Chapter 4

132 32 0
                                    

Janine's PoV

Inagahan ko ulit ang pasok ko dahil pupuntahan ko ang principal namin. Ipapaalam na ni madame yung pinapagawa niya saakin. Dere-deretso lang ako hanggang sa principal's office ng walang pinapansin. Since kailangan ko na sundin ang school rules, ibig sabihin noon ay kailangan ko 'rin sundin ang school dress code. Maraming nagulat so suot ko pero 'di ko muna pinansin dahil kailangan ko makarating sa principal's office.

Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto ng office at nakita ko andoon na si madame at yung principal. "Good morning po" Mahina kung sinabi. "Wow, talagang sinusunod mo na ang dress code. Akala ko nakikipag lokohan lang si Madame Narissa" Sabi ng principal. "Ahh hahaha. You know, new year, new me?" Sabi ko at umupo sa harap ni Madame Narissa. "So, ano 'tong sinasabi ni Madame na sasali ka daw sa YES-O officers dahil lumabag ka sa rules. Alam mo naman na okay lang saakin 'yon dahil favourite ka namin" Sabay ngiti ng principal. Napatingin ako kay Madame at mukhang hindi siya impressed sa sinabi ng principal. To be honest, masyadong pahalata na mukhang pera HAHAH. "Ahh. Opo. Since it is against every rule ang pag disrespect sa mga teachers or elderly, I'm willing to take the punishments na ibibigay ni Madame Narissa" I politely answered. Plastikan muna tayo for one month. "Are you sure? Wouldn't it trouble you? Marami ka rin clubs na sinalihan and I'm pretty sure gusto mo rin sumali sa iba pang curricular activities" Halatang ayaw ako parusahan eh. Baka kasi 'di na bayaran ni mommy. "No, it will not trouble me. I am very willing to take the punishments and maybe mas makakabuti 'to saakin" Magaling ako mag acting HAHAHA. "O sige, kung willing ka rin naman. I agree to all this" Nakita ko ang saya sa mata ni Madame Narissa and that made me laugh. Itong lola na 'to myghad.

Lumabas na kami sa office and sabi saakin ni Madame ipapakilala niya ako sa anak niya, I mean sa mga officers. "Good morning guys" Greet ni Madame sa mga students. "Good morning, Madame" Sagot ng mga studyanteng naka green. "May ipapakilala ako sa inyo pero sure ako na kilala niyo na siya" Then pumasok ako sa loob ng office nila, and I must say ang ganda and ang linis. What do you expect sa mga YES-O students. "Hi" Sabi. Ang awkward shuta. "So, alam ko na ang iba sa inyo fan niya, pero please lang wag niyo siya masyadong i-pressure" Sabi ni Madame at ngumiti saakin. Thank you, omg baka 'di ko kayanin pag ginulo nila ako. "I'll leave her with all of you, okay? And antayin niyo lang si Ricko, dadating rin 'yon. Oh, libre ka tuwing Homeroom para makilala pa sila pero bumalik ka sa classroom before science class" Remind saamin. Then umalis na si Madame.

"So, nakakagulat nag join ka dito, I mean diba may mga clubs ka na sinalihan? And diba may election section niyo ngayon?" Tanong ng lalaking umupo sa tabi ko. Hala. Oo nga. "Omg. I'm sorry pero babalik na ako sa room"

Mabilis akong tumakbo papunta sa building namin and umupo ako agad sa upuan ko. "Buti naman at nakarating ka na. Andito na si Madame kanina pa, mag ready lang daw muna kami" Mukhang nagtatampo ata 'to. "Okay, hindi ako late. Hindi lang ako nakarating sa room agad kasi may inayos pa kami sa principal's office and you know, ako na ang bagong vice president kaya pinakilala muna ako ni madame sakanila. Pero I'm here na" Sabay yakap ko sakaniya.

"Okay, class. Nakapag isip isip na kayo diba? Okay, the nomination for President is now open"

May isang estudyante na nag taas ng kamay niya. "Yes, miss Velasquez"

"I nominate Lexie Radam for President" Sabi nito. "Okay, anyone else?" Tanong ni madame. Nag taas ako ng kamay. "Yes, miss Javier"

"I nominate Christina De Luna for president" Confident kung sinabi. Sure ako na mananalo si Christina dito. "Alright. Anyone else?"

"No one? Okay, nomination for President is now close. Raise your hand if you vote for miss Radam" Kaunti lang ang nag taas ng kamay. "Alright, 10 votes. Raise your hand if you vote for miss De Luna" Halos lahat ng students nag taas ng kamay. Told ya. "Our class president is Miss Christina De Luna and our Vice President is Lexie Radam. Punta kayo dito sa harap for picture taking" Napatingin ako sa Velasquez at Radam and mukhang disappointed sila. Well, who would go against the queen. "Sit down every one and let's continue"

Nagtuloy tuloy ang nomination until umabot na sa Muse and Escort. For some reason nag taas ng kamay si Christi. "I nominate Janna Maxine Javier for Muse" Sigaw niya. At umupo siya. "Christi, anong ginagawa mo??"

