Chapter 21

21 4 0
                                    

Ricko's PoV

Ever since noong bumili si Janine sa'kin sa canteen, hindi ko na siya nakita ulit. Siguro busy siya and maraming iniisip. After all, siya ang sponsor and host namin. Hinahanda niya pa ata ang mga kailangan namin. Ang ganda niya sa suot niya na 'yon. Gusto ko ulit siyang makita na ganoon ang suot. Ilang araw na'rin ang nakalipas at eto ako ngayon, nag bibihis para sa Club Week. Si Janine, Kylie, Justine at Milly ay na sa Studio na agad ni Janine. Habang kami nila Caleb, Lilly, at Victoria naman ang pupunta sa school para sunduin ang volunteers. Mag papadala na'rin ng dalawang van si Janine para ihatid kami sa studio niya. Marami ang mga estudyante na sumali sa club activities namin dahil sakaniya. Tunay nga na isa talaga siyang anghel. Boses anghel at mukhang anghel.

"Ma, mauuna na ako sa'yo ah! May aayusin pa kami sa club room" Lumabas na agad ako at dumeretso na sa school. Sure ako na kung gaano ako ka-excited ngayon, ganoon rin si Janine at ang iba pa.

Janine's PoV

"Okay, pakilagay lahat ng nakabalot na toys doon sa green na table. Yung foods and snacks dito lang 'yan sa long table. Lahat ng school supplies ay doon sa table na katabi ng mga toys!" Sigaw ko sa lahat ng kasama ko. Ngayon na kasi ang event. Pasalamat kay daddy at malaki ang studio na binigay niya. Ayaw ko na mag fail 'to dahil mahalaga saakin at kay Ricko ang event na 'to. "Paki latag na 'yung malaking foam dito at lagyan na ng unan" Hindi na ako nag lagay ng chairs kasi masyadong marami ang mga bata kaya higaan nalang na sobrang laki. "Ipag-hiwalay niyo 'yung red sa green na souvenirs! Red is for the kids and green is for the volunteers!" Sigaw ko sa isang organizer na kasama ko. Lahat mabibigyan ng souvenirs since lahat kami ay may gagawin dito.

Ang mga souvenirs namin for kids ay imported candies from different countries, mini charm bracelets, first aid kit, and hygiene kits such as: toothbrushes, toothpaste, shampoos, conditioners, combs, towels, and many more. For volunteers, mugs signed by me since requested naman nila, special custom made shirts designed by me, candies also, special bracelets too and a diary kit: custom made notebooks that are designed by me, different sets of pencils and ball pens.

Our school supplies consists of six notebooks with every colors of the rainbow, sets of colored ball pens, 24 pieces of crayons, pencils, sharpeners, erasers and many more. All this, I prepared for only two days. May tulong ako galing kay Christina and sa mga trusted employees namin. Ang food namin, our famous Filipino Cuisine. Galing sa De Luna Restaurant. "Is everything ready?" Tanong ko sa mga kasama ko. "All good na po madame. Naayos na namin lahat" Sagot naman ng mga employees ko. "Thank you sa tulong ah. I'll make sure to give you an increase. You can all get your payment from lola Aila. Thank you again" Umalis na ang mga sinama ko na employees namin. Sila lang ang may gusto saakin kaya sila lang ang pinagka tiwalaan ko.

"Ang ganda naman ng studio mo" Saad ni Justine habang pinagmamasdan ang paligid. Hindi naman ganoon kalaki ang studio ko. Ang lupa ko ang malaki. Binigay lang sa'kin 'to ni daddy para daw pag gusto ko mapag isa, may pupuntahan ako. Hindi ko kasi alam gagawin ko sa lupa ko kaya pinatayuan ko nalang ng one floored house and red ang color scheme. Against nga si mommy dito eh, pero si daddy ang masusunod. Plus, at least dito nakakpag focus ako tuwing nagawa ako ng designs. "Sobra sobra naman ata ang mga 'to, ate Janine"

