Chapter 46

20 2 0
                                    

Janine's PoV

Ilang araw na'rin ang nakalipas simula nu'ng aksidente. Hindi ko kinausap muna ang iba kong kaibigan. Hindi ko rin muna pinansin ang mga invitations sa'kin ng mga alumni students sa school. This week is my week and I need this privacy and peace for my father's funeral.

We decided to cremate daddy. Pag tapos ma-discharge ni mommy, agad agad namin binisita ang bankay ni daddy and nag decide kami agad na cremation nalang. Gusto kasi ni mommy i-store ang ashes sa mansion. Ang mansion na pinag hirapan nilang dalawa.

People might think, na ang mansion at company namin ay nanggaling sa grandparents ko or sa mga ninuno namin. Pero hindi. Lumaking mayaman si mommy anf daddy pero hindi nila agad agad nakuha ang mga mana nila dahil ayaw ito ibigay ni lolo. Kaya kinailangan mag hirap ni mommy and daddy after ng kasal nila.

Si mommy ay pinag bubuntis ako pero she still did her best to continue her studies in Graphic Arts. And si daddy naman ay agad agad nag tayo ng business niya. They weren't given any money or guide from their parents. Everything was from their own money. The year I was born, nag start mag improve ang business and they managed na mag pagawa ng bahay.

'Yung company naman ay sariling pera rin nila pero tumulong na ng kaunti ang grandparents ko since nakaahon at nakapag patayo sila ng bahay all on their own.

It's almost the afternoon. Nakapag ayos na kami and malinis na'rin ang lugar kung saan itatabi si daddy. Nag pagawa si mommy ng museleo sa likod ng mansion. She said, if she ever dies, gusto niya 'rin ilagay doon. She'll never die. I don't want that.

Lahat kami ay naka puti dahil ayaw ni daddy ng black. Na sa loob pa kami ng living room nag aayos ng mga pagkain. Si mommy naman ay na sa kwarto pa niya, yakap yakap ang mga pictures ni daddy. Ang ashes naman ni daddy, na sa center table sa pinaka sala. Kasama ko si Christina ngayon, tumutulong kay Lola Aila mag ayos ng pagkain. Habang ang mga tito ko kasama si Charles at manong Jep nag aayos sa back garden.

Sina Tita Mariana at Tita Charity naman ay kasama si Mommy sa kwarto niya. Hindi pa'rin makalimutan ni mommy ang mga nangyari kaya medyo malala ang epekto nito sa kaniya.

"Okay na lahat" Sabi ni Manong Jep habang na sa pinto. "Tatawagin ko na sila" Sagot ko naman at umakyat na ako sa kwarto ni mommy.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si mommy nakaupo pa'rin sa kama niya at inaakap ni Tita Mariana si mommy. "Ready na po lahat" Mahina kong sinabi. Agad naman tumayo ang dalawang babaeng kasama ni mommy at umalis saglit upang iwan ako kasama siya.

"Mommy, halika na" Sabi ko at ngumiti ako. Nginitian niya ako pabalik at tumayo, hawak hawak pa'rin ang picture ni daddy.

<<<<<<<<<<

Tahimik kaming nakaupo doon. Kaming malapit kay daddy ang na sa harap at ibang mga business partners at kaibigan naman ni daddy ang na sa likod. Patuloy lang ang mga pangyayari, mabilis natapos ang dasal, ang speech ng mga kaibigan at ngayon, kumakain na lahat ng mga tao dito. Tahimik na kumakain. Maya maya nalang ay aalis na'rin sila.

"Janine, parang nakalimutan mo ata sabihan mga iba mong kaibigan" Bigla naman nag salita sa tabi ko si Charles. Ngayon ko lang naiisip 'yon. Sobrang occupied ko simula nu'ng mga nakaraang araw at kakalabas ko lang ng ospital. Sana maintindihan ako ng mga kaibigan ko.

Victoria's PoV

Nandito kami ngayon sa bahay nina Ricko dahil may celebration kami. Dapat nga invited si Janine eh kaso ilang araw na siyang hindi matawagan. Ganoon rin sa best friend niya. Nag aalala nga kami eh, simula nu'ng graduation, hindi na siya nag paparamdam. Kung nag out of town man sila, mag po-post naman 'yun.

Nakaupo lang ako ngayon sa isa sa mga upuan sa labas ng bahay ni Ricko. Habang na sa paligid ko sila nag tatawanan, ako naman ay scroll scroll lang sa FB. Nagulat ako bigla sa article na nag appear sa news feed ko.

Well-known Business Man and Billionaire, Michael Ramiro Javier, reportedly dead due to a Car Accident.

"Guys, tignan niyo oh. May nakita ako" Pinakita ko kay Justine ang article na nakita ko at nagulat siya.

"Bakit?" Tanong ni Lilly.

"Michael Ramiro Javier 'di ba pangalan ng daddy ni Janine?" Tanong ni Justine at tumango silang lahat.

"May nakita akong article. Namatay daw, car accident ang cause" Dagdag ko. Gulat na gulat sila at si Ricko naman ay halos hindi maniwala. "Basahin mo muna baka fake news 'yan"

"Well-known Business Man and Billionaire, Michael Ramiro Javier reportedly dead due to a Car Accident. It was said that the accident happened on the 4th of April, 9:30 PM on their way to have celebratory dinner for his daughter's recognition. The Javiera Heiress and the Javiera Business Partners, De Luna Food And Service Company, and Chu Sports Company was found safe but the Business Man's wife, Roxanne Medina Javier, a well-known Designer-Model was critically injured. The rest of the business partners and the family just performed the well-known man's funeral earlier today. The family still refuses to publicly tell the whole story of how it happened"

"Grabe, talagang nu'ng araw pa ng recognition" Gulat na gulat na sinabi ni Milly. "Pero bakit hindi niya tayo sinabihan?" Tanong ni Ricko.

"Syempre! Alam mo naman kung gaano kalala ang mga mangyayari kapag nalaman ng media na may mga outsiders na tulad natin ang na sa funeral na 'yan" Sagot ko.

"Pero kaibigan niya tayo eh" Halos masigaw na sabi ni Ricko. "Ano ka ba Ricko, grabe ka kung maka-react. Ikaw nga 'tong ayaw pumansin kay Janine. Syempre malaki ang epekto nito kay Janine. Siguro sobrang busy at sobrang mentally unprepared si Janine kaya hindi niya nasabi saatin. Hindi nga siya nag online ng ilang araw, 'di ba? Kay liit ng problema mo. Intindihin mo nalang" Sagot naman ni Justine sa reklamo ni Ricko.

Hay nako! Hindi ko alam kung bakit siya ganiyan maka-react. Taena nito. Alam ko naman kung bakit hindi nasabi sa'min ni Janine eh. Ayon nga, wala siguro siya sa point na maalala niya ang mga tao sa paligid niya. Ayaw rin siguro malaman agad ng public ang nangyari. Plus, hindi kami involved sa mga business stuff at media media na 'yan. Siguro, ayaw lang niya kami madamay.

***********

Please Vote, Comment, Share and Follow me :3

Other accounts:
IG: Lynilynilyn28
Twitter: Lynilynilyn28
FB: Lynilynilyn Writes

Thank you :3

Reincarnation Series: Janine's Choice (Season 1)Where stories live. Discover now