Chapter 5

125 34 0
                                    

Janine's PoV

Ilang araw na ang nakalipas since nung maging Vice President ako. And today is Friday and wala kaming pasok bukas dahil Weekends na, excited na ako. Every Friday daw excuse ang mga YES-O officers sa klase na sa buong araw which is great, ibig sabihin nito ay wala kaming gagawin. Depende nalang kung busy ang pagiging YES-O. Nag decide ako na magsuot ng green ngayon para naman mag blend in ako sakanila. Wala kasi silang customed shirts 'di tulad ng Art and Debate Clubs. Plano ko na pagawan ng sariling shirt ang YES-O club para naman maganda tignan. Yes, mabait ako. To be honest, ang warm ng YES-O club HAHA. I really am loving it here. Even though three days palang ako dito. Sa July pa ang uwi nila mommy kaya hindi ko pa sinasabi sakaniya 'to and yeah nag agree ako sa sumali sa club para hindi ipaalam ni Madame Narissa ang mga ginagawa ko sa school kay daddy pero I am pretty sure magiging proud siya pag nalaman niya na sumali ako dito. "Manong Jep, from now on uuwi nalang ako mag isa or tatawagan nalang kita pag uuwi na ako" Sabi ko kay Manong Jep habang nasakay sa Limo. "Bakit po miss? Baka po pag ginawa ko 'yan pagalitan ako ni Manang Aila" Takot nitong sinabi. "Don't worry. Hindi ako mag-stay sa school ng walang dahilan. I'm part of a club and we have club hours every after class" Nakangiti kung sinabi. "Ahh ganoon ba? Sige miss. Basta po tawagan niyo agad ako pag may problema" I feel so reassured kasi ang babait ng mga employees nila mommy.

Ilang minuto rin ay nakarating na ako sa campus. Thank God, walang students sa labas. Kahapon, bago ako lumabasa sa office ni Principal Lila sinabi ko sa kaniya na wag hayaan yung mga students na mag stay sa labas para antayin ako para lang sa pera kasi it is such a bother for me.

Okay, I know I said ang gaan sa pakiramdam na walang tao sa entrance pero ang weird kasi ang tahimik. Dumeretso na ako agad sa office and nakaka shock dahil wala pang tao. It's already 6 o' clock. Hinayaan ko nalang at nag tingin tingin sa office. Napansin ko ang isang matangkad na black board sa corner ng office and it seems that eto ang mga naging YES-O officers. Nakita ko ang year 2006-2007, nakita ko ang picture ng familiar na tao under the picture of Ricko. So ang former vice president pala ay si Lexie Radam, which is our Vice President. I feel like magiging kaaway ko 'to since ako ang pinalit sakaniya sa isang malaking pwesto na 'to sa YES-O. Well, it's only for a month anyway. Pwede siya bumalik kung gusto niya.

"Oh, good morning. Ang aga naman ni miss vice pres" Biglaang sabi ni Victoria. "Shit. Akala ko kung sino, wag ka naman mang gulat" Tawa ko. Binalik ko ulit ang tingin ko sa board and tumingin rin si Victoria. "Ay, sorry" Bigla niyang tinanggal yung picture sa ibaba ng label na "Vice President". "Hindi pa namin napalitan HAHAHAH" Dagdag niya. "Uhm, siya yung dating VP? Bakit siya natanggal?" Though ako ma'n ang dahilan, I am pretty sure hindi siya agad agad tatanggalin ni madame kung wala siyang nagawang mali. "Ahh. Nung siya pa kasi yung VP, napaka walang kwenta niyan. Pareho sila ng best friend niya na si Lynette na dating P.O, pero umalis rin siya. Tuwing may activities kami, wala siyang natutulong, pag may charities kami, wala siyang donation. Si Ricko nga kahit maraming bayarin may donation pa rin. Andiyan lang siya pag nananalo ang club namin. We were looking for the chance of kicking her out kaso walang gusto pumalit until ngayon. We are so lucky ikaw ang VP kasi malaking tulong ito saamin" Ngiti niya. Wow. Malaking tulong pala ako dito. Sadly, one month lang ako dito. "Well, medyo okay rin na andito ako since tahimik and active yung grupo unlike sa Debate puro sigawan and sa Arts halos walang tao HAHAH"

We had small talks pinag uusapan lang namin yung mga ginagawa nila dati. And yung activities nila.

