Chapter 14

53 5 0
                                    

Janine's PoV

Pag uwi na pag uwi ko, dumeretso agad ako sa kwarto ko at humiga. Nakakapagod naman maging mabait. Charot mabait naman talaga ako and excited na ako next week. Next kasi namin plano ipamigay 'yung mga lumang laruan na naka box na ngayon at nakatabi na sa garage namin. Kanina, nu'ng makita ko 'yung kapatid ni Ricko. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang saya ko nu'ng niyakap niya ako tapos nag thank you siya. Sabi saakin ni Christi na matagal tagal na daw siya sa hospital na 'yun kasi hindi daw nila mabayaran ng deretso kaya patigil tigil 'yung gamot niya. Gusto ko mag donate. Kaso kailangan ko ng excuse para tanggapin nila agad 'yung pera. Kailangan ko rin malaman kung magkano kailangan nila. Nag isip isip ako pero pagod na talaga ako kaya natulog muna ako.

Ilang oras lang ako nakatulog at nagising ulit ako. Nagutom ako so bumaba ako para tignan kung may niluto ba si Lola Aila. Thank you dahil meron nga. Nakapatay na ang lahat ng ilaw maliban 'yung ilaw sa labas at sa pool pati na'rin sa living room. Pumuta ako sa dining room kung saan nakahanda pa rin ang mga pagkain pero naka takip ng maayos. May hotdogs, eggs, bacon, and ham sa lamesa. May brown rice rin sa gitna. Parang minadali ang mga luto ah. Prito lahat ng ulam tapos walang veggies. Sino ba nag luto ngayon? Hindi ko nalang pinansin at kumain nalang ako. Habang nakain ako, naalala ko ulit 'yung kanina. Kanina nu'ng nag thank you si Ricko, para siyang namumula. Nu'ng hinawakan ko rin kamay niya, para siyang nang lamig. I won't deny pero ang cute niya sobra.

Okay parang kinikilig ka ata, Janine. Napatigil ako sa pag kain at nabitawan ko ang kutsara ko. OMG! Wag naman! Hindi ka pwede ma-attach sakaniya, okay!? Masasaktan ka lang ulit pag tapos ng isang buwan. Remember na one month ka lang sa club and no more. Balik buhay tayo pag tapos. Tinapos ko na ang pagkain ko at bumalik na ako sa kwarto ko. Bukas na pala ang presentation namin. Kailangan ko ng catch phrase since magsasalita ako doon. Lalo na't vice president ako. Ano kaya magandang sabihin sa harapan nila? Alam ko na kahit anong sabihin ko sa mga tao doon, susunod na 'yan sila. Pero gusto ko pa rin maging catchy 'yung sasabihin ko. Like, dapat may meaning pa rin.

Although alam ko na kailangan ko bumangon bukas, nag puyat pa rin ako dahil kailangan perfect 'yung catch phrase ko bukas and 'yung speech ko pa. Gusto ko maayos at maganda. Hindi pwedeng bara bara lang dahil maganda ako. I don't want people to think low of me. Hindi pwedeng maganda lang, dapat may utak rin.

I don't know what got into me pero inabot ako ng madaling araw kakaisip ng sasabihin ko para ngayon. One hour lang tulog ko pero puro tulog lang din naman ang ginagawa ko maghapon kaya surely, hindi ako aantukin ngayon. I wore a fitted black jeans and our custom made shirts. Tied my hair into a bun and wore my new white doll shoes. Maaga ako nakarating sa school and maraming clubs rin ang nag aayos sa sari-sariling lugar nila sa school grounds. Lahat sila may custom made shirts rin and now, hindi na kami masyadong naiiba sakanila since may own shirts na'rin kami. Si Christina, nag stay pa rin sa debate club so hindi kami sabay pumasok ngayon. Puro school clubs lang ang na sa labas pati mga teachers at nag aayos sila ng mga banners nila and practicing their cheer and speech. While ang YES O club naman ay nag aayos ng props nila.

"Hello, guys! Sorry kung late, napuyat ako kagabi" Sigaw ko habang nakaway sakanila sa malayo. "Janine!" Sigaw naman pabalik ni Justine. Ang ganda tignan na pare-pareho kami ng mga suot. Jeans, hair bun tapos 'yung custom made shirts. "Ang ganda natin tignan pag magkakasama ah" Saad ni Milly habang inaayos ang banner namin. "Truly!" Sagot ni Lilly sa kambal niya. "Si Janine, napuyat kakaisip kay Ricko. Yieee!" Hiyaw ni Victoria. "Tumigil ka nga HAHAHA" Tawa ko naman. "Totoo naman eh!" Sagot niya saakin. "Ewan ko sa'yo, Victoria" Sabay sabay naman kaming tumawa sa pang aasar ni Victoria. "Nasaan sina Caleb at Kylie?" Tanong ni Ricko na ngayon ay kararating lang. "Tinawag ni Caleb si Kylie. At bakit ngayon ka lang President?" Tanong ni Milly.

"Ayon, may tinapos lang sa bahay tapos traffic" Sagot niya. "Nasaan si Madame Narissa?" Tanong ko naman. Si Madame kasi mag bibigay ng list sa mga sections na pupuntahan namin para hindi namin maka sabay ang ibang clubs. "May kinuha lang sa office" Sagot niya. Nag simula na kaming mag prepare nang makarating na si Kylie at Caleb. Nasira 'yung banner namin kagabi habang na sa club room kaya kinailangan namin ayusin at binago na'rin namin ang design na halos kahawig nu'ng na sa shirts namin. Nag practice na'rin kami ng cheer namin and presentation namin.

I must say, mas masaya 'to kesa sa ibang clubs. Pag preparations, preparations lang walang tawanan or saya. Nakaka bored rin sila kasama madalas. Should I be honest? Because if I should, then mas gugustuhin ko na mag stay nalang dito. Gusto ko na maging permanent member nila. I know na tinatalikuran ko na ang ibang curricular activities sa school and mom wouldn't really like that pero, she should be happy if I'm happy naman diba? Strict si mommy na ganito. Ayaw niya nga ako pasalihin sa club na 'to eh. Or sa kahit anong clubs kasi ayaw niya na may iba akong binibigyan pansin. Gusto niya focus ako sa contests at curricular activities and studies na'rin pero ayaw niya ng mga clubs. Kaya lang naman ako nakasali sa Art club at Debate club dahil kay daddy. Si daddy kasi ang laging masusunod saamin kaya walang magagawa si mommy pag si dad na ang nag salita.

"Club presidents, follow you club advisers and lead your club. Please fall in line. From Art to Yes O club!" Sigaw ng teacher na may hawak na mega phone. Malapit na mag start, yes! "So, guys. Chill lang kayo ever since elementary may gan'to na tayo kaya breathe in breathe out. Magsasalita lang tayo sa harap ng mga students. Go go go lang!" Sabi saamin ni Ricko. What a motivational leader.

***********

Please Vote, Comment, Share and Follow me :3

Other accounts:
IG: Lynilynilyn28
Twitter: Lynilynilyn28
FB: Lynilynilyn Art

Thank you :3

Reincarnation Series: Janine's Choice (Season 1)Where stories live. Discover now