Part 2 - Street Fight

7 2 0
                                    

CHAPTER 3

BAYWALK PARK. Hindi masyadong busy ngayon ang tindahan ni Narda. Nagmimiryenda sina Kaloy at Boyet, kasama nila si Narda na nakaupo sa mesa. may mga taong lumalapit kay Narda para magbayad.

BATANG LALAKE: "Ito po bayad ko. Isang tubig saka isang bananakyu lang po."

Inabot ni Narda ang sukli habang nakikipagusap kina Kaloy at Boyet.

NARDA: "Feeling ko talaga merong kinalaman yan si Don Ramon sa paghihiwalay ng mag-asawang Villanueva eh. Kaya N'ya ako tinanggal dahil alam N'yang may hinala ako sa kanya. Nadamay tuloy kayo at ang boung team ko."

BOYET: "Wala na ba talagang chance para makabalik tayo sa kumpanya? Medyo kulang kasi ang kinikita namin ni Kaloy sa pagtra-tricycle eh."

KALOY: "Oo nga eh, halos sa gatas at diaper lang napupunta ang kinikita namin dito, kaya naman nagkakautang-utang tuloy kami sayo."

NARDA: "Hayaan N'yo di pa ako nawawalan ng pag-asa. Nag-hire na ako ng tao para hanapin ang nawawalang Congressman na Boss natin. Sigurado akong hindi Nya alam na tinanggal tayo ng kanyang business partner na si Don Ramon."

BOYET: "Palagay ko nga. Medyo nagbakasyon lang siguro yun sa isang tahimik na lugar dahil masyado S'yang nasaktan nung itinakwil S'ya ng kanyang pinakamamahal na asawa."

NARDA: "Siguro nga. Naalala ko, Meron na pala akong nakuhang mga sponsors para sa mga pagkain kasama na rin ang miryenda para sa araw ng protesta natin."

KALOY: "Ayos. Mabuti naman. Nabawasan na yung problema natin."

BOYET: "Kotse yata ni Jake tong paparating."

NARDA: "Ding ang bato!"

Tumayo si Narda inalis ang mga dumi sa damit at inayos ang sarili.

BOYET: "Grabe naman to, nakita lang si Jake nataranta na naman. Masyado ka talagang obvious."

KALOY: "Tapatin mo nga kami ha Narda? Ano ba talaga? Akala ko ba hindi kayo talo ni Jake?"

NARDA: "Di talaga kami talo nyan ni Jake no. Mabait na bata yan. Ayokong sirain ang maganda naming friendship."

BOYET: "Ah gets ko na. nagtatanim ka muna ngayon para may aanihin ka balang araw?"

KALOY: "Hahaha. Natumbok mo pare. Saktong-sakto."

Sabay apir ng dalawa.

NARDA: "Hoy tumahimik na nga kayo nandyan na sya oh."

Nakangiting kumaway si Jake kay Narda. Di masyadong excited kuno na kumaway pabalik si Narda.

NARDA: "Oh Jake napadaan ka."

JAKE: "Hi guys, musta kayo?"

Nakipag apir si Jake kina Boyet at Kaloy.

KALOY: "Ayus lang Jake."

BOYET: "Musta. napadaan ka yata."

JAKE: "Galing kasi ako ng Clinic kanina tapos tinamad na akong pumasok kaya naisipan kong pasyalan si Stephanie sa kanila, Mahigit isang linggo na kasi s'yang di pumapasok eh."

NARDA: "Hulaan ko... Nakipag-break ka sa kanya no? Kaya siguro di nakapasok sa sobrang sama ng loob."

JAKE: "Parang ganun na nga ang nangyari."

KALOY: "Galing mo Narda ah. kamag-anak ka ba ni Madam Auring?"

NARDA: "Sabi ko na nga ba eh. End of the Month end of relationship. Teka nga pala muna. Di ba sabi mo noon sa amin ibahin namin si Steph? Di ba sabi mo pa nga di mo sya sasaktan kagaya ng mga nauna mong mga girlfriend bago sya?"

Ang Mestisang MisteryosaWhere stories live. Discover now