Chapter 9

72 9 0
                                    

Ricko's PoV

Hinatid kami ni Janine sa bawat bahay namin pero nag pahatid ako sa Hospital malapit sa school namin. Ako na kasi mag babantay kay Dina. Dala dala ko ang isang malaking eco bag na puro laruan ang laman. Sure ako magugustuhan 'to ni Dina.

Medyo mag didilim na kaya binilisan ko ang pag lakad papasok sa Hospital. Pag pasok ko ay dumeretso ako sa elevator, may kasabay ako na nurse at nginitian ko lang. Pinindot ko ang button ng 7th floor sa Elevator at umandar na pataas. Nagkaroon ng ibang stops sa ibang floors dahil marami 'rin ang aakyat.

Nakarating na ako sa kwarto ng kapatid ko and naabutan ko pa si mama sa loob. "Oh, kamusta naman gala niyo?" Tumayo si mama sa upuan na na sa tabi ng higaan ni Dina. "Okay lang naman, ma. Kumusta si Dina?"

"Okay lang naman siya. Sabi noong doctor nag improve naman daw health niya" Nakita ko ang ngiti ni mama na halatang masaya siya sa good news na 'yon. Kahit ako napangiti 'rin. Miss ko na si Dina at halos isang taon na siyang confined sa hospital na 'to. Noong ten years old siya, biglaan siyang inatake kaya kinailangan siyang ma-ospital.

"Uuwi na muna ako, ha? Marami pa akong tatapusin. Ikaw muna mag bantay kay Dina" Niyakap at hinalikan ako ni mama sa pisnge at umalis na'rin siya. Tulog pa si Dina kaya mamaya ko nalang ibibigay 'yung laruan.

Umupo ako sa upuan na malapit sa bintana at itinabi 'yung laruan sa lamesa. "Mabait naman pala siya" Tahimik kung sinabi. Noong una talaga akala ko attitude 'yung babaeng 'yon. May soft spot naman pala talaga siya. Nag daydream muna ako habang inaantay gumising si Dina.

"Kuya?" Nauutal na pag bigkas ng babaeng kapatid ko. "Good evening haha" Tumayo ako sa kinauupuan ko at humarap sa kapatid ko na kakagising lamang.

"Kuya, asan si mama?" Tanong naman nito habang sinusubukan umupo. "Umuwi na. Marami pa kasing gagawin kaya itong gwapo mo na kuya muna ang mag babantay"

"Ewan ko sa'yo" Tumawa siya. Talagang gagawin ko ang lahat para marinig lang 'yung mga tawa niya. Malapit na birthday niya, sayang hindi siya makakapag celebrate sa mall. "Ano 'yang dala mo, kuya?" Napatingin naman siya sa plastic na malaki sa lamesa.

"Eto? Mga laruan" Pinasa ko ang plastic na puno ng mga laruan sa kapatid ko at kitang kita sa mga mata niya ang saya. Sobrang nakaklambot ng puso pag nakikita ko siyang masaya. Almost one year ka ba naman stuck sa hodpital, puro tasteless foods ang nakaka kain mo at paulit ulit na cartoons ang nakikita mo. Nag sasawa na siya sure ako.

"Saan mo naman 'to nakuha? Ang daming stuff toys!" Sigaw niya habang niyayakap niya ang mga stuff toys. "Napanalunan ko 'yan sa Tom's World kanina" Kinuha ko naman ang isang plastic na Lego House ang laman. "Eto, diba gusto mo nito dati pa?"

"Diba mahal 'to? Dapat 'di ka na bumili. Alam mo naman na marami tayong gastusin eh" Malungkot niyang sinabi habang binabalik saakin ang laruan.

"Wag ka mag-alala hindi ko 'yan binili. Regalo sa'yo 'yan ng schoolmate ko" Sagot ko naman habang binubuksan ang box ng Lego House.

