Chapter 29

20 5 0
                                    

Christina's PoV

Pag dating ko sa pool area, nag tago ako sa likod ng shelf ng mga floaties at buckets and sunscreens na malapit sa kung saan ang team nila Charles. Ayaw ko makita ako ng mga kasama niya dahil sikat si Charles. Pag nalaman nang mga kasama niya na nakikipag kita siya saakin, baka makaabot 'to sa ibang estudyante at malaman ni Janine kaya ang text nalang ako.

Chinese Bread🍞😗

Na sa likod ako nang shelf malapit sa'yo, may dala akong getorade na yellow uwu

Yiee. Bakit di ka mag pakita dito?

Hirap mo naman kausap. Punta ka nalang dito

Sige, sige❤❤

Huminga ako ng malalim at binalik ang tingin ko sa kung saan ang team ni Charles. Pero instead na makita ko sila, I was greeted by Charles' face na nakangiti sa'kin ng todo. Nagulat ako ng konti doon pero kumalma rin agad. "Gulat ka 'no?" Tanong ng lalaking singkit na na sa harapan ko.

"Commercial ka ba ng Tide, hah?" Tanong ko sakaniya na may halong inis. "Sorry na, sorry na. Inis agad eh" Niyakap niya naman ako ng mahigpit sa likod at dahil marupok ako, apology accepted agad. "Bakit ayaw mo mag pakita sa mga kasama ko?"

"Alam mo naman ang situation natin, diba? Other than na hindi pa tayo official at sobrang sikat mo sa school, ayaw ko na mapahamak si Janine dahil dito. Alam mo rin naman ang mangyayari sa kaniya" Sagot ko na may lungkot sa aking tono. Mahal ko si Charles pero mas mahal ko pa rin si Janine dahil parang kapatid ko na'rin siya.

"Oo, alam ko ang sitwasyon natin tatlo pero dapat piliin mo rin ang kasiyahan mo hindi 'yung puro sacrifice ka nalang para sa kaniya"

"Gusto ko na safe muna si Janine bago tayo maging official. Wala akong pake kung sobra sobra ang sacrifices ko sa kaniya basta safe siya. Kilala mo naman si tita Roxanne, diba?"

"Oo na. Kung marunong lang sana umintindi si tita edi sana masaya tayong lahat. Alam ko na may lalaking gusto si Janine"

"Pa'no?" Napatanong ako bigla dahil wala naman akong binanggit sa kaniya about sa feelings ni Janine dahil malaking sikreto namin ito.

"I have my ways. Sige na, alam ko na may Debate pa kayo mamaya. Manunood ako" Sagot niya habang kinukuha ang bote ng Gatorade sa kamay ko. "I Love you" Dagdag nito bago siya umalis. Kinilig ako ng onti doon at umalis na para mag handa.

Janine's PoV

Pumunta ako agad sa likod ng gymnasium at nilapitan si Ricko na nakikipag tawanan sa team niya. "Uy! Si Queen Maxine papunta dito!" Sigaw ng isa sa mga lalaking kasama ni Ricko. "May dalang Gatorade oh! Para saakin siguro 'yan. Gwapo ko kasi" Napa irap ako sa sinabi ng isa sa mga lalaki doon dahil masyado siyang feelingero.

"Ricko, oh. Sa'yo nalang" Saad ko habang inaabot kay Ricko ang blue na Gatorade. "Wooo! May something ata ang queen natin para kay Ricko" Hiyaw ng mga lalake na kasama namin. Tinignan ko sila na para bang sasakalin ko sila. Nagsi-alisan sila agad at iniwan kami ni Ricko.

"Hindi mo naman kailangan mag dala ng Gatorade dito. Alam mo naman na puro lalaki kasama ko" Saad nito habang kinukuha ang Gatorade sa kamay ko.

"And so? Kaya ko naman sarili ko plus binigay ko lang sa'yo 'yan kasi may extra ako" Sagot ko na may halong taray. Ayaw ko na mapansin niya na masyado akong mabait sa kaniya. "Sus, okay. Pero 'yon lang ba talaga dahila kung bakit ka narito?"

Umupo ako sa tabi niya at huminga ng malalim. "Grabe, amoy pawis ka" Reklamo ko. "Syempre, kakagaling lang sa laro. Ikaw, bakit ka nga narito?"

"Kasi gusto ko" Sagot ko. "Okay HAHA" Tawa niya. "By the way, this Saturday, after Club Week. Gusto mo pumunta sa SM South Mall?"

"Bakit?" Tanong nito habang iniinom ang Gatorade. "You know, celebration kasi natapos natin ang Club Week?" Rason ko.

"Sige, sige. Tayo lang?" Tanong nito. "Oo"

"Bakit?"

"Basta! Tama na tanong. May papanoorin pa akong Debate. Goodbye"

Umalis na ako agad and dumeretso sa loob ng gymnasium para manood ng debate. Umupo ako sa pinaka taas ng bleachers para makita sila ng maayos. "As expected, nanunuod si best friend" Narinig kung banggit ng lalaking katabi ko. "Charles, 'musta naman?" Tanong dito habang niyakap siya. "This and there. Ikaw?"

"Eto, nag hihirap sa Yes O" Nag sinungaling ako. Hindi naman talaga ako nag hihirap sa club eh. Masaya talaga ako na kasama ko sila. Kaso si Charles 'tong kausap ko, baka sabihin niya kay mommy about kay Ricko. "Sinungaling ka talaga"

Nagulat ako sa sinabi niya. Sinungaling? Excuse me? "Alam ko na masaya ka sa club na 'yan at alam ko 'rin na masaya ka sa mga kasama mo. In fact, alam ko 'rin na may pagtingin ka sa president niyo" Tuloy tuloy ang kaniyang pag sambit ng mga salita and nagulat ako. Paano? Paano niya nalaman 'yon? "Wag ka na mag sinungaling. Matagal ko nang alam. Wag mo 'rin sisihin si Christina dahil hindi siya ang nag sabi"

"Sinong nag sabi sa'yo?" Wala nang nakakaalam tungkol dito maliban kay Christina kaya nag tataka ako kung sino nag sabi sa mokong na 'to. "Wala. Nalaman ko lang" Sagot niya. "Paano nga?"

"Secret. Ayan na, magsisimula na. Manahimik na tayo" Nairita nalang ako sa buong debate na 'yon at hindi ako nakapag focus sa panonood dahil bumabagabag pa'rin sa isip ko na nalaman ni Charles ang tungkol dito. Natapos ang debate na nakasimangot pa 'rin ako. Bumaba na kami ni Charles sa bleachers at pumunta sa likod ng stage. "Charles, wag na wag mo sasabihin 'to kay mommy. Please lang"

"Sige. Alam ko naman na alam mo na ang about saamin ni Christina, diba? Gusto ko rin sana i-request na wag mo sasabihin kahit kanino 'yon. Sobrang napaka halaga mo kay Christina kaya ayaw niya malaman nang iba. Gusto ko 'rin malaman kung okay ka lang ba na kami ang may gusto sa isa't isa"

"Syempre, hinding hindi ko ipagkakalat ang nalalaman ko and of course! Support ko kayo dahil gusto niyo ang isa't isa. Payo ko lang, Charles. Kahit na magkakaibigan tayo dati, hindi pa'rin kita papalagpasin pag sinaktan mo si Christina kaya dapat alagaan mo siya"

Tumango naman siya as sagot niya sa'kin. Isang malaking deal na 'to kaya kailangan namin tuparin ang promise. Pag tapos namin mag usap ay dumeretso na kami agad sa back stage at pinuntahan si Christina.

~~~~~~

After all the shows na pinanood namin, pinauwi ko na si Christina na kasama si Charles at nag start na kami sa clean up. Although nakaka-urat, nag enjoy kami dahil may music kami, tinulungan kami ng mga teachers and other school staffs. Nag laro-laro kami saglit tapos kwentuhan. Pag tapos nang lahat na 'yon, umuwi na kaming lahat and nag pahinga na ako. Hindi ko na nakausap sina Victoria or Christina dahil pagod na pagod na ako. Pero iniisip ko pa'rin, pa'no nalaman ni Charles ang about doon.

***********

Please Vote, Comment, Share and Follow me :3

Other accounts:
IG: Lynilynilyn28
Twitter: Lynilynilyn28
FB: Lynilynilyn Writes

Thank you :3

Reincarnation Series: Janine's Choice (Season 1)Where stories live. Discover now