagbibilad ng araw kasama ang kanilang mga baby. Meron ding mga nag-aalmusal sa tabi ng dagat. May mga ilang Senior citezen din ang naglalakad at nagjo-jogging sa loob ng Park.

Business as usual sa nag-iisang rolling store dito sa Park na pagmamay-ari ni BERNARDO DE CASTRO, aka NARDA, 41. May mga folding chairs and tables ang store para sa mga kakain. kasalukuyang kumakain ang dalawang tricycle driver at magkumpare na sina KALOY, 32, at BOYET, 34. Nasa loob ng maliit na Store ang dalawang tumutulong kay Narda, na si MANANG ISING, 48 at si LOLITA, 19. Samantalang si Narda naman ay nasa labas lang ng Store taga abot ng bayad at taga entertain ng mga customers.

NARDA: "Lolita isang kaha na sigarilyo daw kay manong guard."

LOLITA: "Kuya, medyo paubos na po pala tong sigarilyo natin. Bibili na ba ako?"

NARDA: "Lolita ilang beses ko bang sasabihin sayo na Ate ang itawag mo sa akin wag Kuya."

LOLITA: "Ay sorry po kuya, este Ate pala."

NARDA: "Oh sya sige bilisan mo. Bumili kana. Tingnan mo kung ano pa ang pwedeng bihin d'yan."

KALOY: "Parang may hindi maganda ang gabi ah."

BOYET: "Nabokya malamang. Haha."

KALOY: "Manang ising isang extra rice pa nga po."

NARDA: "Hoy kaloy, pangatlo mo na yan ah. Hindi maganda sa kalusugan ang sobrang kanin. Tama na yan."

KALOY: "Ang sungit naman. Meron ka ba ngayon?"

BOYET: "Kunyari pa concern sa kalusugan, porke utang lang kamo kaya ayaw magbigay."

NARDA: "Manang ising paki kwenta nga yung listahan ni Boyet dyan. Parang gusto na yatang magbayad eh."

BOYET: "Alam mo pareng kaloy matagal ko nang sinasabi sayo yan eh. Hindi maganda sa katawan ang sobrang kanin. Ang tigas lang kasi ng ulo mo eh."

KALOY: "Hmmm? Anu yun? kwinenta lang yung utang bumalingbing na?"

Sabay kamot sa ulo ni Kaloy.

BOYET: "Hindi ba kotse ni Jake yun? Ang aga N'ya yata."

Halos magkandabali ang leeg ni Narda sa paglingon-lingon kung si Jake nga ba ang paparating. Habang dinudukot ang kanyang maliit na face powder sa kanyang bulsa at mabilis itong nanalamin.

KALOY: "Ehem. Alam na this."

NARDA: "Hoy tantanan N'yo nga ako. Hindi kami talo' nyan ni Jake no."

Taas kilay na sagot ni Narda sa dalawa.

BOYET: "Ha? Wala naman kaming sinasabi ah. Guilty much?"

Tawanan ang dalawa sabay apir.

NARDA: "Hoy Boyet kapag pinahiya mo na naman ako kay Jake lagot ka sa'kin. Hindi ka na talaga makaka-utang ever."

BOYET: "Ito naman, gagawin ko ba naman sa'yo yun. Ang tagal na natin nagkasama sa dati nating kumpanya na JNV hanggang ngayon ba naman wala ka paring tiwala sa akin?"

NARDA: "Hindi naman sa wala. Walang-wala lang talaga!"

KALOY: "Bwahahaha."

Halakhak ni Kaloy on the face kay Boyet.

BOYET:: "Ouch! Ang sakit naman nun."

JAKE: "Hi guys."

BOYET: "Oh Jake gandang umaga sayo. Aga mo yata ah."

KALOY: "Kain tayo Jake."

JAKE: "Sige. Salamat."

NARDA: "Oh Jake musta? 'dyan ka pala."

Casual na bati habang busy sa pagsusukli si Narda.

BOYET: "Naks pa dedma epek."

Pabulong na sabi ni Boyet kay Kaloy.


