PART 1 - The Mission

7 2 0
                                    

CHAPTER 5

TOBI HOUSE. Naka parada sa medyo madilim na parte ng harap na bahay ng Amo ng asong si Tobi ang Delivery Van ng Grocery ng mga Alvarez. Ito ang sasakyang ginamit ni Felix para magkasya lahat ang Little Soldiers kasama si Lili at Bambie. Kasalukuyang silang nagdidiskusyon sa loob ng sasakyan.


VINCENT: "Lili sigurado ka bang ito ang bahay ni Tobi? "


LILI: "Oo Vincent sigurado ako. Ito nga ang bahay na sinasabi sa akin ni Bambie."


ALVIN: "Si bambie ang may sabi? Pero pano--"


VINCENT: "Wag mo nang itanong kung bakit Alvin. Di pa sumasablay yan si Lili sa mga sinasabi ni Bambie sa kanya. Kaya maniwala na lang tayo sa kanya."


Napakamot na lang sa ulo Alvin.


FELIX: "Vincent siguraduhin nyo lang na malinis at walang problema ha? Kung hindi malilintikan ako ng Tatay Rudy nyo sa pagkunsinti ko dyan sa ginagawa nyo. Mabilis lang to ha, sabi ko kasi medyo  medyo magpapahangin lang tayo sa Park."


VINCENT: "Wag kayong mag-alala Kuya Felix akong bahala, Wala naman tayong pwedeng maging kaso dito. Hindi nila tayo pwedeng idimanda ng Trespassing dahil aso lang naman at isang remote-control na laruan ang papasok sa bahay nila. May nakahanda na rin akong plano kung magkaroon man ng problema kaya kahit anong mangyari wala kang kinalaman dito Kuya Felix. Sandali lang to pramis...Alvin take charge. Ikaw hahawak ng laptop. Pasukin mo yung security system nila.  Go!"


ALVIN: "Sir ! Yes Sir."


Nagmamadaling inilabas ni Alvin ang laptop, at sobrang focus at excited na nag type ng mga codes...  Ilang Saglit pa ay...

ALVIN: "Vincent ayan nakapasok na ko. meron silang walong CCTV camera. "


VINCENT: "Nice. Ayan kitang-kita na natin ang mga galaw nila. Check mo kung nasaan si Tobi."


JERRY: "Nice! Bilis ah. Galing mo na Alvin ah. Ayan kita na natin lahat ng tao sa loob."


DONALD: "Good Job Alvin."


Nagtype ulit ng ilang mga codes si Alvin.


Samantala sa loob ng bahay ni Tobi. Lasing ang lalaking  may-ari kay Tobi na si ALBERT LIM. late 30's. tinitingnan nito ang larawan ng kanyang mag-ina habang nasa ilalim naman ng sofa si Tobi takot na takot sa kanya.


ALBERT: "Nasaan ka na walang silbing aso! Ni hindi mo man lang naipagtanggol ang magina ko sa mga akyat bahay gang na yun? Di ba trabaho mo ang magbantay ng bahay? Nasaan ka na? Magpakita ka sa akin."

Ito ang naging dahilan para magkabit ng security system sa kanyang bahay si Albert dahil sa panloloob ng mga magnanakaw na ikinasawi ng kanyang mag-ina noong nakaraang taon habang sya ay nasa ibang bansa para isang Business Trip. Wala itong masisi kundi ang kanyang sarili at kung nakakainom naman ay sinisisi nito si Tobi na walang ginawa para tulungan ang kanyang mag-ina.

Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon