PART 1 - The Protest

4 2 0
                                    

CHAPTER 6

BAYWALK PARK . Sabado. Wala pa mang bukang liwayway ay naghahada na si Narda para sa malaking araw na ito. Ngayon na nakatakdang bakuran upang isara ang Park sa Publiko sa pamumuno ng JNV Homes na dating kumpanya ni Narda para makapag-simula na sa kanilang Casino Project na sinang-ayunan ng kanilang Punong Bayan. Medyo maaga sila ngayong pupunta sa Park dahil kailangang mai-brief ni Narda ng mabuti ang mga tao na magpa-participate sa protesta kung ano ang mga dapat at hindi dapat nilang gawin para mapanatili ang kapayapaan ng protestang ito na Kanyang inorganisa at pinamumunuan.

NARDA: "Manang Ising, Lolita bilisan N'yo tanghali na. Ready na ko. Halika na kayo." 

LOLITA: "Nandyan na po." 

Ilang mga minuto pa ang lumipas ay nakarating na sila sa Park. Medyo sumisikat na ang araw. Napaka rami na ng tao at tuloy-tuloy pa rin ang pagdating ng mga iba pa na sasali sa Protesta laban sa JNV Homes. Sinalubong ni Boyet at Kaloy si Narda para tumulong sa mga bit-bit nilang mga pagkain at inumin dahil alam nilang aabutin sila ng maghapon sa protestang ito o baka abutin pa ng ilang araw.

BOYET: "Narda magandang umaga. Buti na lang dumating kana. kanina ka pa kasi gustong makilala ng mga taong inimbitahan namin para sumali dito. Karamihan naman sa kanila ay kilala ka na dahil nga madalas sila dito sa Park. Meron lang mga ilan na hindi ka pa kilala." 

NARDA: "Naku pasensya na kamo. pinilit ko talaga na mas agahan pa pero medyo tinanghali pa rin eh." 

Paumanhin ni Narda habang abala sa pagbababa ng mga gamit sa tricycle. Mabilis namang hinahakot ni Kaloy, Manang Ising at Lolita ang mga dala nila papunta sa tindahan na ilang hakbang lang mula sa kalsada.

KALOY: "Ayos lang yun Narda."

NARDA: "Oh bahala na muna kayo dyan Manang Ising ha. Tawagan nyo na lang ako pag may problema dyan." 

Bilin ni Narda habang ini-aabot nito kay Manang Ising ang huling gamit na kanyang ibinaba sa tricycle.

NARDA: "Oh tara na Kaloy kaya na nila yan." 

Nagmamadaling yaya ni Narda. At mabilis na nagtungo ang tatlo sa maraming tao na naka-assemble sa gitna ng Park. Tuwang-tuwa si Narda sa kanyang sarili dahil hindi nya inaasahang ganito karami ang dadalo sa Protestang ito na inogarnisa nya. Wala paring tigil ang pagdagsa ng mga tao. Ganito pala pala karami ang mga taong nagmamahal sa Park na ito at handang ipaglaban para wag itong Sirain kahit may pahintulot pa ito ng kanilang Mayor.

Tinipon ni Narda ang mga namumuno ng bawat grupo ng ibat-ibang baranggay. Inabot sila ng mga kalahating oras sa kanilang diskusyon. Pagkatapos ng pag-uusap ay nagkanya-kanyang tipon ang mga magkaka grupo at inihanda ang almusal na sponsored ng ibat-ibat kilalang personalidad at galing sa ibat-ibang malilit na kumpanya. Marami ang mga nagtataka kung bakit napakaraming tao ngayon dito sa Park. Hindi mo kasi masasabing sila ay mga magpro-protesta dahil wala pang mga nakataas na mga plakard. Gusto siguro nilang i-surprise ang JNV at ayaw nilang ma-anticipate ng kumpanya ang kanilang gagawin laban sa kanila kaya tahimik at pinilit nilang maging lihim ang pag-organiza ng grupong ito. Almost malapit na silang matapos sa kanilang almusal nang dumarating na isa-isa ang mga truck na may kargang mga coco-lumber at meron ding truck na may kargang mga yero. Ito na marahil ang kanilang ipangba-bakod sa Park bago umpisahan ang construction ng Casino. 

Tapos na lahat ang mga grupo sa kanilang almusal. Inihahanda na nilang itaas ang kanilang mga plakard at unti-unti na silang nag-asemble sa may main entrance ng Park sa pamumuno ni Narda. Kumpleto na ang mga truck ng kahoy at yero na gagamitin sa bakod at tila naghihintay na lang sila ng go signal para ibaba ang mga ito sa loob ng Park. Ilang saglit pa ay may dumating na pick-up truck na may logo ng JNV Homes. Ito na siguro ang Engineer ng project na ito. Pagkababa ng Lalaking mga edad kwarenta sa pickup truck ay nakilala kaagad sya ni Narda mula sa malayo. Sya si Engr. Enrico Rosales. Matagal din silang nagkasama sa JNV Company. Kahit magkaiba sila ng Department ay madalas silang magkita at nagkakasama dahil sa mga business meeting nila kay Congressman.

Ang Mestisang MisteryosaWhere stories live. Discover now