JAKE: "Medyo magpapalipas lang ng oras. Badtrip kasi, hindi pumasok yung Professor ko. Medyo nainip tuloy ako umuwi kasi si Buboy kaya naisipan kong dumaan dito habang naghihintay ng next class ko."

Sagot ni Jake kay Narda.

JAKE: "Mukhang kanina nyo pang dalawa ino-okray itong kaibigan natin ah. Malayo pa ako naririnig ko na kasi ang halakhakan N'yo eh."

NARDA: "Hay naku Jake di kana nasanay sa dalawang yan. Imbes na pagbutihin nila ang kanilang pamamamasada ay mas kina-career nilang okrayin ang beauty kong nananahimik."

BOYET: "Eh kasi po ayaw mong si Lolita ang kinukulit namin kaya ayan tuloy ikaw tong napapagbalingan namin."

KALOY: "Pare ang sabihin mo, nagseselos lang yan, kasi gusto N'ya, S'ya ang inookray natin."

BOYET: "Nadale mo pare. Hahaha."

Sabay apir nang magkumpare.

NARDA: "Hoooy, kung ako si Lolita at kung sa inyo rin lang, magpapakatandang dalaga na lang ako noh." 

Tawanan ang tropa.

JAKE: "Kayo talaga puro kalokohan haha."

NARDA: "Lolita pakibigyan nga si Jake ng cassava cake ilagay mo sa platito at samahan mo ng iced tea. Wag mong kalimutan ang tissue ha."

KALOY: "Grabe naman, di pa nga umo-order yung tao kumpletos rekados na kaagad? Samantalang ako isang extra rice lang pahirapan pa. Ano bang kaibahan namin ni Jake ha Narda? Gwapo rin naman ako ah?"

NARDA: "Sigurado ka talaga  na gusto mong itanong sa akin yan? Pwes, Una, ang kagwapuhan mo ay pang kalye lang. Pangalawa, S'ya nagbabayad ng cash. Ikaw utang na, installment pa."

BOYET: "Utang na, installment pa? Hahaha."

Kamot sa ulo si Kaloy. tawa naman ng tawa si Jake at pilit pinipigilan ang paghalakhak.

KALOY: "Grabe naman. Wag mo namang ipagsigawan sa buong Syudad nakakahiya."

NARDA: "Wow ha, meron ka pala nun? Hay naku kayong dalawa. Buti pa ituloy nyo na lang yung pagre-recruit nyo ng sasama sa atin para mag protesta kung wala kayong magawa. Baka nakakalimutan nyo sa susunod na Buwan na nila uumpisahang gibain tong Park natin para gawing Casino. Kaya pag nabigo tayo sa ating protesta, pare-pareho tayong mawawalan ng hanap buhay. Good news for me dahil hindi ko na kailangan makita ang mga pagmumukha nyo sa araw-araw na buhay ko and bad news for me as well dahil hindi nyo na mababayaran ang mga utang nyo sa akin ever."

KALOY: "Good news for us."

Tawanan at nag apir ulit ang mag kumpare.

JAKE: "Next Month na pala yun? remind Nyo ko dyan ha? Gusto kong sumama sa inyo."

NARDA: "Hindi na kailangan Jake. Baka malagay ka lang sa alanganin, I'm sure kasi medyo magiging magulo ang araw na iyon. Baka umabot pa sa pisikalan mahirap na baka masaktan ka pa."

JAKE: "Aba eh hindi naman yata tama yun. Bilang kaibigan N'yo dapat sama-sama tayo. Higit sa lahat bilang mamamayan din ng lungsod na ito karapatan ko ring ipagtanggol ang Park na ito dahil naging malaking parte din ito ng buhay ko."

BOYET: "Salamat sa malasakit mo Jake. Kung yan talaga ang nais mong gawin hindi ka namin pipigilan."

NARDA: "Pero no pressure Jake ha. Kung sakaling magbago ang isip mo. Okay lang. Maiintindihan ka namin...Lolita papalapit na naman yung taong grasa, bigyan mo nga ng tinapay para wag nang lumapit dito nakakahiya kasi sa mga bisita natin."

KALOY: "Ayan kumpleto pala tayo eh. Sigurado akong magiging masaya ang araw na iyon. Sana nga wag dumating sa puntong magkakasakitan."

Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon