Chapter 30

23 6 0
                                    

Christina's PoV

Days went by fast and almost every day, every hour, magkasama kami ni Charles. Of course, nag tatago kami pag nakikita namin si Janine. Kasinfor some reason, lagi siyang na sa paligid namin pero ang odd niya tignan. I mean, may mga style siya nang damit na suot na hindi ko pa nakikita na suotin niya sa kahit anong lugar. Tapos lagi siyang may dalang payong na kulay black. Wala naman gamit si Janine na kulay black. Lagi ko rin siya nakikita na parehas ang damit. Dark blue na tube top, black na blazer, tapos naka skirt siya na black rin tapos sobrang straight ng buhok niya. Bagsak na bagsak. Alam ko na wavy hair ang meron si Janine.

Nakakapag taka lang talaga. Sabi sa'kin ni Charles wag ko nalang daw pansinin baka coincidentally lang kaming nagkikita. And about sa looks niya, baka daw hindi ko lang daw malinaw na makita si Janine kasi lagi siyang malayo sa'min and baka may mga damit nga siya na hindi ko pa daw nakikita. Pero bakit blue? From what I know hindi niya type ang color blue. Tapos bakit naman siya may mga black na damit? Eh puro red ang gamit niya dahil ayaw niya ng dark colors. Tapos payong? Sobrang puti niya kaya alam ko na gusto niyang naiinitan. So sino 'yung lagi ko nakikita? Mahirap man paniwalaan pero hindi 'yun si Janine. Kakaiba kasi ang aura niya. Kahit na ang layo niya sa'kin, nararamdaman ko talaga na hindi si Janine 'yun.

"Oh, ba't parang sobrang occupied mo ngayon? Bored ka ba? Sorry pinaghihintay kita" Nabigla ako kay Janine na ngayon ay na sa harapan ko na may hawak na walis. Hinihintay ko kasi siya matapos sa third day nang pag lilinis nila sa school. Hinihintay ko siya kasi may gagawin kami mamaya dahil sabi niya sa'kin date daw nila ni Ricko bukas. "Ah, hindi 'yon. May naalala lang. By the way, nu'ng nakaraan, pumunta ka ba sa mall? Or nu'ng last week?"

"Hindi, sobrang busy kaya. Bakit?" Sagot niya. Sabi na eh, hindi nga siya 'yung nakita ko. Pero bakit kamukha niya? Bakit 'yung height, yung mukha niya, 'yung nunal sa right eye niya, bakit pareho? "Wala lang. Nagtanong lang. Tuloy niyo na pag lilinis para matapos kayo agad" Umupo lang ako sa ilalim nang puno malapit sa building namin habang ang mga volunteers at ang Yes O club pati na'rin ang mga school staffs ay nag lilinis. Si Charles, umuwi na kasi kailangan niya na'rin mag pahinga.

Ikaw ba naman, puro basketball lang kayo buong araw. Nakakapagod 'yon. As much na gusto ko siya makasama ngayon, gusto ko na maging safe ang health niya. Papakasalan ko pa 'yon. Speaking of kasal, matutuloy kaya 'yung arranged wedding nila ni Janine? Hindi ko pa'rin kasi sinasabi kay Janine eh. Feeling ko naiinis si Janine pag kasama ko si Charles. Last time kasi, after nang Debate ko, nakita silang mag kayakap. And not gonna lie, nag selos ako nang sobra. Pag nilalapitan kami ni Charles, aalis bigla si Janine tapos sasabihin na may pupuntahan daw siya. Feeling ko galit siya kasi malapit kami ni Charles sa isa't isa.

I mean, if ever na mas piliin ni Charles ang relationship namin dalawa, masasaktan si Janine. Kasi ba naman, ano ba kasing klasing ina ang paparusahan ang anak nila? Janine told me everything about it. Sabi kasi niya 'pag hindi daw siya nagpakasal kay Charles, she'll receive a major punishment which is never niya na makukuha ang mana niya and hindi na siya ang magiging heradera ng Javiera Company. Itatakwil daw siya ng magulang niya. Over reacting or not, ayaw mangyari ni Janine 'to and lalo na kami. Naging tradition daw kasi nang mga Medina ito.

