Chapter 1

499 39 0
                                    

Year 2007. Philippines has advanced earlier. Messenger and other famous apps has been created and implemented.

_______

Janine's PoV

Janna Maxine Medina Javier or Janine for short. Anak mayaman and famous sa campus. Second year highschool palang ako pero gan'to na ang reputation ko. Pa'no ba naman, ako ang naging representative ng first years for modelling and I won against higher grade levels, and rich kid 'rin kasi. Nanalo 'rin ako against other first years sa debate club and ako lang naman ang pinakaunang first year na nag-champion sa Quiz Bee. I'm basically perfect. I'm obviously proud of it. I'm enjoying my perfect and wealthy life. Ako ang reyna ng campus, kaya 'pag nakita niyo ako, bow down to me peasants. Ako ang pinaka-mayaman sa campus, malaki ang binayad ni mommy dito at malaki 'rin ang donation ng family ko dito kaya ako ang favourite ng lahat ng teacher, maliban kay Madame Narissa, ang adviser ng 3rd year higher section. Ewan ko ba doon sa lolang 'yon.

Na'sa loob ako ng limousine ko ngayon at wala pa akong plano lumabas. Masyadong maraming plastic sa labas na nag-aantay ng pera. Tuwing ihahatid ako ni mommy sa campus, bibigyan niya ng pera ang mga students na naka-abang saakin. Sorry sila dahil hindi si mommy ang nag-hatid saakin. Yes, I love my reputation here pero nakakainis yung mga plastic na hingi ng hingi ng pera. To be honest, isa lang ang tinuturing ko na kaibigan and that is Christina. Mahiyain ang babaeng 'yon for some reasons and hindi siya plastic. Siya lang ang hindi nanghihingi saakin ng pera. She is very unique.

Inaantay ko siya ngayon na kumatok sa limo dahil gusto ko siya makasabay sa pag pasok. "Miss, ayaw niyo po ba pumasok?" Tanong sa'kin ni manong jep, driver ko. "Papasok ako. Inaantay ko lang si Christi" Pataray kung sagot. Ilang minuto nakalipas ay kumatok na'rin si Christi. "Shuta ka, ang tagal mo. Anong oras ka nanaman natulog kagabi?" Pataray kung tanong habang nalabas sa kotse. "Sorry naman, 'di ako makatulog kagabi eh" Sagot niya. "Nood pa anime. Halika na nga" Hinawakan ko ang kamay niya at sumandal sa braso niya. Mas matangkad siya saakin kaya enjoy na enjoy ako dito. "Miss, sunduin nalang kita sa parking lot mamaya" Sabi ni Manong Jep at tumango nalang ako.

Dere-deretso lang ang lakad namin ni Christi habang may mga gumi-greet saakin ng good morning. Akala siguro nila may ibibigay ako HAHAHA. Nginingitian ko lang sila dahil mabait akong tao. Nakarating kami sa classroom at umupo kami sa gitna ni Christi. Gustong-gusto ko sa gitna naupo dahil mas malamig, nakatapat sa air-con at kitang-kita ang harap, mabilis 'rin mapansin sa recitation. Oo, gan'to ako pero naka-focus pa'rin ako sa pag-aaral. Maraming plastic na babae at babaerong lalaki ang lapit ng lapit saakin pero wala akong pake sakanila. Hindi ko sila pinapansin. Wala akong boyfriend dahil mataas ang standards ko, kahit na gustong-gusto ni mommy yung bad boy sa school na si Charles Chu. Chinese play boy ng Campus. Mayaman kasi siya, kaibigan ng mga Medina ang mga Chu kaya gusto ako ipakasal ni mommy sakaniya kaso babaero at 'di marunong mag solve ng problem sa math, puro lang lokohan ang alam sa school, manloloko kasi. Ang gusto ko sa lalaki ay yung innocent, sweet, masipag, matalino, total opposite of me. Kahit hindi na mayaman basta matino.

Ilang minuto na nakalipas pero 'di pa'rin nadating adviser namin. Ang tagal naman, malapit na matapos 'yong homeroom hours. "Christi, sino ba adviser natin at bakit ang tagal niya?" Tanong ko sa babaeng katabi ko. "Si Madame Narissa Ledesma Padilla, and hindi ko alam kung bakit siya late" Sagot ni Christi. "Ano? Si Madame Narissa yung adviser natin!?" Gulat kung tanong. "Oo, Miss Janna Maxine Medina Javier. Ako ang adviser niyo ngayon" Sagot saakin ng babaeng naka violet na blouse at square pants na may pang lola na salamin. Siya si Madame Narissa Ledesma Padilla, ang pinaka kinakatakutan ko sa campus. Siya lang ang teacher na walang takot saakin. Hindi ko alam kung bakit may vibes siya na pang malificent pero nakakatakot talaga siya. "Umayos ka ng upo Miss Javier, kababae mong tao at ganiyan ka umupo" Sabi sa'kin ng matanda at umayos ako ng upo.

Reincarnation Series: Janine's Choice (Season 1)Where stories live. Discover now