Episode 44

932 117 159
                                    

Episode 44: Stress

Will update again once we reached our goal. Happy reading. 😊❤️ Magsisipag para magsipag din kayo. char. Enjoy lang! Don't forget to vote, comment and share the story. Lapit na talaga tayo. ☺️

Unedited.

----

"Madam, by 2 pm, dapat nasa school ka na namin, ah? You should go there as early as that para hindi ka maabutan ng marami tao! Before going, be sure to buy foods to eat! If you get bored, then, eat up! Madam? Hello? Are you even listening, Mary Divine?"

"Hmmm, oo na!" sabi ko. Inaantok pa ako.


"Oo na ka diyan. Don't forget to eat lunch, ha? Your ticket, nasa malapit sa phone mo! Don't even try to forget! Please? Maligo ka na riyan,"


"It's still early, inaantok pa 'ko."


"Early? Almost 11 am na, for sure, hindi ka pa nagbe-breakfast! Tsaka, hindi naman kita pinagod masyado kagabi, ah! Oa 'to!" aniya tapos natawa. "Sige na, galaw-galaw na! Maliligo lang ako at katatapos lang ng morning game practice! Salamat nga pala sa paglaba ng damit ko, ang bango! I love you,"

"I love you too," sabi ko naman.

"Oh, sige na! Bangon na riyan at kumain na ha? I'll see you later! Update mo 'ko, okay?"

"Oo na, dad!" pabirong sabi ko at natawa ako.

"Dad? Naku, madam! H'wag ganyan, mukhang ginaganahan ako," aniya tapos natawa.

Napasimangot ako. "Kamanyakan na naman kapag ganitong basta-basta ka na lang natatawa! Sige na, maliligo na ako and I'll see you later! I love you," sabi ko na lang.

After our phone call ay tuluyan na nga akong bumangon sa kama at pagkabangon ko'y napahinto ako't napahawak sa headboard ng kama. Biglang umikot ang paningin ko. Agad akong napaupo sa kama, giving myself a time to relax a bit.

I'm hungry and being anemic and getting out of the bed after lying down in an instant usually experience such kaya hindi na bago sa akin 'to. Nang bumuti na ang pakiramdam ko'y napatayo na ako't agad nagsuot ako ng robe at dumiretso sa banyo para maligo.

Kabado ako sa kung ano man ang kalalabasan ng araw na 'to ngayon. I am about to meet some of Eero's family! Ang Kuya niya, ang mga tito niya, and some of his friends—na nakilala ko na, pero, ibang sitwasyon na rin naman ito ngayon. Despite this nervousness, I want to meet them and I want to support Eero with his game kaya excited na rin ako. I don't know what to expect pero I am looking forward.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis. I wore my jeans, a simple top, na babagay sa susuotin kong sneakers later. My wardrobe is very limited now dahil hindi ko naman kayang dalhin ang lahat ng meron ako and I'm kind a concern of the fact na baka isumbat lang sa akin ni Daddy na ang mga gamit 'yon ay nabili gamit ang pera niya kaya iniwan ko na rin. I have decided to buy less expensive clothes before our classes starts but for now, I'll stick to what's available! Isa pa, basketball game naman ang pupuntahan ko, I want to be comfortable as much as possible.

Pagkatapos kong magbihis ay naghanda ako ng kakainin ko. Actually, wala akong ganang kumain pero susundin ko na rin ang bilin ni Eero kasi alam kong aawayin lang ako no'n kapag nalaman niya. He loves to taking care of me, lalo na pagdating sa kalusugan ko kaya gusto kong alagaan ang sarili ko para hindi ko siya pag-alalahanin masyado.

May pagkain pa mula sa mga binili ni Eero kagabi na iniinit ko ngayon. Hindi na rin ako magtataka kung sinadya niyang damihan ang mga binili niya para makain ko pa kinabukasan and tama lang din kasi mediyo tinatamad akong magluto.

Prince 3: Patient Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon