Chapter 23

26 4 0
                                    

Janine's PoV

Ang familiar nu'ng kwento ni Milly. Isang Prinsesa at Mahirap na Lalaki. Pag tapos mag kwento ni Milly ay nag patuloy silang lahat sa pagkain. 'Yung iba, dumudoble pa ng kain. Ang sarap makita na masaya sila. "Janine, hindi ka ba kakain?" Bigla akong nilapitan at tinanong ni Ricko na may hawak na ngayon ng plato ng pagkain. "Hindi na. Hindi ako gutom eh"

"Kumain ka. Mahaba haba pa ang araw. May games pa diba? Tapos ikaw 'yung host? Hindi naman maganda na bigla ka nalang mang hina diyan" Pilit nito.

"Sige na nga" Sumama ako kay Ricko para kumuha ng pag kain sa long table namin. Sobrang onti lang ng kinuha ko at pinilit ang sarili kumain. Sa totoo lang, hindi ako gutom or anything kasi kumain na ako kanina kaso mapilit si Ricko kaya susundin ko nalang siya. Ayaw ko na nag aalala siya. "Sobra sobra ata ang ginastos mo para sa event na 'to. Hindi ba magagalit parents mo?"

"Bakit naman sila magagalit? Pera ko ang ginamit ko dito. Kalahati ng ari arian ko ay pinag hirapan ko and 'yung kalahati ay mana ko galing sa lolo ko. Hindi naman sila pwedeng mangialam sa mga pagmamay ari ko na binigay ng lolo ko"

"Wow. Heradera ka nga pala"

"Yup" After ng usapan namin, natahimik kami. Ang awkward naman nito. "Okay, everyone. Kapag tapos na kayong lahat kumain, start na tayo para sa last game!" Sigaw ng host na si Victoria.

Nag ayos na lahat at nag prepare para sa next game kung saan ako ang host. Habang papunta na ako para kunin ang mic, bigla akong hinatak ni Victoria. "Girl, diba nga si Kylie nalang ang mag ho-host dito? Napah usapan na natin 'yon ah. Kasi nga isa na'rin kayo sa players?"

"Oo nga pala" Tumabi nalang ako at binigay kay Kylie ang mic. "So, ito ang game na napag isipan ng ating sponsor ngayon na si ate Janine! Find your partner and get ready for our last game, paper dance!" Nag cheer lahat ng bata pati na'rin ang iba naming kasama. Naisipan ko lang 'yung paper dance kasi nagmamadali na kami at kailangan na namin ng extra na laro. Hindi ko alam pero ito 'yung naisip ko. Dapat ako ang host nito kasi ako nakaisip kaso sabi ni Kylie gusto niya na siya nalang daw at mas maganda kung isa ako sa mga players para makita ng mga bata kung paano laruin ang paper dance.

Pag tapos mag hanap ng partner ng mga bata ay isa isa silang lumapit sa ibang volunteers para kunin ang manila paper. "So, ang gagawin niyo lang ay sasayaw kayo sa labas ng manila paper at papatong ulit kayo pag tumigil ang tugtog. Ang ating Vice President and President ay handa na sumali para malaman niyo mung paano mag laro"

Nagulat ako sa sinabi ni Kylie dahil wala kasi 'to sa usapan namin. Tinulak kaming dalawa ni Ricko sa gitna kaharap ang manila paper na naka latag na. "Well, here we are na. Wala ng choice" Bulong nito. Nag start na mag patugtog ang iba at nag start na'rin kaming sumayaw. Tumigil at agad agad kaming tumalon sa papel. Isang tupi. Nag patuloy kami sa pag lalaro. Isang tupi ulit. Paliit nang paliit ang papel hangga't sa lumiit na 'to at kailangan ko nang kumapit kay Ricko. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko habang naka yakap lang kay Ricko. Ang mga kasama naman namin ay todo ang hiyawan sa aming dalawa at puro sila picture. Nag play ulit ang tugtog at tinupi namin ulit ang manila paper.

