PART 2 - Little Soldiers in Action

3 2 0
                                    

CHAPTER 9

KIDNAPER'S BUILDING. Nasa isang maliit na kwarto si Vincent ng isang malaking gusali. Walang mga gamit sa kwarto maliban sa isang folding bed. Nakaupo sa sahig malapit sa pinto si Vincent habang di tinitigilan ang pagsigaw at pag kalampag ng pinto.

Isang mataba at isang medyo payat ang pangangatawan sa information desk ng building ang naka-duty. Parehong mga edad kwarenta pataas. Pareho silang naka uniporme ng Pulis. Pilit nilang ini-ignore ang ingay ni Vincent.

MATABANG PULIS: "Puntahan mo na nga yun pare, nakakairita na masyado eh. Mukang walang balak tumigil."

Agad tumungo ang payat na pulis sa kwarto ni Vincent habang tuloy lang sa pagsusulat sa Log book ang matabang pulis. Nagtimpla ng kape ang matabang pulis. Napapatingin ito sa kwarto ni Vincent dahil di pa rin ito tumitigil. Sumunod na rin ang matabang pulis matapos humigop ng ilang beses sa kanyang kape.

PAYAT NA PULIS: " Ayaw talaga tumigil eh.  Ang tigas ng ulo." 

Kinuha ng matabang pulis ang kanyang ID at nag swipe sa pinto at binuksan ito. Hinugot ang baril saka itinutok kay Vincent. Mabilis na tumatayo si Vincent galing sa pagkaka-upo sa sahig.

MATABANG PULIS: "Diba sabi ko sayo tumahimik at matulog ka na lang dyan? Hindi ka ba talaga titigil? Oh barilin na lang kita para wala ng ingay?"

VINCENT: "Hindi po kasi ako makatulog eh. pahiram lang po sana nung iPad ko para antukin po ako sa paglalaro."

MATABANG PULIS: "Hindi nga raw pwede sabi nung Computer Engineer kanina diba? Babarilin na talaga kita ang kulit-kulit mo eh."

VINCENT: "Alam kong di mo gagawin yun kuya dahil baka may makarinig tapos tumawag ng pulis, baka mahuli pa kayo tapos makukulong kayo ng habang buhay. Pag minalas baka mabitay pa."

Nagkatinginan ang dalawang Pulis.

PAYAT NA PULIS: "Walang pupuntang pulis dito. Ayan oh, di mo ba nakikita? Mga pulis kami."

VINCENT: "Pinagloloko mo naman ako kuya eh. Meron bang pulis ngayon na kalibre 38 ang baril? Eh pang security guard lang yan eh. Saka walang pulis na naka rubber shoes." 

Nagkatinginan ulit ang dalawa, namangha sa pagka smart ni Vincent. Inabot ng payat na pulis ang kanyang Glock 9mm automatic pistol  sa matabang pulis.

MATABANG PULIS: "Oh ayan baril ng pulis. Talagang babarilin na kita ang dami mong alam eh." 

VINCENT: "Nagbibiro ka parin kuya eh."

MATABANG PULIS: "Ha? Ba't mo naman nasabi yan?"

VINCENT: "Di naman puputok yan eh, ayan oh naka safety."

Lalong nangigigil na pinihit nito ang safety lock.

MATABANG PULIS: "Oh ayan wala ng safety. Titigil ka na ba?"

VINCENT: "Hindi pa rin kuya. Di pa rin puputok yan eh."

MATABANG PULIS: "Bakit na naman?"

VINCENT: "Ayan oh walang magasin. Pano puputok yan?"

Napatingin ang pulis sa sa ilalim ng baril. Binatukan nito ang payat na pulis saka kinuha ang magasin sa kanyang bewang. Kinabit nito ang magasin at kinasa sabay tutok ulit kay Vincent.

MATABANG PULIS: "Oh ayan talagang seryso na ako, talagang babarilin na kita pag di ka pa tumigil."

VINCENT: "Pag ginawa mo yan kuya sigurado akong mapaparusahan kayo ng boss nyo kasi halata namang ayaw akong saktan ng boss nyo eh. kaya kayo binigyan ng mga rubber bullets para siguradong walang mangyaring masama sakin. Masakit lang yan kuya pero di pa rin ako mamamatay dyan kaya maisusumbong ko pa kayo sa Boss nyo."

Ang Mestisang MisteryosaWhere stories live. Discover now