"Hindi naman. First day ng club week kaya dapat sosyal"

Saktong pag tapos namin ng pag aayos ay dumating na ang dalawang van. "Ayan na sila!" Sigaw ni Justine habang tumatakbo palapit sa entrance gate. Lumabas si Victoria at Lilly sa unang van kasama ang kalahati sa volunteers at sa pangalawang van naman lumabas si Caleb at Ricko. Lalo akong ginanahan nang makita ko si Ricko na lumabas sa van. "Hello po!" Sigaw ng mga volunteers. "Pasok na kayo, umupo muna kayo sa foam doon para makapag start na tayo" Banggit ni Milly sa mga volunteers.

Pumasok na ang lahat ng volunteers at umupo silang lahat sa foam na nakalatag. "Good morning everyone!" Masigla kung sinabi. Nagsi hiyawan naman lahat sila sa saya. "Thank you for volunteering to help in helping young kids from the street. I assume all of you are excited so without further a do, let us start our wonderful event!" Everything is already prepared since last week. Lahat kami sa Yes O ay nag hanap na ng school na tutulungan and nag invite na'rin ng mga bata. "So before the event, we already prepared our guests"

Maraming bata ang nag si takbuhan papasok ng gate. Lahat naman ng mga volunteers ay tumayo at umalis sa foam. Lahat naman ng mga bata ay umupo na sa foam at lahat sila ay nakangiti saamin. Si Lilly at Victoria ang magaling sa bata saamin kaya sila ang host para sa mga bata. "Good morning kids!"

"Good morning rin po!" Sabay sabay na hiyaw ng mga bata.

"Ako si Ate Vicky at eto naman si Ate Lilly! Andito tayo ngayon para mag saya, kumain at makatanggap ng mga magagandang laruan. Ngunit, may mga kailangan kayong gawin para makuha niyo ang mga laruan! Ano nga ba ito, ate Lilly?"

"Meron tayong limang pagsubok na kailangan tahakin! Bawat rounds ay may premnyo na laruan at school supplies! Kapag nagawa niyo ang pinapagawa ng fairies sa mga rounds, may makukuha kayong toys. Handa ba kayo?"

"Opo" Sabay sabay ulit na hiyawan ng mga bata. "In fairness, magaling nga talaga sila pag dating sa bata" Bulong ko kay Ricko. "Naman! Kilala ko na sila pag dating sa mga bata. Kaya bagay talaga sila sa pwestong 'yan" Sagot nito. Medyo kinikilig ulit ako kasi sobrang lapit niya saakin ngayon. "Mga fairies, in your stations na!" Sigaw saamin ni Milly. Ako at si Ricko ang isa sa mga fairies sa stations. Si Kylie at Milly naman ay ang organizer sa foods. Si Justine ay isa rin sa mga hosts. Kami ni Ricko ang fifth station kasi kami ni Ricko ang nag isip ng final station.

Ang station one ay sack race, station two naman ay ang calamansi game, station three ay paunahan maka puno ng balde ng tubig. Station four, paunahan mailagay ang kamatis sa lamesa, by partner kasi ang groupings dito. At ang station five, kung saan magiging boys versus girls, hatakan lubid at kami ni Ricko ang leader ng teams. Ako ang team girls at siya ang team boys. Safe lahat ng games, I made sure of it. I made sure na walang masusugatan na bata dito.

"Find your partners and get ready!" Sigaw ni Justine. Lahat ng mga bata nakakuha na ng sako at naka pwesto na sa starting line. Partner race, dalawang bata ang na sa loob ng sako. "On your marks! Ready! Go!"

***********

Please Vote, Comment, Share and Follow me :3

Other accounts:
IG: Lynilynilyn28
Twitter: Lynilynilyn28
FB: Lynilynilyn Art

Thank you :3

Reincarnation Series: Janine's Choice (Season 1)Where stories live. Discover now