Marami na ang natanggal sa laro at tatlo nalang kaming naglalaban laban. Sa biglang pag tigil ng tugtog, hinatak ako bigla ni Ricko papalapit sa kaniya para buhatin ako pero nabigla ata kaya nadulas kami pareho at nalaglag ako sa taas niya. Hindi ko alam pero parang tumigil ang oras at hindi ko napansin ang paligid ko. Nakatingin lang ako sa magagandang mata ng lalaking kaharap ko. Kitang kita sa labi niya na sobrang pula ang ngiting sobrang ganda. Nag titigan lang kami doon hangga't sa tinapik na kami ni Kylie.

"Hoy, talo na kayo. Nadulas kayo oh"

"Huh?" Pareho kaming nagulat sa pwesto namin at agad naman tumayo at umalis sa harapan ng mga bata. "Sorry kung hinatak kita bigla. Akala ko kasi pag agad agad kita binuhat, hindu tayo matutumba" Saad ni Ricko habang natatawa sa kaniyang ginawa kanina lang. "Okay lang 'yon. Halata naman na gusto mo nang manalo" Nag ngitian lang kami doon at nanahimik lang.

Natapos na ang laro at may dalawang nanalo na. For ending remarks, kaming dalawa ni Ricko ang mag sasalita. "So gusto ko lang itanong kung nagsaya ba kayo. Masaya ba kayo?" Tanong ko sa mga bata. "Opo!" Sigaw nila ng sabay sabay. "Kami rin ay sobrang saya dahil nakasama namin kayo. Pero hindi dito nag tatapos ang event natin. May mga ipamimigay pa kami sa inyo at may sasabihin pa ang president natin" Pumila lahat ng mga bata sa harap ng isa sa mga lamesa kung saan nakalagay ang souvenirs nila. "Dahan dahan lang" Bulong ni Caleb sa mga bata. Hindi masyadong nag salita si Caleb sa event kasi siya ang nag aayos ng speaker, music at iba pa na may connection sa technology.

"Mga bata, itabi niyo ang mga school supplies niyo, ah? Dahil bukas, magkakaroon tayo ng study session. Excited kami na makasama ulit bukas" Nag paalam na kami isa isa sa mga bata at sinigurado ko na mahahatid sila ng maayos sa mga bahay nila. Habang kami naman ay nag linis na. "Wow, nakakapagod talaga 'yon!" Sigaw ni Justine. "Kaya nga eh. Nakakapagod pero ang saya sobra!" Sagot ni Lilly. "Excited na ako para bukas" Dagdag ni Caleb. "Same!" Sagot ni Victoria.

"Magaling ka naman pala mag salita sa harap ng mga bata eh" Lumapit ako kay Milly na ngayon ay nag lilinis.

"Oo, sa mga bata lang" Sagot niya. "Pero nanonood rin kami kanina"

"Alam ko, pero sa mga bata lang naman ako naka focus kaya kinaya ko"

"By the way, saan mo nakuha 'yung kwento mo kanina?"

"Imbento ko lang 'yon. Nu'ng nakita ko kayo ni Ricko na mag kasama, naisip ko bigla 'yon" Nagulat ako sa sagot ni Milly. Inspired 'yon saamin? Siguro coincidence lang 'yon. Hindi ko nalang pinansin at nag patuloy sa pag lilinis. "Mga volunteers, bago kayo umalis, may mga inihanda akong souvenirs para sa inyo" Pumila rin sila sa harap ko at binigay ko na sakanila ang mga bag isa isa. Natapos kami sa mga gawain namin at umuwi na silang lahat.

***********

Please Vote, Comment, Share and Follow me :3

Other accounts:
IG: Lynilynilyn28
Twitter: Lynilynilyn28
FB: Lynilynilyn Writes

Thank you :3

Reincarnation Series: Janine's Choice (Season 1)Where stories live. Discover now