Episode 14

803 101 166
                                    

Episode 14: Alive

--
Vote, comment, and share the story! Enjoy! ❤️

ps: unedited
-------

Pansin ko, wala pa rin pinagbago si Eero kahit na mediyo matagal kaming hindi nagkita. He is still the Eero I know, ang makulit na siya.

"Grabe, akala ko talaga tuluyan nang matatapos ang buong summer vacation ko na wala man lang ginagawa! Halos nasa bahay lang ako after the medical mission! I was so close to regret about not joining the varsity team!" aniya.

Kumakain kami ngayon sa isang restaurant ng mall. As usual, madaldal pa rin talaga siya but it's okay, I missed listening to his stories, for sure. Akala ko nga mawawala siya sa mood dahil sa nangyari kaninang pagpapahintay ko sa kanya pero hindi naman! He's cheerful as usual.

"After the medical mission, ano pinaggagawa mo, madam?" he asked

Gusto ko sanang tigilan niya na ako sa kakatawag na madam sa akin dahil sa naiilang ako at parang ewan ko ba! Parang ang lakas mangasar ng madam, e! Pero, I think he's just really comfortable and that, hinahayaan ko na lang siya, napagsabihan ko naman na siya dati pero ganoon pa rin.

Bahagya akong napaisip. "Hmmm, nag-aral akong magluto, and I was active in church. May mga summer campaigns din ang daddy ko for the people kaya tumulong ako kahit papaano," kuwento ko sa kanya.

"Really? Naks! That's good to know! So, I am expecting na alam mo na magluto? Will you cook for me then?" direktang tanong niya

Sobrang diretso kung magsalita itong Eero, he really doesn't hold back.

Bahagya akong napangiti. "H—Hindi naman ako masyadong magaling! I...I only knew some basic recipes! Nakakahiya..." I said kasi nakakahiya naman talaga! I mean, I did learn how to cook pero hindi naman talaga ako naging pro, sakto lang! Tsaka, kaunting luto lang alam ko. Mahirap din naman kasi.

"It's okay! At least you are learning! Sige na, madam! Let me taste test your cooking, I promise I won't judge! Tsaka, food is food!" aniya.

He really is a persistent guy. I was convinced in no time.

As agreed, hindi na muna ako nag grocery! Bagkus, sumama ako kay Eero sa gusto niyang trip today! Naglaro ulit kami ng archade just like the last time at sa totoo lang, naeenjoy ko ito. Siya lang naman ang bukod tanging lalaki na nakakasama ko sa mga ganitong gawain, e! He was really a stress reliever, I can say.

"Sayang naman iyong teddy bear!" si Eero

"Anong ba kasi ang gagawin ko don? Ang laki na ng nagastos mo para doon sa game na iyon, puwede ka naman kasing bumili na lang!" natatawang sabi ko

He looked so frustrated not getting the white big teddy bear as a prize. Kanina pa kami naglalaro pero hindi pa rin ma tsempohan.

"Of course, I can buy! Pero, iba pa rin iyong pinaghirapan mo no! Don't worry, madam! I'll get that for you!" and he looked determined

"For me? Eh 'di ba nga, may binigay ka ng keychain para sa akin dati? I still have that! Tsaka, hindi naman kailangan..."

"Madam, talaga! Napaka-KJ mo, kamag-anak mo ba si JM?!" he asked

"JM? Sino iyon?" I asked. Is that a celebrity or something? Not sure.

"Pinaka-KJ sa lahat! Tara na nga!" Aniya at napahawak ito sa kamay ko habang naglalakad kami. He was doing this the whole time kapag naglalakad kami. Sinubukan ko naman syempreng hilain nang bahagya ang kamay ko pero ang sabi niya sobrang bagal ko raw maglakad kaya ganito. Hinahayaan ko na lang kahit na nakakailang ang mga tinginan ng iilang mga babaeng nakakasalubong namin.

Prince 3: Patient Love (✔️) Место, где живут истории. Откройте их для себя