Chapter 8

81 18 0
                                    

Christina's PoV

Naglalakad ako ng mabilis sa loob ng restaurant namin at medyo nag pa-panic na ako. Nagkaroon biglaan ng problema sa kitchen and wala sila mommy at daddy. May mga customers pa na hindi nase-serve 'yung pagkain and 'yung mga nag pa-reserve nawalan ng table dahil 'yung baguhan saamin binigay 'yung mga reserved tables. I am stressing right now. Pupunta pa naman sana ako kanila Janine, looks like I won't really make it.

Janine's PoV

Nag message saakin si Christi, baka hindi daw siya maka punta. She said masyado siyang busy sa restaurant kasi nagkaroon na naman ng problema sa mga rookies waiters and waitress.

Tumingin ako sa mga kasama ko ngayon na halatang nag e-enjoy sa paligid. Ngayon lang ba sila naka-kita ng gan'to? Napangiti nalang ako sakanila. Sobrang tagal kung nakatago sa ilalim ng yaman namin kaya hindi ko pa talaga naranasan magkaroon ng ganito kadaming bisita  na andito para saakin. Si Christina lang talaga ang kilala ko ng tunay. Piliin ko ma'n na mag-stay sa club, hindi naman papayag si mommy. Iisipin niya na papangit 'yung status ko sa school. Ang gusto niya, sikat, kilalang mayaman at high maintenance ako, ayaw niya na makilala akong malambot, weak or mag mukhang mahirap.

Lagi niya pinapa-alala saakin na hindi dapat kami makitang mahina. Dapat confident, taas ang ulo ang magiging itsura namin sa paningin ng iba dahil kami ay Medina-Javier. Dalawang napaka-yaman na pamilya. Ayaw niya na malaman na umiiyak ako sa harap ng iba, ayaw niya malaman na nag mumukhang mahina ako sa iba. Kahit kailan, kahit bata palang ako, hindi ako umiiyak sa harap ng ibang tao, kay Christina lang.

Hindi ko napansin na titig na titig ako kay Ricko. Sa gwapong katulad niya, mahirap na kumaliwa pa. I am not saying I like him, what I am saying is that he is an ideal boyfriend. But, if ever na magustuhan ko siya, hindi pwede. I am bound to marry Charles Chu unless he find someone he likes more than me. Which, I hope na may makilala siya. I'd marry anyone except him. But, someone like Ricko would be nice. Napangiti nalang ako sa itsura at mga ngiti ni Ricko, pero biglaan akong tinapik ni Victoria.

"Huy, tama na ang titig, baka matunaw 'yan" Tawa nito. Nagulat nalang ako bigla sakaniya at bumalik na'rin sa reality ang isip ko. "Huh? Anong nakatitig? Wala akong tinititigan" Sabi ko. Sobrang obvious siguro na nag-blush ako. Tumingin ako sa ibang direction at ngumiti.

"Hay nako, Miss Javier. Noong nakaraan pa lang kayo nagkakilala, in love ka agad" Sagot naman ni Victoria.

"Walang in love. Kung meron ma'ng in love, kayo 'yon ni Caleb" Sabay palo sa braso niya. "Akala mo ba 'di ko kayo napapansin? Ang halata niyo"

"Iniiba mo naman topic eh. Kayo ni Ricko ang usapan, hindi kami ni Caleb" Sagot nito.

"Tumatakas ka naman sa bagong topic. Kayo ba ni Caleb?" I asked out of curiosity. Sobrang curious na ako. "Well, you could say that" Sagot ni Victoria. "Nasaan na ba 'yung kaibigan mo? Diba sabi mo ipapakilala mo siya saamin?" Biglaang pag bago ni Victoria ng topic.

Hala. Oo nga pala. "Guys, hindi pala makakarating si Christina ngayon, next time nalang daw. Busy siya ngayon" Malungkot kung sinabi. Sayang, hindi niya makikilala 'yung iba.

"Aww, okay lang. Next time nalang" Huminto saglit si Victoria. "Naiintindihan naman namin na busy ang mga taong 'tulad niyo" Dagdag nito.

Napatahimik ang buong paligid ko, mukhang wala na kaming magawa at bored na sila. "Gusto niyo gumala?" Tanong ko. Sabay sabay naman silang tumingin saakin, nanlalaki ang mata. "Gusto ko kasi gumala. Punta tayo Tom's World" Dagdag ko naman. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumasok sa loob ng mansion.

Tumingin ako saglit sakanila at mukhang gulat pa'rin sila. Ang cute. Umakyat ako saglit sa kwarto ko at nag bihis. Since hindi gusto ni Daddy na lumalabas ako ng naka-short, nag fitted pants ako with matching red off shoulder na top, flat shoes na red at bun style hair. Bumaba ako at pinuntahan ko ang mga YES-O officers na na sa gazebo ko.

Reincarnation Series: Janine's Choice (Season 1)Where stories live. Discover now