Kapag first daughter ka, ipapakasal ka sa pinaka-mayaman na kilala. As for Tita Roxanne, kinasal siya kay Tito Michael. Kapag hindi mo sinunod ang tradition, parang tinalikuran mo na'rin ang buong family. May gan'to rin sa family ko pero hindi naman kami agad agad nalang itatakwil. Hindi applicable saakin 'to dahil may older sister ako na tumupad sa tradition and na sa France na siya ngayon kasama ang asawa niya at may sariling bakery na siya. Janine is an only child so the pressure is all on her.

To be honest, against si Tito sa tradition na 'yon dahil gusto niya maging masaya ang anak niya kaso he doesn't want to disrespect Tita Roxanne's family kaya tahimik lang siya. Pero alam ko na if ever na mangyari nga na hindi pumayag si Janine, tutulungan ni Tito si Janine secretly.

"Ang lalim nang iniisip mo ah" Nagulat ako sa babaeng tumabi sa'kin. "Ikaw si Milly, 'di ba?" Tanong ko sa kaniya. Hanggang ngayon ay nalilito pa'rin ako kung sino ba si Lilly or si Milly sa kanilang dalawa. "Oo, ako si Milly. Nakakalito ba kami masyado?" Tanong nito. "Oo. Pero diba ikaw 'yung tahimik tapos si Lilly 'yung energetic? Sobrang identical niyo kasi eh"

"Marami nga nag sasabi niyan pero hindi ko sila masisisi. We are identical twins, after all. Pareho kaming straight ang buhok, pareho kaming maputi, and may nunal sa right side nang leeg"

"Try mo kaya mag pagupit, sure ako bagay sa'yo 'yun"

"Ayaw ko 'rin eh. Pinapahaba ko talaga ang buhok ko"

"Ahh" 'Yun nalang na sagot ko dahil hindi ko na alam sasabihin ko sa kaniya pero naroon pa'rin siya sa tabi ko. "By the way, napapansin mo ba na kung saan saan mo nalang makikita si Janine?" Nagulat ako sa tanong niya dahil akala ko ay ako lang.

"Napansin mo 'rin? Lagi ko 'rin siya nakikita na pareho ang suot at laging may dalang payong"

"Last week ko pa siya nakikita eh. Hindi ko alam kung siya ba talaga 'yon kasi iba 'yung pakiramdam ko sa kaniya. Alam mo 'yung parang hindi siya galing dito? Kakaiba 'yung aura niya"

Pareho pala kami nang nararamdaman dito. "Pero sabi niya hindi naman daw siya nalabas nang bahay nila nu'ng mga nakaraang araw kasi daw busy siya kakaayos ng mga gagamitin para sa club week" Dadag nito. "Kaya nga. Kilalang kilala ko si Janine. Never siya nag blue tapos halos wala na siyang gamit na color black. Other than that, bagsak na bagsak 'yung buhok nang nakita ko"

"Same. Wag kaya muna natin sabihin 'to sa iba. Mamaya kasi mag-alala sila at matakot. Hindi pa naman tayo sure kung sino ba talaga 'yun"

"Sige" Umalis na siya sa tabi ko at nag linis ulit. Umupo lang ako doon at nag antay pa at insip ang mga problema na kailangan namin harapin. May nararamdaman kasi akong paparating na problema at medyo kinakabahan ako. Hindi 'to normal sa'kin. Feeling ko may mangyayari talaga.

***********

Please Vote, Comment, Share and Follow me :3

Other accounts:
IG: Lynilynilyn28
Twitter: Lynilynilyn28
FB: Lynilynilyn Writes

Thank you :3

Reincarnation Series: Janine's Choice (Season 1)Where stories live. Discover now