Chapter 42

19 1 0
                                    

Ricko's PoV

"Dapat sabihin mo na agad kay Janine 'yan since taga Javiera naman pala 'yung tumawag sa'yo" Saad ni Victoria na may halong sigaw.

"Wag mo nga lakasan boses mo and kakasabi ko lang, kapag nag salita ako  baka kung ano pa gawin niya kay Dina. Hindi ko nga alam kung pwede ko ba sabihin sa inyo eh" Sagot ko habang nakaupo sa desk ko na halatang may malaking problema.

"Fine. Don't worry, hindi naman namin ilalabas 'to ni Caleb eh. Basta kami lang nakakaalam" Dagdag ni Victoria. "Pero kailangan malaman 'rin ni Janine 'yan"

"Kaya nga. Syempre kailangan malaman ng heiress ng Javiera ang about sa magiging future employee niya" Dagdag naman no Caleb.

"Pero anong magagawa ko? Kapag lumapit ako sa kaniya, alam nu'ng tumawag"

"Chat mo! Alangan namang mabasa 'yan ng spy" Suggest ni Victoria na confident na confident sa sinabi niya.

"Pwede naman kaso hacked 'yung phone ko. Obvious naman na may experience sa technology 'yung babaeng tumawag"

"True. 'Wag mo muna kaya problemahin 'yan. I mean, alam ko naman kung gaano mo kamahal si Janine pero kailangan mo muna isigurado na ligtas si Dina" Sagot niya.

Totoo ang sinabi ni Victoria. Mas mabuti na isipin ko muna ang safety ni Dina hangga't sa gumaling siya and then iisipin ko na kung paano ko sasabihin kay Janine ang tungkol dito nang hindi nalalaman ng tumawag.

"May club meeting ba tayo?" Tanong ni Milly na kakapasok lang sa classroom kasama si Justine at ang kakambal niyang abala sa cellphone nila.

"Huh? Wala. Bakit?" Gulat na tanong ni Caleb. "Wala lang. Nag tipon tipon kayo eh"

"May napapansin talaga ako sa inyong tatlo" Agad agad na binanggit ni Justine at pare-pareho naman kaming kinabahan. "A-ano naman?" Nauutal kong tanong.

"Napapansin ko na tuwing umaga, lagi kayo nag titipon tipon kapag umaga tapos kapag narito na kami, bigla kayo babalik sa mga pwesto niyo. Anong secret niyo?"

"Psh! 'Wag mo na pansinin 'yon" Saad ni Caleb at umupo na kami sa pwesto namin. Hindi na nakapag salita si Justine dahil dumating na ang teacher namin.

~~~~~~~~~~~~

Janine's PoV

Akala ko talaga okay na ang lahat. Akala ko I am free to love whoever I want pero parang hindi. Napansin ko lang sa mga lumipas na araw at buwan, hindi ako masyadong kinakausap ni Ricko. Everytime na mag bibigay ako ng invitations sa kanila to come to my house to hang out or just to go somewhere fun, he'd refuse. Siguro ako lang 'yon pero parang iniiwasan ako ni Ricko or should I say, iniiwasan niya talaga ako.

After umalis ni mommy, hindi na ako pinapansin ni Ricko. I tried asking the other members pero sabi nila pabayaan nalang daw dahil baka wala lang siya sa mood and stressed lang. Ang tagal niya naman nawala sa mood. I'd chat him multiple times and he won't reply. Kinakausap niya lang ako kapag kailangan or about sa club.

Madalas niya na'rin tanggihan mga binibigay ko. Hindi niya na'rin ako pinapayagan sumama sa kanila para bumisita kay Dina. Ang sinasabi niya, hindi na daw kailangan or hindi na daw pwede na maraming visitors sa hospital. Psh! Distant relative ni daddy may ari ng hospital na 'yan kaya alam ko talaga kung ano ang bawal at pwede diyan. Hindi ko nalang binanggit kasi ayaw ko naman isipin nila na napaka yabang ko.

I tried to talk him out of it pero ayaw niya talaga ako kausap. Tinanong ko na'rin si Madame Narissa and she said just to leave him be. Marami daw kasi pinag-dadaanan tulad ng pagod sa trabaho, 'yung point na kailangan niya mag hirap kasi gusto niya mag maintain ng grades tapos hindi pa daw mabigay 'yung surgery kay Dina dahil hindi daw enough 'yung budget nila para doon.

Reincarnation Series: Janine's Choice (Season 1)Where stories live. Discover now