Part 2 - The Bully

7 2 0
                                    

CHAPTER 2

ALVAREZ RESIDENCE. Nagluluto si Luz. May naka setup na laptop sa dining table. Ka video chat ni Lili ang kanyang Mommy na si MONICA, 32, Architect, nagtatrabaho sa Dubai.

LILI: "Mommy kelan ka ba talaga uuwi?"

MONICA: "Wala pang petsa anak eh. Pero wag kang mag-alala malapit na yun. Kumusta na si Bambie? Inaalagaan mo bang mabuti."

LILI: "Bambie! Lika dito...Opo inaalagaan ko po mabuti. Bambie lika mag hi ka kay Mommy."

Kumahol si Bambie pagkakita sa muka ni Monica sa monitor ng laptop.

MONICA: "Haha, good dog. Oh Sya sige anak kailangan ko na kasing pumasok sa Office eh. Ba-bye na ha."

LILI: "Sige po Mommy ba-bye po."

CITY ROAD. Nagmamacha ang little soldiers sa labas ng subdivision nina Vincent habang nakabuntot lang sa may di kalayuan ang kanyang personal driver at Body Guard na si felix na nakasay lang sa kanyang kotse. Hinarang sila ng mga grupo ng mga Batang kalye at pinagtatawanan sila.

VINCENT: "Guys walang aalis sa hanay. Wag N'yo silang pansinin."

BINATILYONG LIDER: "Hindi kayo pwedeng maging sundalo mga lampa."

Tawanan ang grupo ng mga batang kalye.

VINCENT: "Walang titingin. Diretso lang."

Dinedma lang sila ng Little Soldiers at nagpatuloy sa kanilang marcha. Napikon ang Binatilyong lider at nilapitan si Vincent.

BINATILYONG LIDER: "Hoy platoon Leader. Ang angas mo ah. Lalaban ka ba?"

Itinulak ng bahagya ng Binatilyong lider si Vincent.

VINCENT: "Hindi ako lalaban. Wala naman kaming ginagawang masama sa inyo ah. Pwede bang pabayaan Nyo na lang kami?"

Nakikiramdam lang si Felix sa may di kalayuan. Gusto nyang makita kung paano i-handle ni Vincent ang ganitong pagkakataon.

BINATILYONG LIDER: "Naging lider ka pa nila, duwag ka naman pala. Wag na kayong pakita dito ha."

Nagbilang ng sampu sa kanyang isip si Vincent pagkatapos ay tumalikod na ito at nagmarcha palayo. Sumisigaw pa rin ang mga batang kalye at pinagtatawanan sila.

HUmanga si Felix kay Vincent sa mature na pag-handle nito sa ganitong sitwasyon.

Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon