Chapter 40

18 1 0
                                    

Ricko's PoV

Sabi niya saakin may ipapakilala daw siya. Tapos sabi niya HE daw siya. Sino kaya 'yun? Sabi niya baka daw kilala ko na kasi sikat. Sino siya!? Palakad lakad lang ako sa loob ng kwarto ni Dina na parang hindi mapakali dahil kinakabahan sa lalaking ipapakilala niya. Baka boyfriend niya 'to.

Bigla akong natauhan nang marinig ko ang sunod sunod na katok sa pinto. "Hello!" Sigaw ko nang buksan ko ito at makita si Janine. "H-hello?" Awkwardly niyang sinabi. "Sorry. Pasok kayo"

Pumasok sila ng sunod sunod at napansin ko ang lalaking matangkad na kasama nila. Siya si Charles Chu 'di ba? 'Yung lalaking ikakasal daw kay Janine? Kinabahan ako ng onti kasi baka gusto ako ipakilala ni Janine sa kaniya para imbitahan ako sa kasal nila.

"So, Ricko meet Charles. Charles meet Ricko" Lumapit sa'kin si Charles at nakipag shake hands. "Nice meeting you" Bulong ko.

"So, nag tataka ka ata kung bakit ko siya pinakilala sa'yo. Well, Charles and Christina are now together and naisip ko na dapat at least isa sa mga students ng Philippines National Campus ang makakaalam na hindi na kami arranged in marriage!"

Nakahinga ako bigla ng malalim sa sinabi ni Janine. Ibig sabihin single siya. Buti naman. "Ahh, congrats sa inyo"

"May dala kaming foods! Favourite ni Janine 'yan" Sabi ni Ma'am Christina habang inaabot ang balot ng Japanese foods. "And may dala 'ring laruan si Charles para kay Dina" Dagdag nito.

"Grabe, sobra sobra na ata nabigay niyong laruan kay Dina"

"Sus! Okay lang 'yan" Inabot ni Janine ang teddy bear na kulay pink kay Dina ata agad agad niya itong niyakap.

"So, ano magandang gawin?" Tanong ni Charles. "Laro kaya tayo ng Truth or Dare" Suggest ni Ma'am Christina. "May empty bottle ako ng mountain due dito" Tumayo ako saglit at kinuha ang bote sa bag ko.

"Sa baba tayo mag laro" Suggest ni Janine at umupo kami sa puzzle na nakalatag sa sahig.

"So, gan'to. Me to Janine, Janine to Charles, Charles to Ricko and Ricko to me. Gano'n lang ah" Pinaikot na ni Ma'am Christina ang bote at ito ay tumapat kay ma'am Christina.

"Ma'am, truth or dare?" Tanong ko.

"First, wag mo na akong tawagin na ma'am and second, truth"

Curious ako kung ga'no katagal na silang mag jowa ni Charles eh. Ramdam ko kasi na matagal tagal na.

"Truth"

"Gaano na kayo katagal ni Charles na mag jowa?"

"Well, since sixth grade ata or seventh grade. Nagustuhan ko siya noong 8 years old palang kami"

"Sanaol loyal" Bulong ni Janine. Pinaikot ulit ni Christina ang bote at tumapat ito kay Charles.

"Truth or dare, Charles?" Tanong ni Janine.

"Dare"

"I dare you to kiss Christina. Right here, right now"

Medyo awkward dare ni Janine pero ginawa rin nilang dalawa. Umikot ulit at tumapat naman sa'kin. "Okay! Bigla akong natakot sa sigaw ni Christina.

"Truth or dare?" Tanong ni Charles.

"Truth?" Sagot ko na may halong nginig sa boses.

"Perfect! If you like someone, describe them. If you don't, describe your ideal girl"

"Well, meron akong gustong babae and medyo mahaba buhok niya, maputi, red na red ang lips and maliit. Masungit pero deep inside, sobrang bait niya"

"Ahh. Okay. Familiar"

"Okay, next!" Pinaikot ulit ni Christina 'yung bote and tumapat ito kay Janine. "Alright, dear dear best friend! Truth or dare?"

"Dare"

"Yes! Alright, I dare you to hug the nearest person seen"

Tumingin siya sa'kin at kinabahan ako. Medyo kinilig ako nu'ng tumingin siya sa'kin. "Do I really?.." Tanong niya. Nakita ko naman na tumango ang dalawang tao sa harap niya. "Fine..." Tumayo siya at niyakap ako sa likod. "Okay! Done. Wag masyadong tagalan" Sigaw ni Christina.

Nag tagal pa kami onti doon at nag laro lang ng truth or dare hanggang sa may tumawag kay Janine. "Kailangan ko na pala umuwi"

"Uwi na'rin kami since kami naman nag hatid sa'yo dito" Sagot ni Charles.

Janine's PoV

Biglang tumawag sa'kin si mommy and kailangan ko na'rin kasi siya makausap. "Sorry, Ricko. Kailangan na namin umuwi"

"Okay lang" Nalungkot ako dahil gustong gusto ko pa mag stay dito pero importante kasi sa'kin si mommy and I really need to talk to her. "Dina, alis na kami ah. Pagaling ka" Lumapit ako kay Dina at niyakap ko siya. Ganoon rin ang ginawa niya. I waved another goodbye sa kanilang dalawa at umalis na kami.

"So, bakit agad agad ka naman ata uuwi? Nakaka-offend ba mga dares ko?" Tanong ni Christina habang nag aantay kami sa driver niya.

"Hindi 'yun. Tumawag kasi si mommy" Nakita ko ang mga gulat nilang mukha at natigilan sila.

"Ano nanaman kaya plano ng mommy mo ngayon?" Tanong ni Christina. "Pretty sure it's nothing too bad. Sana tumigil na si Tita Roxanne" Dagdag ni Charles.

"Hindi ko rin sure pero sana mag sorry na siya sa lahat ng ginawa niya. Anyway, ayan na sundo natin"

Pumasok na kami sa loob ng kotse, sa harap ulit si Christi and sa likod kami ni Charles. The ride was quieter than usual and nakaka tense. Kinakabahan rin ako pag uwi. Anywau, pinikit ko nalang ang mga mata ko para kumalma ako at without even knowing it, nakauwi kami agad.
"Andito na pala" Bumaba na agad ako sa kotse at bumaba rin sila pareho. Lumapit sa'kin si Christina at niyakap ako.

"Janine, just so you know, kung hindi man tanggap ni tita ang lahat at tinuloy niya pa'rin 'yung tungkol sa tradition, ready kami ni Charles na tulungan ka, okay?"

"Okay. Thank you. Pasok na ako" Niyakap ko sila ulit at pumasok na sa mansion namin. Sa gitna ng bahay, ang living room, naroon si mommy nakaupo nanonood ng TV. Which is very suspicious since she doesn't like the TV. "Welcome back" Matamlay nitong greet sa'kin.

"Bago ka mag salita mommy, gusto ko lang sabihin na I'm sorry kung ganoon ang pag trato ko sa'yo"

"No. Ako dapat ang mag sorry. Dapat inisip ko ang nararamdaman mo. I'm sorry, okay?"

Niyakap ko si mommy sa saya dahil finally naintindihan niya na'rin. "Okay lang po" Niyakap niya ako ulit ng mahigpit at nakaramdam ako ng sayang hindi ko kayang masabi lang sa salita.

"Pero, aalis na ulit ako ngayon. I have to go back to France. I only came back kasi kung ano ano na nalalaman ko"

"I understand. I know na important 'yung client niyo this year kaya dapat talaga bumalik ka na po sa France. Biglaan niyo po kasi iniwan si daddy doon eh"

"Yes. Anyway, naka impake na ako kaya mamaya aalis na ako"

"Sige po. Ingat ka po, mommy"

Umalis na si mommy dahil sabi niya pupunta muna daw siya sa company. Habang ako, dumeretso sa kusina para kumain ulit. Maraming magandang naganap ngayon, sana gan'to pa'rin hanggang dulo.

***********

Please Vote, Comment, Share and Follow me :3

Other accounts:
IG: Lynilynilyn28
Twitter: Lynilynilyn28
FB: Lynilynilyn Writes

Thank you :3

Reincarnation Series: Janine's Choice (Season 1)Where stories live. Discover now