Dumating rin yung ibang members after. "Pres. Wala pa yung picture ni Janna Maxine at ni Kylie sa board" Sigaw niya sa lalaking kakapasok lang sa office. "Victoria, Janine nalang itawag niyo saakin" Sabi ko. I mean ang weird pag tinatawag ako sa birth name ko. And I think they will be good friends. "Ay, oo nga pala. Janine, gusto mo picturan namin kayo ngayon or kailangan mo muna ng magandang lighting or mag hire ng photographer?" Pabiro niyang sinabi. Aba. Stereotypical kang hayop ka. "Ah, no need for that. I have my own natural beauty" I smirked. It's true though. Hindi ako gumagamit ng make up pag napasok sa school. Maybe light blushes and light lipstick but no foundation or eyeshadows since maputi na talaga ako. "Nako, lalo atang lumamig dito dahil nag pahangin si miss vice president" Sagot niya naman habang yakap yakap ang sarili, kunwari ay malamig. "Halika, yakapin kita. Para naman maging warm ang paligid mo dahil sa sobrang hot ko" Banat ko naman. "Hay nako, tama na 'yang landian na 'yan. Marami pa tayong gagawin" Sabi ni Kylie. "Tama si Kylie, VP and P. Kailangan na natin tapusin yung banner natin for next week" Dagdag naman ni Milly. Nagsi-tawanan naman kami at tinuloy na namin ang mga gawain namin.

Medyo awkward kanina dahil ang landi rin ng lalaking 'to. Girl, wag ka ma-fall, anak 'yan ni madame Narissa. Masungit ka, masama ka, 'di ka magugustuhan niyan. One month kalang dito. Sinabi ko sa sarili ko. Natapos namin ang mga ginagawa namin at nag papahinga kami ngayon. Then naalala ko ang idea ko ko kanina. Pumunta ako sa harapan para mag salita. "Uhm, guys. May idea lang ako" Tumingin silang lahat saakin. "You know, yung ibang clubs may sarili silang club shirts, I was wondering kung gusto niyo rin ba?" Nagkaroon ng mahabang katahimikan at nag tinginan sila sa isa't isa. "Its okay kung ayaw niyo-"

"What do you mean? Of course gusto namin" Sigaw ni Lilly. "Kaso we don't have enough money for it. Hindi enough yung pera na naipon namin last year. Right, Caleb?" Dagdag naman ni Justine habang nakatingin kay Caleb. "True" Sagot ni Caleb. "Well, you don't have to pay. Sagot ko lahat. All I need is your measurements then may custom T-shirts na tayo" I enlightened their sad faces. "Sure ka ba diyan? I mean, you are very rich but ayaw namin mag mukhang pera or baka isipin mo na in-accept ka namin dito para sa pera and fame mo" Sabi naman ni Ricko. "Oh no no. I insist. I really really want us to look presentable and perfect. Pero 'di ko sinasabi na hindi kayo presentable pero I am sure you get my point"

"Sige, kung ikaw rin naman may gusto. We agree"

"Alright, tatawagan ko na agad bukas yung company para sa Monday ready na ang damit. And kung pwede bukas pumunta kayo sa bahay for your measurements and a let's have a little bit of fun. Pakilala ko kayo sa best friend ko" Oh god I sound so nice. I hate it so much. Masyado akong nakain ng positive energy nila. "Sige punta kami bukas" Sagot ni Caleb.

"May FB kayo diba?" I asked. "Yeah lahat kami meron" Sagot ni Milly. "Gagawa ako group chat natin para makapag communicate tayo through mobiles" I am enjoying this too much. "Wow. You really are a perfect for this position" Sabi ni Justine. "Sobrang responsible mo and ang bait mo pa" Dagdag niya. "Thanks. It's kind of part of my nature" I replied. "Tama na 'yan, humahangin ulit HAHAH" Sabi ni Ricko. "Hays. Ewan ko sa'yo mister Padilla" kinurot ko siya sa tagiliran niya. "Aray naman HAHAHA" Sigaw niya. "Ops, bawal landian dito, sumbong kita sa mama mo Ricko" Sabi ni Caleb. At nag tawanan naman kami. I seriously blushed a little pero 'di ko nalang pinansin.

_-_-_-_-_-_-_-_-_

Please Vote, Comment, Share and Follow me :3

Other accounts:
IG: @Lynilynilyn28
Twitter: @Lynilynilyn28

Thank you :3

Reincarnation Series: Janine's Choice (Season 1)Where stories live. Discover now