"Sinong schoolmate? Sina ate Victoria?" Tanong niya habang tinutulungan ako mag tanggal ng mga gamit sa box ng laruan. "Hindi. Classmate ko si Victoria. May bago kaming kasama sa club. Janna Maxine ang name"

"Diba ayun 'yung kinukwento ni ate Victoria na mayaman at maganda daw? Ang bait niya naman para bigyan ako nito. Sabihin mo salamat ah" Ngumiti naman siya at nag patuloy sa pag bukas ng laruan. "Halika, sayang naman kung hindi mo malalaro 'yan. Dito tayo sa baba para may space pa"

Janine's PoV

Medyo late na ako nagising and I think 9:30 na ngayon. I wonder kung nabigay na ni Trixia 'yung designs. I took my phone sa tabi kahit na napikit pikit pa ang mata ko. Pag bukas ko sa cellphone ko, medyo na silawan ako sa super taas na brightness ng cellphone ko. Nakalimutan ko ata ibaba kanina. Nakapatay pa man din 'yung ilaw ng kwarto ko.

I opened my Gmail to see kung nag send na nga ba siya. No messages. Ano bayan, kelan ka mo ba ibibigay. Psh! Binuksan ko nalang 'yung messenger ko and maraming unread messages sa GC ng school, GC ng classroom, pati na 'rin kay Christi. Pretty sure puro memes lang yung messages ni Christi and puro kalandian lang 'yung sa GC ng school.

I checked our classroom GC and puro kailangan lang naman sa room 'yun. Wala naman ako doon sa Monday since ihahanda namin mga kailangan namin for our club presentation. Speaking of, walang messages 'yung GC namin. I wonder why. I checked and still no recent messages. I guess pagod rin sila sa gala namin kanina. I read Christina's messages and as expected, puro memes and updates about sa resto nila. Kudos on her for managing the restaurant on her own.  Si mommy and daddy naman nag message sa family group chat namin saying na extended na naman work nila kaya wala muna sila sa Philippines ng ilang buwan. Kailan kaya ulit sila free sa trabaho nila. I really miss them.

YES-O Cuties

Musta naman guys?
Bakit ang tahimik ng GC?
Wala pa 'yung designs
Ang tagal kasi ng designer ko.

Victoria the Victorious Secretary:
Eto. Pahinga pahinga. Tinatapos mga gawaing bahay

Justine the Queerest PO:
Okay lang yun, Janine.
Take her time kamo

Asan 'yung iba?
Mukhang mga pagod kayo ah HAHAHAHAHA

Lilly the Auditor Cutie:
Tulog si Milly shshshshs

Seen

Mukhang pagod nga silang lahat. Nag decide nalang ako mag scroll sa facebook and tignan 'yung mga memes and shit posting ng mga classmates ko dati and ngayon. Biglang tumunog 'yung phone ko and sabi sa notification, may message si Trixia.

Sorry it took so long, miss Javier. Here are the designs as you and your members requested. I decided on two designs and I'd like you to choose.

*Insert photos*

I sent the choices to our GC already and nag agree naman kami sa pinili namin na design ng shirt and we all think na maganda nga naman. In fairness, Trixia did a good job. Well, what did I expect? Kahit na napaka matapobre at walang hiya ng babaeng 'yun, magaling naman siya sa trabaho niya.

The group has decided on a design, Trixia. I expect the shirts to be done by tomorrow. We will be needing it by Monday.

*Insert photo*

Now na tapos na ang lahat, makakapag pahinga ulit ako. Bumalik ako agad sa tulog ko dahil medyo inaantok pa 'rin ako. Gumising lang naman ako para sa designs eh. Wala na 'rin naman akong kausap since busy si Christi sa kakanood ng anime and lahat ng members tulog na.

***********

Please Vote, Comment, Share and Follow me :3

Other accounts:
IG: Lynilynilyn28
Twitter: Lynilynilyn28
FB: Lynilynilyn Art

Thank you :3

H

ey people! I'm back. The design was created by me uwu. Sorry for the late updates ayaw maki cooperate ng Wattpad saakin shshsh.

Reincarnation Series: Janine's Choice (Season 1)Where stories live. Discover now