Chapter 10

63 9 0
                                    

Ricko's PoV

Nagising nalang ako bigla noong narinig ko 'yung alarm ko. Umuwi ako kagabi nu'ng dumating si papa sa hospital. Siya na nag bantay kay Dina. To be honest, ang saya saya ko dahil ko na masaya si Dina. Talagang nagustuhan niya 'yung laruan na binigay ni Janine. Nakalimutan ko ulit mag thank you kay Janine kagabi kasi pinag-usapan namin 'yung designs and good thing nakapag decide kami agad at walang naging away since iisang design lang naman gusto namin doon. Nakatulog na'rin ako agad nu'ng naka uwi ako kaya hindi ko na na-message si Janine. Pag uwi ko rin, tulog na si mama.

I opened my messenger and no messages. Ang tahimik ng messenger hindi ako sanay. Maliban sa messages galing sa GCs ng school at section namin, wala na talaga. Binuksan ko ang chat head namin ni Janine and looks like ako ang first move. Eto magiging first conversation namin hihi. Naramdaman ko na tumitibok ng mabilis 'yung puso ko nung naisip ko 'yun bigla.

"Tumigil ka nga Ricko. Kaganda gandang babae niya tapos mayaman. Tapos 'yung isang katulad mo magkakagusto sakaniya?" Bulong ko sa sarili ko habang pagulong gulong sa higaan.

Hindi naman sa ayaw ko sakaniya pero hindi ata appropriate na magkagusto ang katulad ko sakaniya. I mean feeling ko 'yung pamilya niya ang mga pamilya na pipilitin nila na ikasal ang anak nila sa kapwa mayaman. So, if ever na magustuhan ko siya or magustuhan niya ako, hindi kami fit at hindi approve ang magulang namin.

"Ricko tumigil ka nga. Hindi mo pa siya kilala ng sobra plus bakit ka naman magkakagusto sakaniya?" Napa buntong hininga nalang ako at pumingit ng sobrang tagal. Bakit nga ba ako magkakagusto sakaniya?

Hindi ko nalang pinansin ang mga 'yon at nag message na sakaniya ng thank you. Hindi nag tagal at nag reply siya ng "no problem". Although gusto ko siya kausapin pa, wala naman kaming topic and may gagawin pa ako. Pupunta pa ako sa hospital para bantayan si Dina kasi pupunta sa school si mama kasi may tatapusin daw at si papa naman may trabaho pa sa restaurant. May part time job rin ako kaso kailangan ng mag babantay kay Dina so hindi muna ako papasok. Bumangon na ako sa higaan at dumeretso sa CR para maligo at mag bihis. Pag labas ko, nag suot lang ako red shirt at pants tapos tapos na. Dumeretso ako sa kusina para mag handa ng almusal. 9AM na kaya sure ako umalis na sina mama.

Janine's PoV

Late na naman ako nagising. 9AM is already late for me. Usually, 5AM ako nagigising kahit weekends kasi masipag akong anak. I guess pagod na pagod ako kahapon. Nagising ako sa message ni Ricko. Siguro kung hindi pa siya nag message saakin then tulog pa rin ako. Simpleng thank you lang naman 'yung message and I think ibig sabihin niya thank you doon sa toys. It's a no problem. Marami akong old toys dito na pwedeng ibigay nalang since sayang naman. Since gusto ko ulit makita mga friends ko, and gusto ko na makilala nila si Christi, papuntahin ko kaya ulit sila dito para ayusin lahat ng laruan dito and ibigay sa mga bata.

I took my phone and tinawagan ko si Victoria. "Hello, sino 'to?"

"It's me, Janine" Sagot ko habang natatawa.

"Pa'no mo nakuha number ko?"

"You know, sa school files"

"Ahh. So ba't ka napatawag?"

"Free ka ba ngayon? Na sa mood kasi ako mamigay ng mga gamit ngayon. May mga luma kasi akong laruan and gusto ko na ipamigay"

"Sure. Free ako ngayon"

"May number ka ba nang iba nating members? Wala lang, gusto ko lang sila isama"

"Ahh, oo. Send ko sa'yo numbers nila, okay?"

"Thank you"

"Bakit 'di ka nalang sa GC mag message?"

"For some reason gusto lang kitang tawagan"

"Okay HAHAHA. Miss mo na ako agad"

"Yes naman"

We ended our call and nakuha ko na number nung iba. Tinawagan ko sila and free daw silang lahat. Maliban kay Ricko kasi binabantayan niya ulit kapatid niya. Tinawagan ko na'rin si Christi and free rin daw siya. Hindi naman daw sobrang busy ng restaurant. Pinapunta ko ulit sa gate ng village and pinasundo kay Manong Jep. Si Christi naman mag dadala rin ng mga laruan. Pareho kami ni Christi lumaking maraming laruan sa paligid and ngayon na medyo matanda na kami para mag laro, dagdag nalang sa kalat 'yun. Pero pareho kami ni Christi na ayaw itapon 'yung mga toys kasi mamahalin at maayos pa naman kahit na pinipilit na kami na itapon 'yun ng mga magulang namin.

Nag start na kami ni lola Aila ilabas 'yung mga malalaking box ng imported na laruan sa backyard. Nag labas na'rin kami ng iba pang box para doon na ilalagay 'yung mga laruan na ibibigay. At first, plano ko ibigay nalang lahat kay Ricko para sa kapatid niya but then maraming bata ang gusto rin ng laruan kaya ipamimigay ko nalang sa orphanages or sa mga bata sa lansangan. But since madami nga kaming gagawin and first week palang ng school and may club activities kami na kailangan ayusin, kaya sa susunod na namin 'to ipamigay pero 'yung iba, ibibigay na namin sa orphanage at charity and 'yung iba para sa kapatid ni Ricko.

Not long enough, syempre nauna si Christi for some reason ang bilis niya nakarating. "Hey girl!" Sigaw nito habang bumababa sa sasakyan niya. "Aga mo naman" Sambit ko habang patakbong nalapit sakaniya. "Parang akala mo sa ibang village ako nakatira" Sagot niya naman habang yakap yakap ako. "Akala ko ba sa restaurant ka galing?"

"Uhm duh! Lutang ka ata. Syempre kinuha ko muna mga gamit sa bahay then dumeretso na ako dito" Sagot naman nito habang bumibitaw sa yakap namin. "Sorry naman. Marami lang iniisip. By the way, tulungan na kita sa mga box na nasa car mo" Pareho kami ni Christi pumunta sa kotse niya at tinulungan 'yung driver niya ilabas 'yung mga box ng laruan. "Asan na mga co-members mo?" Tanong niya habang dahan dahan kaming naglalakad papunta sa kung saan naka tambak ang box ng laruan ko. "Pinasundo ko na sila sa gate ng village. Padating na sila" Sagot ko naman.

Nag simula na kami ni Christi mag hiwalay ng mga laruan at nilagay sa mga boxes na maliliit pero sobrang dami nga kasi nito kaya nag pahinga nalang kami at hinintay 'yung iba.

***********

Please Vote, Comment, Share and Follow me :3

Other accounts:
IG: Lynilynilyn28
Twitter: Lynilynilyn28
FB: Lynilynilyn Art

Thank you :3

Reincarnation Series: Janine's Choice (Season 1)Where stories live. Discover now