Part 4 - The LITTLE SOLDIERS

10 2 0
                                    

CHAPTER 1

ALVAREZ RESIDENCE.  Big Screen at mga high-end computers, ito ang makikita sa basement ng Alvarez residence. Pagkababa mo ng hagdan ay mababasa mo ang "HEADQUARTERS" sa gitna ng wall.

Nag-lelecture ngayon si Vincent para sa Myembro ng kanyang itinatag na grupo na LITTLE SOLDIERS. Ito ay sina ALVIN, 11, nakasalamin. Kaklase ni Vincent. JERRY, 11, medyo payat. Sa isang Public Shool nag-aaral. Macky, 11, Halos kapitbahay ni Vincent at si DONALD, 9, chubby, saling-pusa dahil  kapatid sya ni Macky.

VINCENT: "Last week we studied about different kinds of viruses. Today we are going to study how to make them. Pero gagawa tayo ng isang very simple virus hindi para maka panira kundi para magkaroon ng mas malawak na kaalaman o pang-unawa kung paano kumikilos ang virus at nang sa ganun ay mas madali natin malaman kung paano din natin sila mapipigilan. Maliwanag ba Little Soldiers?"

LITTLE SOLDIERS: "Sir yes Sir."

VINCENT: "Before we proceed, let us review what we learned last week... Alvin, Bilang isang First honor sa ating school, inaasahan ko na ikaw rin ang magto-top sa klase na ito... What is the name of virus that sends to your first 50 email list?"

ALVIN: "Melissa virus Sir."

VINCENT: "Very good... Jerry, Ikaw ang Science quiz B champion last year and this year. Inaasahan ko na magiging expert ka sa mga virus since sa science ka magaling... Is Melissa virus harmful to your files?"

JERRY: "No Sir. Pero kaya nyang i-slow down ang system mo dahil sa dami ng traffic sa network na ginagawa nito Sir."

VINCENT: "Very good...Macky, Bukod sa pangalawa ka sa iyong klase ay naging Athlete of the year ka rin last athletic meet dito sa ating bayan. So inaasahan ko na ikaw ang mangunguna sa ating mga actual mission...This is a virus that shuts down internet service providers, banking services, and Airline ticketing. What is the name of this virus and what kind of virus is this?"

MACKY: "SQL Slammer Sir and this is a worm virus Sir."

VINCENT: "Okay good...Donald, Academic record...hmmm. I mean naging champion ka rin naman sa eating contest sa mga under 10 category. Ang Little Soldiers ay samahan ng mga talented individuals. Sa ngayon di ko pa nakikita kung ano ang strength mo...Inaasahan ko na maging kasing galing ka rin kagaya ng kuya Macky mo na hindi lang magaling sa academic, kundi magaling din bilang athlete... anong virus ang isa sa mga pinaka-malaking pinsala ang nagawa sa buong mundo at kahit ang pinaka secured na white house ay napasok nito, ang virus na ito ay ginawa ng isang pilipino."

DONALD: "Ito ang Love virus Sir!"

VINCENT: "Good. We can now proceed sa ating next lesson."

MACKY: "Vincent bago tayo magpatuloy gusto ko lang ulit magpasalamat dahil nagtrabaho na ang Tatay ko. Salamat sa pag delete mo sa kanyang Criminal record sa NBI. Tuwang-tuwa sya kasi naka-kuha na sya ng NBI Clearance kaya naman natanggap kaagad sya sa trabaho.

VINCENT: "Ginawa ko yun dahil alam kong inosente ang Tatay mo. Enough na yung nakulong sya ng dalawang taon para pagdusahan ang kasalanan na hindi naman nya ginawa, pero yung hindi sya makakuha ng trabaho dahil ex-convic sya ay kalabisan na sa tingin ko. Kaya dapat lang na gawin ko yun. "

MACKY: "Sabi nga pala ng Tatay ko, personal ka daw nyang pasasalamatan, medyo nahihiya kasi syang lumapit sayo dahil wala syang maisip na pwedeng ibigay sayo."

VINCENT: "Wag syang mag-abala kamo dahil hindi ko rin ito tatanggapin."

MACKY: "Sige makakarating. Salamat."

Nagpatuloy na sa kanilang klase ang mga LITTLE SOLDIERS.

Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon