PART 2 - The Wedding

3 2 0
                                    

CHAPTER 7

ALVAREZ RESIDENCE. Araw ng kasal ni Kim. Nakaupo si Buboy at Narda sa sofa habang pinapanood si Jake na lumalakad-lakad sa living room, nag-iisip. Napapa-iling na lang si Buboy at Narda sa kanya. Di na nakatiis si Buboy.


BUBOY: "Okay ako na ang magde-decide para sayo, wag ka nang mag-isip, pupunta tayo sa kasal. Halika na bilis 30 minutes na lang baka di tayo umabot."

Hinila ni Buboy si Jake.

JAKE: "Pero pare hindi talaga ako sure kung tama ba na pumunta ako dun."


Tuloy-tuloy parin syang hinila ni Buboy palabas ng kanilang bahay.

BUBOY: "Dun kana mag-isip at least nandun na tayo kung sakali man. Trust me bro, kailangan mo to."

NARDA: "Oo nga Jake, tingin ko din ito lang ang kailangan mong gawin para magka-alaman na kung ano ba talaga. Kailangan mo syang kausapin para at least maging malinaw ang mga bagay-bagay para sa inyong dalawa. I'm sure pasasalamatan mo kami ni Buboy dahil dito later pramis."

Wala ng nagawa si Jake kungdi magpaubaya sa dalawa nyang kaibigan na halos bit-bit na sya. Ilang saglit pa ay nasa Kotse na sila ni Buboy at naging tahimik ang mga sumunod na sandali.

Narating na nila ang lugar ng kasalan after 15 minutes. Punong-puno ng sasakyan ang buong parking maliban sa isang reserved space para sa mga handicapped. Pumarada si Buboy dito. Di sila nag-aksaya ng mga sandali. mabilis silang bumaba ng kotse. Pagdating nila ng gate ay hinarang sila ng isang Guard. 

GUARD: "Sir pwede pong makita ang invitation Nyo?"

Buboy: "Akalako ba kilala ka dito."

Bulong ni Buboy kay Narda.

NARDA: " Mga bago tong guard na to kaya di ako kilala."

Di pa man nakakasagot si Narda sa mga guard ay nakita nya sa may di kalayuan ang OIC na nag iikot sa mga nakaparadang sasakyan. Nakita ng OIC na medyo may diskusyon sa gate kaya  agad nya itong  pinuntahan. Agad naman Syang kinawayan ni Narda habang papunta ito sa gate. 

NARDA: "Mang Tani kumusta po kayo?"

OIC: "Mabuti naman po. Kayo po?"

NARDA: "Mabuti din naman, salamat. Medyo may sitwasyon kasi dito. Ang lagay kasi, hindi kami invited sa kasal na ito. May gusto lang sana kaming kakausapin na tao sa loob, pero hindi naman kami magtatagal. Okay lang ba?"

OIC: "Ay naku, basta po kayo, okay na okay po. Sige po tuloy po kayo, ako na po bahala."

NARDA: "Maraming-maraming salamat po Mang Tani. Tuloy na po kami." 

OIC: "Sige po."

BUBOY: "Wow, I'm impress. nice"

NARDA: "Tumahimik ka dyan. Alalayan mo yang kaibigan mong parang Zombie na naglalakad baka kung saan pa makarating yan." 

Nagmamadali silang pumasok habang itinuturo sa kanila ang daan ng isang usherette hanggang makarating sila sa may likurang bahagi ng ceremony area.

Naglalakad na sa gitna ang Maid of Honor. Halos natatanaw na rin ni Jake ang Bride na naghahanda para maglakad sa gitna. Pagkatapos magmasid ay hinila ni Narda si Jake at Buboy.

NARDA: "Guys, bad news mag-uumpisa na ang seremonya. Wala na tayong time para masolo at maka-usap si Kim. Pero don't worry may chance pa para makausap mo sya Jake. Ganito ang plano. Maghihintay tayo hanggang sa part na magtatanong ang Pari kung may tumututol ba sa kasal na ito, tapos dun ka pa lang papasok Jake."

Ang Mestisang MisteryosaWhere stories live. Discover now