Episode 19

963 111 191
                                    

Episode 19: Dating

----
Happy reading!! :) Don't forget to vote, comment, and share your stories! Mediyo mahabahaba ito! Haha Salamat nga pala kasi 3 days nang nasa top ang PL sa MayWard category!! Ginalingan! ❤️ Salamat po! :)

---------

That night, mediyo late na rin talaga umuwi si Eero. Hinayaan ko na lang siya matulog kasi sobrang halata na kulang talaga siya sa tulog dahil ang himbing ng tulog niya. Sinabayan niya pa akong kumain ng dinner bago tuluyang umuwi.


Kinabukasan, linggo, maaga akong nagising upang maghanda para magsimba. This has been my sunday routine since then. Sinisimulan ko ang sunday ko sa pagsisimba lalo na at malapit naman ang simbahan dito sa condo building kaya as much as possible, I make time.


Pagkatapos kong maligo ay nagulat lang ako nang mayroong nag doorbell bigla sa unit ko. Sino naman kaya ito? Bukod kay Eero, wala namang nagtatangkang bumisita sa akin dito sa unit.


"Eero, what are you doing here?" I asked immediately. Si Eero nga ito.


He smiled widely. "Mabuti na lang hindi ako late," aniya. "Kanina pa kita tini-text at tinatawagan, hindi ka naman sumasagot! Sasama na ako sa 'yo today and isa pa, I brought something for you!" sabi niya sabay pakita niya sa akin ng isang lunch bag and for sure, mga lutong bahay na pagkain na naman ang mag ito.


"A--Akala ko ba hindi ka makakapunta ngayon dito? Naliligo ata ako kanina nang napatawag ka kaya hindi ko nasagot. Sorry," I said while checking my phone and totoo nga, may 4 miscalls siya at tatlong messages. "Sasabay ka sa akin magsimba?" pagtanong ko sa kanya habang inaayos ko ang lalagyan ng pagkain na dala na.


Agad siyang napatango. "Yup. I'll stay with you until lunch time! Maaga akong nagising kanina at wala naman akong ginagawa sa bahay kaya naisipan kong puntahan ka. Okay lang naman, 'di ba?" he asked.


I'm not even sure how to answer him by not being so obvious of loving the fact that he is here.


Napaiwas tingin ako sa kanya. "Hmm, yeah... I guess, okay naman! Kung wala kang ginagawa then okay lang! Maraming salamat sa food! Baka nagtataka na ang lola mo, ha?" mediyo curious din ako sa reaksyon ng lola niya't ilang araw na rin talagang nagbibigay ng pagkain si EL na luto ng Lola niya.


Bahagya siyang natawa. "She knew. Don't worry! Isa pa, my Nana loves to cook and she's very much willing to feed whoever wants her cooking! Tsaka, binida ko nga na, for someone who's not into eating gulay aba'y napapakain ka! She was happy!" kuwento niya and my heart is happy.


"Y--Your Nana knows about us?" I dared to ask.


Nasa pathways na kami ngayon papuntang simbahan. Niyaya ko si Eero na maglakad na lang kami papuntang simbahan dahil balak niyang magsasakyan e ang lapit lang naman.


"Yeah! Sabi ko sa kanya, I'm dating someone!" aniya at natatawa. Now, hindi ko tuloy alam kung totoo ang sinasabi niya lalo na't sobrang maloko pa naman ng lalaking ito.


I paused for a bit waiting for Eero to say more pero hindi na rin naman siya nagsalita pa. "R--Really? Then..."


"Of course she wanted to meet you! Sabi ko, I'll ask you." kuwento niya at nagulat ako sa narinig ko.


"Really? Pero..."


"Well, don't worry! I told her we are not in a rush, na, kinikilala pa natin ang isa't-isa! You see, nakilala na kasi ni Nana iyong babaeng dini-deny ng Kuya ko, e! She said she's hoping I'll do the same soon, iyong may ipapakilala! I told her that I am currently dating someone and that if things go well, I'll let her meet you! Or should I say, yes..."


Prince 3: Patient Love (✔️) Where stories live. Discover now