PART 2 - Trying to Forget

3 2 0
                                    

CHAPTER 8

MALL. Pilit inaaliw ni Alex ang kanyang sarili kaya naisipan Nyang magpunta sa isang Mall. Habang naglalakad-lakad ito sa loob ng Mall ay may nakita S'yang maliit na stall ng mga classic Music CD. Nagulat Sya dahil akala Nya Phase out na ang mga CD ngunit meron pa rin palang mga ilan na nagtitinda pa rin nito. Di nya namalayang na hinila na sya ng kanyang mga paa papunta sa music store na ito. Hindi paborito ni Alex si Anne Murray pero hindi Nya alam kung bakit Nya biglang na-isipang hanapin ito. Nag-ikot-ikot si Alex hanggang sa makita Nya ang kanyang hinahanap. Nag-ring ang kanyang phone habang tiningnan nito ang CD.

ALEX: "Hello?... Oh my God, I'm sorry nakalimutan ko, ngayon nga pala yun. Okay, thanks for reminding me. Dont worry punta ko mamaya. okay, bye." 

Mabilis na dinala ni Alex sa cahier ang kanyang napiling CD at pagkabayad ay nagmamadaling umuwi ito.

Kinahapunan sa bahay ni Tina. 60th Birthday ni ALING CORA. Nanay ng bestfriend ni Alex na si  Tina. Masayang nag i-inuman at nag vi-video oke ang magbabarkadang Alex, Tina, Ellen, Myra at Norma. Kasama rin nila ang Boyfriend ni Tina na si EFREN.

Sumasayaw si Tina at Efren habang kinakanta naman ni Ellen ang Dancing Queen ng ABBA. Lalong nagsigawan ang lahat nang hilahin ng Tatay ni Tina si Aling Cora sa gitna para sumayaw. Tumigil sa pagsayaw ang mag Boyfriend at nagbigay daan sa mag-asawang Edwin at Cora. Tumayo ang ang lahat at pumaikot sa mag-asawa at pumapalakpak ang mga ito kasabay ng beat ng kanta. Lalo namang ginanahan si Ellen at napapapasayaw na rin habang kumakanta. 

Nag high five ang magbabarkada ng matapos ang kanta.

EFREN: "Ang galing nyo palang sumayaw Mang Edwin ah. Haha."

NORMA: "Mang Edwin dun ba sa mga moves na yun mo napasagot si Aling Cora?: "

MANG EDWIN: "Dahil sa mga moves na yun, dun nya ako niligawan."

Pabulong na malakas na sagot ni Mang Edwin. Tawanan ang magbabarkada. pinalo naman sa balikat ni Aling Cora si Mang Edwin pagkatapos ay niyakap Sya ni Mang Edwin. Kantyawan ulit ang mga barkada. Kinalembang ni Myra ng kutsara ang kanyang hawak na baso ng beer. Sobrang saya ng tropa. halos nakalimutan na ni Alex ang mga kalungkutang ganap sa kanyang buhay.

MYRA: "Kiss. Kiss."

At nag chant na rin ang buong barkada ng "Kiss". Nag kiss naman si Mang Edwin at lalong nagkagulo at naghiyawan naghiyawan at nagpalakpakan ang barkada. 

Pagkatapos ng tugtog ay nagsibalik na sila sa upuan. Nag play ang next song. 

NORMA: "Torn Between two Lovers.?  Kanino to guys?"

EFREN: " Kay Myra yan." 

Ibinigay ni Norma ang mic kay Myra ngunit kinuha ito ni Tina na nakaupo sa tabi ni Alex.

TINA: "Friend pwede ko bang arburin to?"

MYRA: "Sure friend. Sayo na. Go."

Tumayo si Tina at in-introduce ang next singer.

TINA: "Ladies and Gentleman, May I present to you, the reigning, the defending Video-Oke Queen sa videokehan dyan sa may kanto! Miss Alexandra Gomez Smith."

ALEX: "Ha? Bat ako?"

ELLEN/NORMA/MYRA/EFREN: "Alex. Alex. Alex."

TINA: "Go Alex!"

Napilitang tumayo si Alex at tinanggap ang mic at nag vow pa ito. Tawanan ang buong tropa.

NORMA: "Wow di Sya masyadong excited."

Tawanan ang tropa.

ALEX: "There are times when a woman has to say what's on her mind. Even though she knows how much it's gonna hurt."

hiyawan ang tropa ng matapos ni Alex ang unang linya ng kanta. Pinapanood ni Alex ang Tatlong dancer na nagsasayaw sa TV habang kumakanta. HIndi Nya binabasa ang lyrics dahil kabisado Nya ito.  Ilang sandali pa ay Si Jake, Elmer at ang kanyang sarili na ang kanyang nakikita sa screen ng TV na nagsasayaw. Dahan-dahang nawawala ang mga ngiti sa muka ni Alex.

MARY MCGREGOR: "Before I say another word, let me tell you I love you Let me hold you close, and say these words as gently as I can. 

There's been another man that I've needed and I've loved, But that doesn't mean I love you less,

And he knows he can't possess me, and he knows he never will, There's just this empty place inside of me that only he can fill

Torn between two lovers, feeling like a fool. Loving both of you is breaking all the rules

Torn between two lovers, feeling like a foo,l Loving you both is breaking all the rules

You mustn't think you failed me just because there's someone else. 

You were the first real love I ever had, And all the things I ever said, 

I swear they still are true, For no one else can have the part of me I gave to you

Torn between two lovers, feeling like a foolLoving both of you is breaking all the rules

Torn between two lovers, feeling like a foolLoving you both is breaking all the rules

Couldn't really blame you if you turned and walked away, But with everything I feel inside, I'm asking you to stay. "

Pagkatapos ng Lyrics na ito ay naalala ni Alex nung nakita Nya si Jake nang mapaluhod ito dahil sa sobrang sakit sa pag-aakalng niloko sya ni Kim tungkol sa kanyang pangalan. Kitang kita ni Alex sa mga mata ni Jake ang sakit na nararamdaman Nya sa mga sandaling iyon. 

Torn between two lovers, feeling like a foolLoving both of you is breaking all the rules

Torn between two lovers, feeling like a foolLoving you both is breaking all the rules.

Pagkatapos ng kanta ay nakatingin ang lahat kay Alex na nakatayo pa rin at di gumagalaw sa kanyang kinatatayuan at tumutulo ang luha. Sumenyas si Tina na patayin ang TV at nilapitan nya si Alex at malumanay na hinawakan ang mga kamay nito.

Tina: "Okay ka lang ba bes'? "

Tumingin si Alex kay Tina at nakatitig lang ito. Niyakap ni Tina si Alex.

Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon