Episode 2

1.3K 123 242
                                    

Episode 2 : Medical mission

__
Don't forget to comment, vote, and share the story! Happy reading and happy 4 years of writing stories for MayWard to me! To more stories to write! Cheers! ✈️
__

This time of the year, sa Mindanao kami gagawa ng medical mission. LolaNey and some doctors had an arrangement with the locals from this island called Camiguin. Hindi pa ako nakakapunta roon but it is said that it is very popular to tourists. Maganda raw kasi ang dagat and maybe the place it self. I am excited, honestly. One thing about going and joining such events is that you get to experience different culture in every place that you visit! Parang namamasyal ka na lang din.

13 years old lang ako nang pinayagan ako ni Nanay na sumama sa mga malalayong medical mission ng pamilya namin. Nakagisnan na rin kasi ito nila Lolodok simula pa noong una! And right, kahit na hindi man sa medical field si LolaNey, naeenjoy niya rin ang mga ganitong gawain!

"Attorney! Sorry ngayon lang, mediyo traffic!" tugon ng isang kasamahan naming doctor. She's Aunt Fenech, Nanay's close friend way back in college. School head doctor siya ng College department ng school namin, isa siya sa mga doctor na kasama namin sa Medical mission. "Sila Kristine po?" tanong niya.

Dr. Kristine, is also one of Nanay's close friend in medical school before. Isa siya mga resident doctor sa private hospital na pagmamay-ari ni Lolodok.

"Baka na traffic din! We have time pa naman, don't worry!" si LolaNey

"Hi, Eero! Good thing, kasama ka namin ulit ngayon! The more you grow, nakukuha mo na feature ng Tatay mo ah! Pogi as usual!" ani Tita Fenech pagkatapos kong magmano sa kanya at bumeso.

"Sakto lang po tita! Humble dapat tayo diyan!" ngising sabi ko kasi iyon naman ang turo sa akin ng Tatay ko at mga tito ko, humble daw dapat kahit nagsusumigaw ang kagwapuhan! Okay.

Bahagyang natawa si LolaNey. "He is doing this to atone for his sins! Magiging panata niya na ito!" si LolaNey at natawa naman agad si Tita.

Grabe naman talaga. Ganito rin talaga iniisip nila Nanay, e. Mag-ina talaga sila. Geez. Atone for my sins? What sins are they even referring to? Ang bait ko pa nga! Isa pa, alam ko naman na kaya ako sinasama sa mga ganitong medical missions ay para na rin maging mabuting halimbawa sa mga kabataan na gumawa ng kawang gawa! And well, to practically stop me from partying since it's summer, what can I say!

"Hello! Sorry late!" And here comes Dr. Kristine, and now, mabuti na lang hindi niya kasama ang anak niya.

Hindi naman sa naging ex ko iyon pero crush ako non and sobrang kulit. Possesive level! Hindi ko nga ginawang jowa iyon, e. Nanay said never, as in never, be in touch with her friend's daughters! Grabe, 'di ba? Nanay ko ba iyon?

May isang doctor pa kaming kasama. Si Dr. Manuel, mediyo matanda na siya and family friend na rin.

With 3 Doctors, 5 nurses, isang Attorney, at isang poging kagaya ko! Heto na nga, simula na ng medical adventure namin sa Camiguin and trust me, I can only hope for the best!

Mediyo matagal ang biyahe via plane but at last, inabot na rin namin ang lugar.

Mediyo malayo nga ito sa kabihasnan at totoo, sobrang init.

"Welcome to Camiguin Island!" pagbati sa amin ng isang lalaki, "Dr. Martin's team, right? Pinadala po kami ni Governor Enrile para kayo'y sunduin." anito.

Sinundo kami ng dalawang van. Syempre, kasama ko ngayon si LolaNey na kausap ang lalaki. Hindi na ako masyadong nakikinig sa usapan nila. Busy ako sa kakatingin sa paligid na dinaraanan namin at update update na rin sa community account ko sa school! I noticed, the island is surrounded by the sea. Maliit lang ang isla pero I heard, it is famous for their tourist spots and somehow, I am looking forward for the visit. Why not? Matagal naman kami mag-iistay na dito at hindi lang naman puro medical mission. May outing din naman siguro gaya last year na sa Cebu kani nag medical mission.

Prince 3: Patient Love (✔️) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora