Chapter 16

28 1 0
                                    

Kylie's PoV

Sawakas natapos na'rin 'yun. Nakakapagod na mag panggap mabait sakanila. Napaka dali nilang lokohin dahil sa sobrang bata kung mukha. Akala lang nila wala akong alam sa mga nangyayari. Pag tapos na pag tapos ng Presentation namin at meeting pati na'rin mini celebration ni Janine, dumeretso na agad ako sa classroom namin na kakarampot lang ang estudyante. Dumeretso nalang ako ng upo sa pwesto ko at hindi inintindi ang mga estudyanteng kasama ko. Napa isip isip lang ako. Talagang grabe nilang sinisisi si Ate Lexie sa pagkawala ng funds nila ah. Grabe rin nilang sabihing walang kwenta at tamad. For their information, masipag at mabait si ate. Matiyaga rin. Panira lang talaga ng buhay si Janine.

Napaka yabang na tao. Porket siya ang pinaka mayaman sa school, feeling reyna na agad. Hindi niya 'yon kinaganda. Mang-aagaw naman ng trono 'yan. Kaya lang naman siya favourite ng mga teacher kasi dindaan ng family niya sa pera. Bayad kasi mga teacher at higher school staffs dito. Madaya. Napa buntong hininga nalang ako at pinikit ang aking mata. "Pst! Kylie!" Binuksan ko ang aking mata at tumingin sa paligid ko para hanapin ang boses na tumatawag saakin.

"Kylie!" Sigaw ulit. Napatingin naman ako sa bintana ng classroom namin kung saan naka dungaw ang ate ko. "Ate?" Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas para lapitan ang napaka ganda ko na ate. "Ate naman. Wag ka naman biglaan nag papakita dito. Alam mo naman kung gaano kalaki ang galit ng mga co-members ko sa'yo, diba?" Mahina ko naman na sinabi. "Oo na, alam ko. Pero gusto ko lang malaman kung ano na nang yayari sa club" Sagot niya naman. "Hindi ba 'to makapag hintay?" Reklamo ko naman. "Wag ka na mag reklamo, sabihin mo nalang!" Sigaw niya naman.

"Wag ka nga sumigaw. Wala naman masyado. Nag yabang lang naman siya kasi sagot niya lahat ng bayarin para sa club week. Tapos nag order siya ng foods and nag yabang nanaman sa harap ni Madame"

"Ang lakas rin talaga eh. So may kakaiba ka ba na napapansin?" Tanong nito na medyo may kaunting ngiti sa labi. "Anong ibig sabihin mo?" Napatanong nalang ako bigla dahil wala talaga akong idea sa tanong niya. "Alam mo na, may kalandian ba siya na ginagawa?" Tanong nito ng mahina.

"May napapansin akong spark sa kanila ni Ricko pero hindi pa ako sure kaya wag ka muna gagawa ng kahit anong galaw" Napasigaw ko naman na sinabi. "Oo na. Pero pag may napansin ka na kakaiba sa kanila ni Ricko, sabihin mo agad saakin or kay Lynette"

"Oo na, sige na. Umalis ka na, baka makita ka pa nila dito" Tinulak tulak ko naman siya paalis hangga't sa nakababa na siya ng building. Tumingin ako sa paligid kung may nakakita ba saakin na taga YES O at swerte ko dahil wala.

Janine's PoV

Ano kayang magandang souvenirs or give aways para sa Club Week? Ano kayang foods ang magandang ibigay? Ang venue naman ay sa studio ko so no problem na siguro 'yon. Dalhin ko pa ba si lola Aila para mag luto or catering nalang? Ayaw ko naman mag order lang. Baka kailangan ko na tawagan sina mommy para sariling gawa ng company ang mga foods and souvenirs.

Nag patuloy ako ng paglalakad nang may ngiti sa mukha dahil sa sobrang excited ko para sa club week. Hindi ito ang first time na ako ang nag host para sa club week. Since elementary, laging ako or ang company namin ang host ng club week. Hindi lang ng iisang club, ng buong school mismo. Sure na sure ako na nagtataka 'yung ibang clubs kasi nag aayos sila for club week ng walang tulong galing sa'kin. Well, wala si mommy so wala silang maasahan sa'kin dahil limited lang ang powers ko sa company. YES O club lang ang sponsor ko ngayon.

Pupunta nalang ako ng company mamaya para mautusan ko na sila na ayusin ang mga gusto ko para next week. Dumeretso nalang ako ng classroom at binilisan ang pag lakad ko. Pag dating na pag dating ko dito, walang mga estudyante. Siguro break time na kasi kaya umalis silang lahat. Grabe naman sila, iniiwan nila na naka bukas 'yung pinto ng classroom. Hindi ba sila aware na baka manakawan sila? Napairap nalang ako sa inis at pumasok sa classroom at umupo sa upuan ko.

Napangiti ulit ako at napatingin nalang ako sa kawalan. So Ricko, bigla ko siyang naisip. Lagi nalang. I mean, literally every night and every day naiisip ko siya. I really don't know why pero tuwing nakikita ko siya or naiisip ko siya lagi nalang ako nang lalamig. I seriously don't know what this means pero kung ito 'yung iniisip ko, sana hindi. Hindi ako pwedeng ma-attach sakaniya or sino man sakanila. Ayaw ko masaktan, okay!?

Umiling ako at inalis ang mga 'yon sa mga isipan ko. "Oh, anong iniiling-iling mo diyan?" Tumingin ako sa pinto ng classroom at nakit ko na nakatayo at nakatingin sa'kin na may ngiti si Christi. "Wala" Sagot ko naman. "Sus. Anong wala ka diyan? Kilala kita girl. Anong iniisip mo?" Umupo si Christi sa aking tabi at nginitian ako na para ba na nang aasar siya.

"Wala nga. Iniisip ko lang 'yung club week" Sagot ko ulit. "Ahh, oo nga naman. Speaking of, mukhang walang sponsor mga clubs ngayon ah. Bakit?"

Tumingin ulit ako kay Christi at binigyan ko siya ng tingin na parang galit. "Ano ka ba? Alam mo naman na umalis ang Parents natin for overseas business. Siyempre, wala sila so wala rin sponsor"

"Oo nga naman. Pero diba may control ka pa rin naman sa company niyo? Bakit hindi ka nag sponsor? Alam mo naman 'yung mother mo. Alam mo ang magiging reaction ni Tita Roxanne pag nalaman niya na hindi ka nag sponsor"

"I know, I know. Pero ako naman ang host ng YES O so hihingi pa rin naman ako ng tulong kina mommy so...may excuse pa rin ako"

"Fine, fine. Wag mo lang ipaalam sa mother mo na part ka ng YES O club kasi alam mo na HAHAH"

Nag tawanan nalang kami ni Christi at nag usap about sa plano namin sa club week and sa mga nangyayari saamin.

***********

Please Vote, Comment, Share and Follow me :3

Other accounts:
IG: Lynilynilyn28
Twitter: Lynilynilyn28
FB: Lynilynilyn Art

Thank you :3

Reincarnation Series: Janine's Choice (Season 1)Where stories live. Discover now