Part 2 - The Alvarez Family

20 2 0
                                    

CHAPTER 1

Karaniwang eksena sa syudad. Traffic lights, Pedestrians, Vendors. Tahimik na nagmamaneho si JAKE TORRES VILLANUENA, 25 na taong gulang.  Wala sigurong Babae ang hindi kikiligin kay Jake dahil sa kagwapuhan nito. Simple lang namang pumorma si Jake pero ang tingin ng karamihang mga Babae sa kanilang school ay para daw syang isang modelo. Siguro dahil na rin sa kanyang k-pop hair style kaya sobrang daming kinikilig sa kanya. Papasok na ng  Gate ng Gym ang kotse ni Jake. Nag-park ito sa isang bakante na malapit sa entrance. Inayos nito ang kanyang mga gamit at isinuot ang kanyang shades saka lumabas ng kotse.

Kita mo ang makinis at matulis na sapatos nito pagbaba ng kotse. Hindi nya kailangang mag-suot ng kumportableng sapatos dahil nakapaa lang naman ito sa loob ng Gym habang naka suot ng pang martial arts na uniform. May mga babaeng naka karate uniform ang pa-cute na bumabati sa kanya habang palabas ito ng kanyang kotse. Kinuha nya ang kanyang malaking bag sa likod ng kotse at saka naglakad papasok ng Building.

Mula sa loob ng Karate Studio ay maririnig mo ang mga sigaw ng mga batang karatista habang nagbibigay ng instruction ang kanilang Master. 

Ilang minuto ang lumipas. Nakatayo na sa gitna ang naka blackbelt na si Jake, may kaharap itong dalawang Brown belt na naka head gear habang pinapanood naman sila ng mga baguhang karatista na nakapalibot sa kanila.

Humudyat ang Master para umpisahan ang laban. Pagkahudyat ay umikot ang isa sa likod ni Jake at agad na sumugod ito habang nilalansi ito ng kanyang kasama sa harap ni Jake. Kalmado lang na nag-side step si Jake at nailagan nya ang flying kick na galing sa kanyang likuran habang. Sinundan naman ng isang front kick ng ikalawang attacker mula sa kanyang harapan. Na-deflect nya ang kick na parang walang effort. Pag landing ng unang attacker sa kanyang flying kick ay hinarap nya ito. Nag fake sweep kick si Jake sabay combo ng round kick. Sapul sa kanyang head gear ang unang attacker dahil nalito ito sa fake sweep kick ng Black Belter na si Jake. Knock down ito at pinipilit ang sarili na bumagon. Sinamantala naman ng pangalawang attacker ang pagkakataon habang katatapos pa lang i-execute ni Jake ang kanyang Perfect Round Kick. Nag double calf kick ang ikalawang attaker sabay combo ng side at double turnaround kick. Kaliwat kanan ang ilag ni Jake, pero mukang poise na poise pa rin ito. Masyadong predicted ni Jake ang pangalawang turnaround kick ng pangalawang attacker kaya sinalubong nya ito ng butterfly kick habang nasa gitna pa lang ng kanyang ikalawang turnaround kick ang attacker. Wala ng time umilag sa butterfly kick ang ikalawang attacker dahil nasa momentum na sya ng kanyang ikalawang combo kick kaya nasalo nya sa muka ang Butterfly kick ni Jake. Knocked dowm ang ikalawang attacker. Nag vow si Jake paikot sa mga expectators. Ganun din ang ginawa ng dalawa pagkabangon nila at umupo ulit sa kani-kanilang pwesto.

MASTER: "Very well executed Jake."

JAKE: "Salamat Master."

MASTER: " You're free to go now. Good job."

Tumayo si Jake mula sa grupo at nagtungo sa gilid para maghanda sa kanyang mga next activity.

ALVAREZ RESIDENCE. Monday rush. Abalang naghahanda ng almusal si LUZVIMINDA "LUZ" ALVAREZ, 46, para sa kanyang inaanak na na si VINCENT TORRES VILLANUEVA na kapatid ni Jake. Grade 5 na si Vincent, Bibo at poging bata rin kagaya ng kanyang kuya. 

Tapos nang magbihis si Vincent, nagpapa-alam na lang ito kay Bambie, isang malaking aso na kulay Puti.

VINCENT: "Bye Bambie. Bantayan mong mabuti si Nanay ha? Sige alis na ko. Gisingin mo na si Lili bilis. Go."

Si LILI ay apo ni Luz sa kanyang anka na nasa ibang Bansa para magtrabaho para sa kanyang anak sa pagkadalaga na si Lili.

LUZ: "Vincent anak bilisan mo na dyan! umupo ka na dito sa mesa malapit na mag  alas-syete."

Ang Mestisang MisteryosaWhere stories live. Discover now