"Duh, hindi lang ako ang dapat part ng officers, kailangan andoon ka'rin" Sabi nito at ngiting ngiti pa. Wala ng nag nominate pa dahil lahat sila boto saakin. Hay nako. "Okay. Our Muse is now Miss Javier. Nomination for Escort is now open" Walang nag taas ng kamay since wala silang kilala na partner para saakin pero nag taas naman ng kamay si Christi. "I nominate Charles Chu for Escort" Sigaw niya ulit. And since wala ng nag taas ng kamay, kami nanaman ang escort at muse. "Our muse is Miss Javier and our escort is Mr. Chu. Punta kayo sa harapan para sa picture taking" Napilitan nalang ako pumunta sa harapan and nagsi-hiyawan ang mga classmates ko. First time ko silang narinig mag salita as in. I am not enjoying this pero si Charles, halatang halata ang pagiging malandi. Ngumiti nalang ako at nag padala sakanila.

Ilang oras na nakalipas at tapos na ang klase, pero hindi pa ako uuwi. Dumeretso ako sa office ng mga YES-O officers para ituloy ang introduction namin. Binuksan ko ang pinto and shocking, ang dami na nila. "Hello?" Tanong ko at nag tinginan sila saakin. "Ay, welcome back Vice pres" Sigaw ng lalaking naka upo sa harapan ng mahabang table, kung saan maraming colored papers at cartolina. May iba pang studyante ang naka upo malapit sakaniya na may hawak na gunting, glue, at iba pang art materials. "Siya yung bago nating member!?" Sigaw nung isang babae. "Oo, pero kumalma ka dahil sabi ni Madame wag siya i-bother about sa pagiging sikat niya, okay?" Sagot naman nung isang babae. "Halika, pasok ka kaya, baka pumasok yung init" Pumasok nalang ako at tinignan ko ang mga ginagawa nila. Poster ata 'to. "Uhm, so. Kaninang umaga hindi tayo nagkaroon ng introduction, kung pwede ituloy natin ngayon kasi gusto ko kayo makilala" Hindi ako sanay sa mga ganito lalo na't hindi ito maingay na club, 'di tulad ng Debate Club. Kaya medyo awkward. "Ahh sige, ako na mag-sisimula. I'm Victoria Agustin, ang secretary ng YES-O"

"And I'm Caleb Ang, mahiwagang Treasurer ng YES-O" Sabi nung lalaking naka upo. "I'm Lilly Cruz, Auditor of YES-O Club" Sabi nung babaeng sumigaw kanina. "I'm Milly Cruz, P.I.O of YES-O Club. Twins kami" Sabi naman nung isa. "I'm Justine Angeles, P.O ng YES-O" Sabi naman nung isang gwapo na lalaki. "Si president wala pa kasi sinundo niya yung Representative ng 1st year"

Dahil ako ang Vice President, tumulong ako sa ginagawa nilang banner para sa magiging event ng school. Maraming bagong buildings ang tinatayo ngayon kaya mas marumi ang campus, kaya next week iikot kami sa buong school para ipakalat ang balita about sa paglilinis ang so on. To be honest, nag-eenjoy ako ngayon. And biglang pumasok ang President namin. "Hi guys, sorry kung late. Naki-meeting kasi ako sa ibang officers kaya late pero andito na ang representative ng first year"

"Hi, I'm Kylie Velasquez" Greet nung bata. Ang cute cute niya. "Kylie, halika tulungan mo kami sa pag design" Sabi ni Victoria. Lumapit naman saakin yung President at tinitigan ako. "Uhm, may problema ba?" Tanong ko. Nakaka-conscious kaya titigan ng lalaki. "Ah, wala. Ngayon lang kasi kita makikilala ng lubusan. Famous ka pala dito. Sure ako na kilala mo na ako. By the way, thank you pala nung nakaraan" Tuloy tuloy niyang pagsasalita. Ano ba 'to, parang walang punctuation marks pag nagsasalita, ang bilis. "Ahh, it's nothing. Pwede mo bang i-explain yung mga kailangan kung malaman as Vice President?" Tanong ko. Syempre wag muna tayo lumandi. Alamin muna ang mechanics. "Ay, oo nga. Halika, hayaan mo muna sila diyan. Turuan muna kita" And then tinuruan niya nga ako hangga't sa matapos ang Club hours namin at nakauwi kaming lahat ng maayos.

_-_-_-_-_-_-_

Please Vote, Comment, Share and Follow me :3

Other accounts:
IG: @Lynilynilyn28
Twitter: @Lynilynilyn28

Thank you~

Reincarnation Series: Janine's Choice (Season 1)Where stories live. Discover now