Episode 26

848 103 331
                                    

Episode 26: That night
---
Don't forget to drop in some comments, click the star button to vote and share the story! Great help! ❤️ Love lots!

-----

Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Eero is here and he is drunk!Oo, gusto ko siyang makita at makasama today but not in this state!


"Bakit ba pumunta ka dito? Akala ko ba may party kayo sa bahay niyo?" tanong ko sa kanya.


Nasa sala na kami ngayon at inaakalayan ko siyang maaupo siya sa sofa. Agad siyang napasandal rito at agad din napapikit ng kanyang mga mata habang hawak ang kamay ko.


"Kung hindi ako umalis doon, hindi ako makakapunta dito! Everyone is so drunk kaya pinaalis na muna ako ni Nanay lalo na at may klase pa bukas! Napapasobra na!" aniya sabay ngisi pero nakapikit pa rin ang mga mata niya.


Direcho pa naman siya kung magsalita sadyang obvious nga lang talaga na nakainom siya!


"Eero, baka ang ibig sabihin ng Nanay mo e, pumunta ka muna sa kuwarto mo! Hindi rito!" sabi ko sa kanya kasi ewan, naguguluhan pa rin ako sa ganitong kalagayan niya't pumunta pa siya rito e ang layo dito sa kanila! "Tsaka, nagtetext naman tayo, ah! Ni hindi ka nagsabi sa akin na pupunta ka!" dagdag ko kasi totoo, halos buong hapon kaming magkatext ni Eero.


"I just want to apologize for real, iyong kaharap kita! It saddens me that my insensitive actions hurt you! I feel really useless inside," aniya at malungkot ang naging tonado ng kanyang boses. Ewan ko ba, pakiramdam ko, totoo talagang nasasaktan siya.


"Tungkol ba sa mga pictures na nakita ko kagabi? Nag-usap na tayo tungkol doon, 'di ba? Okay naman na tayo! You don't need to do all these trouble para lang puntahan ako! Eero naman, alam mo naman na delikado ang magmaneho ng lasing! Paano kung napahamak ka? Nag-iisip ka man lang ba?" dire-direchong tugon ko. This guy right here is horrible, sobrang nag-aalala ako sa kanya ngayon! Naiiyak ako sa inis tapos ngingisihan ka lang!


"But I'm okay already! Enough the rants, please? Hug mo na lang ako," aniya at napapadipa pa siya, "Sige na, Madam! Don't be shy," pamimilit niya at talagang ngising ngisi.


Napairap ako. "Ikaw, kunyare ka lang talaga na pinapapunta ka ng Nanay mo rito, e! Ang totoo niyan, gusto mo lang humarot! May don't be shy ka pang nalalaman!" sabi ko but I ended up hugging him as his request.

Hay!

"Sorry, madam! I really didn't mean to be insensitive! Akala ko, walang masama na pumayag makipag-picture sa mga 'yon! Ang kukulit kasi, e! Tsaka, wala namang skinship na naganap! Purely picture lang tapos larga na agad! Don't worry, okay? Hindi na mauulit iyon! Hindi na ako uulit ng mga bagay na ngayo'y alam kong masasaktan ka lang, promise!" sabi niya and he seems so sincere na tila nakonsensya siyang talaga sa nangyari kahapon at sa naramdaman ko kagabi dahil na rin sa mga pictures na 'yon.



"Don't be sorry na! It's okay! Part of my reactions and sentiments are all because I'm not used to seeing stuffs like that, lalo na at ikaw pa! Tsaka, sabi mo nga, picture lang naman 'yon! Walang skinship and all, I believe you! Wala rin naman akong nakitang kalandian mo—ay meron pala!" sabi ko lalo na at naalala ko bigla iyong picture na suot ng isang babae ang cap niya!



"Anong meron pala?! Wala akong kahalikan, kayakapan, o kahit ano pa man kagabi ah! Over my dead body, madam! Malinis ang konsensya ko!" aniya at natawa ako kasi napahiwalay talaga siya sa yakapan namin at seryosong nagsasalita sa akin. Gulong-gulo ang mukha niya!



Prince 3: Patient Love (✔️) Where stories live. Discover now